CHAPTER 24

9 0 0
                                    

"Trichelle, let's go," narinig kong tawag sa akin ni Ian. Kadarating lang namin sa Incheon International Airport at para akong kinakabahan na di mawari.

Sumunod ako kay Ian sa service shuttle kasama sina Leana at Kira, dalawang models na kasama namin para sa Seoul Fashion Week. Kay Ian ako tumabi. Saktong pagkaupo ko sa shuttle, biglang nag-vibrate ang phone kong nasa bulsa ng coat ko. Bumungad sa akin ang pangalan ni Jisung sa screen. Mayroon siyang message.

"Take care on your little field trip. Will take this day to practice. Mini concert kami tomorrow."

Sinundan agad iyon ng picture niyang mukha pang fresh. Jusq, ang perfect.

Hindi niya alam na sa Seoul ang punta ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Hindi niya alam na sa Seoul ang punta ko. Basta alam niya lang meron akong work immersion for a week.

"Sana all na lang. Hashtag JiChelle," dinig kong bulong ni Ian. Hinampas ko naman siya agad at biglang namula ang mga pisngi ko.

"'Di ba nila sinabi sa 'yong rude magbasa ng messages ng ibang tao?" Pag-irap ko sa kanya.

"'Di ko naman sadya. Ang laki kaya ng picture na sinend ni Jisung sa 'yo. Practice nila?"

"Oo. Ang gulo mo. Dami mong tanong."

"Okay, Miss. Chill," tawa niya pagkatapos ay nanahimik na hanggang sa makarating kami sa hotel. In fairness sa budget, hiwa-hiwalay kami ng kwarto, At least, may privacy.

Pagkarating ko sa kwarto ko, inayos ko lang ang mga gamit ko. Nilabas ko mula sa sling bag ko 'yung bagong album ng grupo nina Jisung. Di ko ba naman talaga alam kung ano ang trip ng tadhana. Yung Seoul Fashion Week ay week din kung kailan sila magcocome back.

Bago pa pala bumalik si Jisung sa 'Pinas noong December, ready na 'yung album nila. Buti na lang at okay na siya. Makakasayaw na siya ulit.

Pinadala sa akin 'to ni Jisung pagka-release sa Korea dahil gusto raw niyang magkaroon ako ng kopya. May isang ticket doon sa album para sa mini concert. First 300 fans lang daw ang makakakuha noon. Nag-joke pa siya na if ever daw kasi na pumunta ako, at least sure na may place ako. Pero alam kong pareho kaming umaasa noon.

Well, ngayon, hindi na kailangan. Dahil nandito na ako.

Napapangiti ako sa mga iniisip ko nang biglang may kumatok. Iniluwa ng pintuan si Ian.

"Hi. Here are the tickets. Para sa rest ng shows 'yan. 8pm pa naman ang start so you can do some sightseeing." Nagair quote pa si Ian.

"Baliw ka no?" Natawa akong kinuha ang tickets sa kanya. Bukas pa naman ang mini concert nina Jisung. Siguradong makakasama ako.

"Miss Javier, kahit may isa kang ma-miss, okay lang. Ako nang bahala sa 'yo," kindat niya

"Alam mo, Ian, dami mong sinasabi. Sobrang invested mo sa love life ko. Wala ka bang sa iyo?"

Coming HomeWhere stories live. Discover now