CHAPTER 8

7 0 0
                                    

Malapit nang mag-birthday si Jisung. Tradition namin na every birthday niya, pupunta ako sa bahay nila ng mga 4:00 ng madaling araw. Maaga na lang ako natutulog para hindi lulugo lugo sa school. Nandoon lang kami hanggang sumikat ang araw, parang salubong namin sa unang umaga na nag-birthday siya.

Dahil early February pa lang, medyo malamig pa. Nagbaon ako ng jacket na may hood, pati na rin kimbap na ginawa ko noong gabi. Yun 'yung kinakain namin habang naghihintay lumiwanag. Medyo ayaw na nga akong payagan nina Mommy at Papi kasi dalaga at binata na raw kami. Pero mapilit ako at in-assure kami na walang gagawing masama. Ano ba naman kasing gagawin namin?

Nag-text ako kay Jisung na nasa baba na ako. Pinapasok niya ako sa loob, umakyat sa may terrace nila at sumalampak doon.

"Happy birthday, Jisungie!" Bulong ko para hindi masyadong makaabala kay Lola Lucy.

"Salamat, Chelle."

Malamig ang hangin. Tahimik ang paligid. Hindi kami nagsasalita pero 'di naman kami awkward. Hindi katulad ng mga nakaraang araw na naiilang ako sa kanya.

Oo, inamin ko na sa sarili kong attracted ako kay Jisung. Pero 'di ibig sabihin noon na aamin ako sa kanya. Mawawala rin naman 'to. Baka dala lang 'to ng hormones ko.

"Akala ko hindi ka pupunta. I thought you aren't going to talk to me anymore," sabi ni Jisung na may himig ng pagtatampo.

"Hala nagtatampo 'yan? Ito naman. May mga iniisip lang ako noong mga nakaraang araw."

"Ano naman?"

Ikaw. "Wala naman. Alam mo na, malapit na tayong mag-college. Isang taon na lang, graduate na tayo. Pero hindi ko pa rin sure kung anong gusto kong gawin." Hindi naman ako nagsisinungaling kasi hindi ko rin alam kung anong gagawin ko talaga.

"I see."

"Ikaw ba gusto mo pa ring maging K-pop idol?"

"Yeah. But that means leaving this place. That means leaving Jason and Aira." Tumingin siya sa akin. "That means leaving you."

May kumurot sa puso ko. Pumapasok sa isip ko na baka isang araw, bumalik ng Korea si Jisung pero ayokong harapin. Ngayon, parang unti-unting nagca-catch up sa akin 'yung katotohanan.

Darating din 'yung panahon na aalis si Jisung para abutin ang mga pangarap niya. Bigla akong napaluha pero umiwas ako ng tingin sa kanya para di niya makita. Kaso nahuli niya ako.

"Why are you crying?"

"Ah wala. Baka magkakaron lang ako. Anong araw na nga? Feb 5 no? Ilang araw na lang din pala. Pasensya ka na emotional lang talaga ako. Mahipan lang ata ako iiyak na ko. Maisip ko pa kaya na aalis ka," sabi ko na medyo sumisinghot singhot.

"I can stay. I also want to stay," sabi niya habang nakatingin sa akin.

Umiling ako. "Pag nagka-opportunity, kuhanin mo agad. Magaling ka, Jisungie. Nagpapractice ka araw araw magsayaw at mag-rap para diyan. 'Wag mong sayangin. Ano nga 'yung sabi nila? Chase your dreams," sabi ko at saka ngumiti.

Tahimik lang siya pero nagsalita rin. "Ikaw? What's your dream?"

"Alam mo, iniisip ko rin 'yan. Nung sumakit 'yung tiyan mo, noong kumain tayo ng isaw, sabi mo sa akin noon di ba, gusto mong maging k-pop idol? 'Yun yung unang araw na nagtanong ako kung anong gusto ko sa buhay. Hanggang ngayon, pinagdadasal ko pa rin 'yun. Hindi ko pa alam kung ano ang gusto ko para sa akin. Inaantay ko na lang kung ano 'yung magspark," sabi ko.

Humarap ako sa kanya. "Pero promise mo ha? Kapag may chance na matupad ang pangarap mo, kunin mo. 'Wag mo hayaang may mag-hold back sa iyo. Kung wala ka namang masasaktan, ituloy mo, ha? Promise?" Itinaas ko ang pinky finger ko.

Coming HomeWhere stories live. Discover now