CHAPTER 21

7 0 0
                                    

Gusto kong dalhin si Jisung sa Batanes dahil doon tahimik, kaunti lang ang tao. Panigurado, compared sa ibang lugar sa Maynila, mas kaunti ang nakakakilala sa kanya. Pero hindi rin naman namin pwedeng i-risk 'yung pagpunta niya sa airport. Maraming makakakilala sa kanya ron. Isa pa, hindi rin naman ako nakapagbook ng ticket agad.

Hindi ako magaling mag-organize ng mga ganito kaya kailangan ko ang tulong nina Jason at Aira. Sa huli, napagpasiyahan naming sa Dona Remedios Trinidad na lang pumunta. At apparently, may rest house doon sina Jason malapit sa isang maliit na falls. Ilan pa kaya ang bahay nitong kumag na 'to? Nalilimutan kong mayaman nga pala 'tong si Jason minsan. Kaming apat ang pupunta kasi huling linggo na rin naman ni Jisung dito sa Pinas.

Mukhang marami akong maririnig sa office pagbalik ko, mukha susulitin din nila ako ngayon January pero sige. Pansamantala lang naman.

Magkakaroon ng privacy 'yung ilang araw namin doon. Kahit sa loob ng ilang araw, makapag-unwind si Jisung bago pa man siya umuwi sa SoKor.

Pagdating namin sa rest house nina Jason, saglit lang kaming nagpahinga bago kami lumabas at pumunta sa isang farm.

Nag sightseeing kami roon at nagkukulitan kaming apat. Syempre nag-ingat kami na walang masisira sa mga dinadaanan namin. Nagpicture picture kaming apat. Nagkasundo kaming walang magpopost sa social media nang kasama si Jisung para iwas na rin sa gulo. Baka may makakilala sa kanya kahit naka face mask naman siya the whole time.

Umikot ikot pa kami sa iba't ibang sights hanggang umuwi na kami bago mag-dilim. Nagulat na lang ako nang biglang nag-aayos ng gamit sina Jason.

"Aira, saan kayo pupunta?"

"Uuwi na. Gusto namin kayong bigyan ng alone time ni Jisung eh. Don't worry, alam naman niya," sabi niya at kumindat pa.

"Basta behave. Kung di kaya mag-behave, be safe," sabi ni Jason sa akin na siya namang ikinapula ng mukha ko. Hinampas ko siya ng sling bag.

"Aray! Joke lang eh. Basta mag-ingat kayo rito. Settle niyo na ang kailangan niyo i-settle," biglang seryoso si Jason at ginulo ang mukha ko.

Tumangon na lang ako at sinamahan sila palabas. "Nasaan pala si Jisung?"

Sumakay si Aira sa sasakyan bago sumagot. "Nandoon sa may falls sa likod bahay. Gusto raw niya mag-take ng photos habang may liwanag pa kahit papaano."

Nagpasalamat ako at hinatid ng tanaw ang sasakyan nila bago ko pinuntahan si Jisung. Naabutan ko siyang nakaupo sa isang tabi, nakababad ang mga paa sa mababaw na parang batis kasama ng maliit ng talon. Nilalaro laro ng kamay niya ang tubig.

Napangiti ako. Paano nga kaya kung naging normal na tao lang siya at hindi kpop star ano? Nilapitan ko siya at umupo rin sa tabi niya, inilublob ang mga paa ko sa tubig.

"The told me they're leaving before dark," sabi niya pagtuloy kina Aira.

"Oo nga raw. Hindi nga sinabi sa akin agad. Sana mas nasulit pa yung araw," sagot ko.

"That's fine by me. I'd rather have you to myself."

Napatigin ako sa kanya. "Ah...uh ganoon ba?" I faked a cough dahil di ko alam ang sasabihin.

"I like their company of course. Pero hindi pa kita nasosolo," sabi niya habang ibinabato ang mga pebbles sa batis.

Hindi ako sumagot. Tahimik lang kaming pareho habang nakaupo. Hanggang sa dumilim ay hindi kami umalis doon. Medyo may kaunti naman kaming ilaw galing sa rest house.

"You know, noong prom natin, gusto kong maging first and last dance mo. Kaya lang laging may istorbo. Ang epal din ni Ian. Hanggang ngayon, epal pa rin siya," sabi ni Jisung.

Coming HomeWhere stories live. Discover now