"Tara na! Sa sasakyan ko na lang tatanggalin ko lang 'yung make-up ko," sabi ko kay Ian na kasama sina Jason at Aira na tumatakbo rin papuntang carpark Dalawang oras na lang kasi bago ang concert at babyahe pa kami.
Oo, pupunta kami sa concert nina Jisung. Sobrang ganda ng performance ng group nila sa charts at laging sold out lahat ng concerts nila noong nag Asian tour sila. Pumunta na sila ng Japan, Singapore, Thailand, at isa sa mga huling stop nila bago bumalik ng South Korea ay Philippines. Magcoconcert sila sa Manila para i-promote ang album nila.
Nakakaproud. At masaya rin ako dahil after four months, magkikita na ulit kami.
Two months ago...
Tumawag sa akin si Jisung at sinabing magkaka-concert sila sa Manila. Sobrang excited ko dahil ilang buwan na kaming hindi nagkikita. Kahit man lang onstage ay makita ko siya. Ni-reserve ko na ang araw na iyon at nagpaalam na rin ako sa mga boss ko. Okay na sana ang lahat. Wala akong nakabook na kahit na anong events sa araw na iyon. Kaso...
"Ian! Ano ba naman. Sabi ko naman sa 'yo naka-leave ako noon 'di ba?" Sabi ko pagpasok sa opisina niya, hawak hawak ang sentido ko sa sobrang inis.
"I'm sorry okay? Ikaw ang gusto ng client. Anong gagawin ko? Saka para rin naman sa 'yo to. Makakabuild ka ng portfolio mo. Sikat ka na Chelle at mas lalong magiging in demand pa. 2pm naman ang start ng photoshoot. May time pa para makapunta sa concert," sabi niya na nagmamakaawa.
Bigla kasing naging mataas ang demand ng mga kliyente sa agency namin. Siguro bigay na rin ni Lord, isa na ako sa mga top-tier models nila. My hardwork finally paid off. Pero ibig sabihin noon, tighter schedules. Hindi naman ako nagrereklamo kasi nabibigyan ko ng magandang buhay ang pamilya ko. Nakapagpatayo na rin ako ng spa and salon sa Bulacan pati sa Quezon City dahil sa ipon ko sa ilang taon kong pagmomodel.
Pero isang araw lang naman ang hinihingi ko. Natapat pa sa concert ni Jisung.
"Tell you what? Ikaw unang isasalang na model. Tapos group shot agad. Tatlo naman kayong kasama. Para matapos ka kaagad. And I'll tell them you need to go early because of a prior engagement. Ngayon pa lang sasabihin ko na para di naman sila maturn off. Okay?"
Tumango ako. "Okay fine. I'll do it."
Present
Pumasok ako agad sa kotse. Si Ian ang driver, si Jason sa passenger seat at si Aira sa likod kasama ko. Tutulungan niya kasi ako mag-alis ng makeup. Ni hindi ko man lang nakuhang maghilamos sa pagmamadali. 2pm nagstart yung shoot pero magfa-five na ata kami natapos dahil na-late yung ibang tauhan ng kliyente. Tuloy ngarag kami.
Nagbihis lang ako ng gray t-shirt, black pants, at nagdenim jacket. Nagdala na rin ako ng face mask. Jusq baka may makakilala sa akin tapos magkakalat ako ron kasi may itataas ako na banner pag nagperform na sila.
Inaabutan ako ni Aira ng mga makeup wipes habang todo kuskos naman ako. Makapal kasi ang makeup na inilagay sa akin.
"Girl, dahan dahan. Gusto mo bang tanggalin yung balat mo?"
Tuloy ako sa pag-aalis ng make-up.
"Feeling ko makakarating naman tayo doon on time. Ako na lang bahala sa parking," sabi ni Ian na nagpupunas ng pawis gamit ang likod ng palad niya dahil sa pagtakbo namin kanina. Ang supportive talaga nito pagdating sa amin ni Jisung. Para siyang fairy godfather.
"O, Ian," sabi ni Aira. Inabutan niya si Ian ng panyong kulay pink. Kinuha naman iyon ni Ian at nahihiyang nagpasalamat.
Kumuha rin si Aira ng dalawang bote ng tubig galing sa bag niya. Iniabot niya ang isa kay Jason at ang isa kay Ian. Kinuha ni Jason ang isa.
YOU ARE READING
Coming Home
Teen FictionChelle Javier became a friend to Jisung Park when everyone else treated him like an outsider. They had that kind of friendship you would wish for. They were inseparable that romance started budding between them. But everything changed when Jisung le...