CHAPTER 16

7 0 0
                                    

Pagdating ko sa party, sinalubong ako agad ni Ian. "Chelle! You look lovely."

Nag-thank you lang ako at pinuri din siya. Ang gwapo pa rin nito kahit ilang taon na ang nakalipas. Kaya di na rin ako nagtataka kapag napagkakamalan siyang model imbis na VP for Marketing ng agency namin.

At dahil nga close kami ni Ian, bilang parehong Univeristy rin ang pinasukan namin, hindi maiwasan ang mga inggitan. Kaya wala rin akong masyadong kaibigan sa agency eh. Pero lahat naman ng meron ako ngayon, pinaghirapan ko. Hindi ako nagpalakas o anuman.

Bored na bored ako sa party. Wala naman kasi akong makausap at laging kasama ng ExeCom si Ian. Buti na lang lumapit si Linda, isa sa mga co-model ko na walang galit sa akin.

"Girl, naiinip na ako. 8:00 pa lang tuloy, nakatatlong glasses na ko nito. Hindi ko nga alam kung ano 'to pero masarap."

"Hindi ka ba magdadrive mamaya? Baka mapaano ka."

"Chill ka lang! Kasama ko si Hans. Siya bahala sa akin." Ah 'yung boyfriend niya. Hindi naman ako makakainom kasi wala namang maghahatid sa akin.

Sobrang uneventful ng party. Hanggang sa pumunta na lang ako ng parking lot, ready na akong umuwi bago mag-11. Tapos naman na 'yung mga seremonyas, party na lang talaga.

Kung kailan naman akong uwing-uwi saka hindi maistart ang kotse ko. Seryoso ba?

Tumawag ako kay Aira para humingi ng saklolo. Baka naman nasa bahay siya ngayon.

"Chelle, sorry! Kinuha ni Tito 'yung kotse ko, hindi rin ako makaalis. Pero wait lang ha. May tatawagan ako. Stay put ka lang diyan." Sinabi ko na lang sa kanya kung nasaan ako exactly at kung saan ako nakapark.

Binaba ko na lang ang tawag at umupo sa loob ng kotse. Nag-text ako kina Mommy para hindi na rin sila mag-alala. Wala pa pala akong dalawang flats o tsinelas man lang para maipahinga ko na 'yung paa ko. Nakakapagod din yung biyahe at party kaya hindi ko namalayang nakatulog ako.

Nagising na lang ako nang may kumakatok sa may pintuan ng kotse. Si Ian pala iyon, medyo nakakunot pa ang noo.

"Oh thank God. Akala ko kung napaano ka na. Nagpaalam ka na kasi na uuwi tapos biglang nandito pa rin ang kotse mo," sabi niya pagkababa ko ng bintana.

Bumaba ako ng kotse. "What time is it?"

"Magtu-twelve na."

Ang tagal ko palang nakatulog. "Ayaw kasing mag-start ng kotse ko."

"I can give you a ride home if you want."

"No need. May darating naman akong sundo. Isa pa, sa Bulacan ako uuwi."

"I see. Well, I'll wait with you then."

Naupo kami pareho sa may hood ng kotse. Nag-uusap lang kami nang kaswal nang biglang may bumusina nang malakas na sasakyang papunta sa amin. Pareho kaming napaigtad. Ano bang problema nito?

Tumawag sa akin si Aira. "Girl, nandyan na sundo mo. Ako na rin bahala sa sasakyan mo kasi na-guilty ako. Love you. Ingat ha!" At saka niya binaba agad.

Ito na 'yung sundo ko? Wow, ang rude. Hinatid ako ni Ian hanggang sa may kotse ng "sundo" ko. Nagulat pa ako na si Jisung 'yung nasa may driver's seat.

"Hi Ian. Long time, no see," sabi ni Jisung na may suot na bucket hat at specs.

"Oh, kaya naman pala ayaw mong magpahatid. At kaya pala suot mo ulit yan," sabi niya na umiiling-iling. "O siya. I'll leave you to it. Ingat kayo." Nagulat ako nang halikan ako ni Ian sa may pisngi, malapit sa labi. Hindi naman lumapat pero sa point of view ni Jisung, baka mukhang ganoon. Hindi naman ako nakagalaw dahil sa pagkagulat.

