"Your friends. They're really fun. I like them," sabi ko kay Jisung pagpasok namin ng bahay.
"Yeah. They like you too. Especially Jaemin-hyung. Obviously," sabi niya na hindi ako tinitingnan. Umupo lang siya sa sofa at nagcellphone.
Luh, okay lang ba to? Tumabi ako sa kanya.
"Selos yarn?"
Hindi siya umimik. "Uy di mo ko papansinin? Aalis na ako in a few hours o. Dapat nasa hotel na ako by four."
Hindi pa rin niya ako pinansin at gumalaw palayo sa akin.
"Uy Jisung. Nagseselos ka nga? He's just your hyung." Di pa rin niya ako pinapansin.
Tinapik tapik ko ang bibig ko at nag-isip.
Huminga ako nang malalim bago ko gawin ang isa sa mga pinaka nakakahiyang gagawin ko sa buhay ko.
Ikinawit ko ang mga braso ko sa isang braso ni Jisung nang pabigla, dahilan para magulat siya at mabitawan ang phone niya sa sahig. Buti na lang carpeted ang sahig nila.
"Chelle, what are you doing?" Tanong niya sa akin nang makita niya akong nakapout na parang bata. Sinisikap kong magpuppy eyes. Sana gumana at hindi ako magmukhang nananakot. Gagamitin ko na ang charm ko at magpapacute nang sobra hangga't kaya ko.
"Oppa, mianhaeyo. Jeongmal jeongmal mianhaeyo," sabi ko sa napapababy na boses. Jusq, Chelle. Nakakahiya pero kapit lang. Para mawala lang ang tampo ni Jisung.
"Oppa. Oppa," patuloy ko. Hindi makapagsalita si Jisung dahil sa ginagawa ko. Di ko tuloy malaman kung effective ba o nawiwirduhan siya sa akin. Pero tinuloy ko pa rin.
"Oppa...joahaeyo. Saranghaeyo," sabi ko na medyo nagkikissy face pa. Doon siya natawa sa akin. Okay effective naman pala.
Inisip ko kung ano 'yung sinabi ni Jaemin kanina. Ano nga iyon? Ah. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin non pero sabi niya, mapapasaya raw noon si Jisung. Well, here goes nothing.
Tinanggal ko ang kamay ko sa mga braso ni Jisung. Lumuhod ako sa may sofa para mas maging level ang mga mukha namin at sinimulang pisil pisilin ang mga pisngi niya.
"Nae nampyeon-eun jal saeng-gyeossda," sabi ko sa kanya.
"Do it with aegyo," naalala kong sabi ni Jaemin sa akin.
Inulit ko. "Nae nampyeon-eun jal saeng-gyeossda," sabi ko habang humihilig pa sa balikat ni Jisung.
Tiningnan ko ang reaksyon niya at nakita kong prang gulat na gulat siya. "Uy, galit ka pa ba?"
Para naman siya natauhan. "What...what did you just say?"
"Uh...nae nampyeon-eun jal saeng-gyeossda?" My gosh bakit kasi di ko muna inalam kung anong ibig sabihin non bago ko sinabi. Baka mamaya SPG yon. Sasakalin ko talaga si Jaemin.
Napatingala si Jisung at tinakpan ng dalawang kamay ang mukha. Nakita kong namumula ang dalawang tenga niya. "Ah, jinja," narinig kong usal niya.
"Uy. Okay na ba tayo?" Parang ayoko nang itanong kung ano bang ibig sabihin non. Kinakabahan ako dahil sa reaksyon ni Jisung eh.
Tiningnan ako ni Jisung, namumula pa rin. "Hm... Call me oppa one more time."
"O...oppa?" Parang inuuto na ko nito ah.
"Kyeopta. Gaja," sabi niya bago pisilin ang ilong ko. "Let's go to the rooftop. We still have a few hours before you go."
Umupo kami sa swing, magkatabi. "Chelle, I'm really glad you're here," sabi niya pagkatapos ay pinagsalikop ang mga kamay namin.
"Ako rin," tiningnan ko ang mga kamay namin.
YOU ARE READING
Coming Home
Teen FictionChelle Javier became a friend to Jisung Park when everyone else treated him like an outsider. They had that kind of friendship you would wish for. They were inseparable that romance started budding between them. But everything changed when Jisung le...