Nakakaloko pang ngumiti si Ian kay Jisung bago umalis. "Ingat kayo, pre."

Nakita kong humigpit ang hawak ni Jisung sa steering wheel. Gusto ko pa bang sumabay sa kanya pauwi? Aatras na sana ako pero nagsalita siya.

"Get in the car," iyon lang at umalis na kami sa party venue.

"I thought you and Ian weren't a thing?" sabi ni Jisung habang nasa NLEX na kami.

"Hindi nga."

"And you let him do that?"

"Ano bang problema mo? Saka pwede bang pakibagalan ang pagdadrive?" Nababanggit ko na ata lahat ng santo sa utak ko dahil sa pagmamaneho nito.

Hindi siya sumagot at parang nanadya na binilisan pa ang pagdadrive. Hindi ba kami mahuhuli rito kahit express way?

"Dapat sinapak mo. Kahit pa kaibigan mo 'yon, sasapakin ko 'yun."

"Bakit ka ba galit?"

"Are you serious? Hindi mo pa rin alam kung bakit ako galit?"

"Kaya nga ako nagtatanong 'di ba?"

"I'm jealous, okay?"

Inihilamos niya ang kaliwang kamay niya sa kanyang mukha. Halatang sobrang frustrated siya sa sitwasyon namin. Nagulat ako dahil noon ko lang siyang nakitang ganoon. Hindi siya sumigaw. Pero kita mo ang pagpipigil niya sa sarili. Mahinahon pa rin siya. Typical Jisung.

Hindi na kami nag-usap hanggang makarating kami sa kanto ng bahay namin. Tahimik na ang lugar dahil ala-una na rin. Puro makukulay na Christmas lights at parol ang makikita mo bawat bahay.

Nagtaka ako nang nag-park lang siya malapit sa may school namin noong high school imbis na sa may harap ng bahay nila. Malapit na lang naman. Bakit dito kami huminto. Akala ko paglalakarin na lang niya ako dahil sa sobrang inis niya sa akin pero bumaba rin siya ng sasakyan.

"Anong ginagawa mo?"

"What you did 10 years ago. Sakto, you're in a pretty dress too."

Nagsimula kaming maglakad ni Jisung papunta sa bahay. Sabi niya babalikan na lang daw niya yung kotse niya mamaya. Ewan ko rin kung anong trip nito.

Pero mga ilang hakbang palang, sumakit na ang paa ko.

"Teka lang," sabi ko bago tinanggal ang heels ko. Siya rin ay nagtanggal ng sneakers niya.

"I don't want you to be alone," sabi niya naman sa akin bago ako makapagtanong. Sobrang nostalgic ng nangyayari sa amin. Binalik ako sa gabi ng prom namin. More than ten years ago, noong simple pa ang mga panahon, ganito lang kami ni Jisung. Nakatapak, naglalakad, mukhang tanga, pero masaya.

Mabagal ang bawat hakbang namin, parang ayaw naming umuwi pa. Sobrang pamilyar ng ginagawa namin ngayon, pero parang may kakaiba pa rin. Yung ilang taong pagitan na nagkahiwalay kami, ginawa kaming estranghero sa isa't isa. Ang katahimikan namin, hindi na komportable. May mga salitang gustong masabi pero pinipiling itago na lang.

"What happened really? Bakit ka sumuko?" Hindi ko na tinanong kung bakit. Alam ko naman kung ano yung tinutukoy niya.

Gusto ko na lang manahimik pero pagod na akong magtago. Baka masyado na akong nagiging unfair sa kanya. Baka panahon na para kausapin siya. Pagod na rin akong tumakas.

Umupo kami sa gutter sa harap ng bahay namin. Huminga ako nang malalim bago nagkwento.

"Hindi ako sumuko. Ginawa ko lang kung ano ang dapat."

Coming HomeWhere stories live. Discover now