CHAPTER 15

7 0 0
                                    

"Lola Lucy!" Patakbo akong pumunta sa bahay nina Jisung nang makita kong may pumaradang kotse sa harap ng bahay nila. Hindi pa man nakakababa si Lola ay sumalubing na ako.

"Chelle, anak!" Sabi niya pagkababa niya. Agad niya akong niyakap at hinalik-halikan sa pisngi.

"Ang ganda ganda mo na lalo! Aba'y hindi ka pa ba nagnonobyo?" Maingat na tanong niya.

Tumawa lang ako at saka umiling.

Pumalakpak siya at ngumiti sa langit. "Hay salamat! Lord, ang lakas ko talaga sa 'yo!"

"Hala siya. Lola, una mong tanong sa 'kin kung may jowa na ako. Ni hindi mo man lang ako kinumusta. Tapos ngayon, nagte-thank you ka kay Lord na wala pa akong jowa? Thank you po ha."

"Ay hindi naman sa ganoon, hija. Ay basta. Halika, samahan mo akong kumain. Jisung! Apo, let's go inside!"

Hindi ko napansin si Jisung na nasa may likuran ng kotse at kinukuha ang mga bagahe ni Lola Lucy. Nagtama ang mga tingin namin.

Biglang bumalik sa akin ang nangyari kagabi. Kung paano niya akong isinandal sa pader, ikulong ng mga braso niya, at halos mahalikan niya na ako kung hindi lang ako umiyak.

Napaubo ako nang di oras. Bigla namang namula si Jisung.

He still does that? It reminded me of Jisung when we were in high school. Siya pa rin kaya iyon?

"Yes, Halmeoni. I'll bring your bags inside." Nakita ko namang medyo nagsu-struggle si Jisung sa pagbababa ng maleta. Ang dami namang bagahe ni Lola Lucy. Pumunta ako sa tabi ni Jisung at tinulungan siyang magbaba ng mga gamit.

"I got this. Samahan mo na lang si Halmeoni sa loob," sabi niya na hindi ako tinitingnan.

"May kotse ka pala eh. Bakit nagsabay pa tayo kagabi?" tanong ko na wala sa loob ko.

"You're really asking me that? Do you really want to stay away from me that bad?" Sabi niya at hinarap ako pagkasara ng trunk ng kotse.

Hindi ako nagsalita. He smiled sarcastically and shook his head.

"It's been ten years. Pero ang manhid manhid mo pa rin, Trichelle Ann," sabi niya at binuhat ang ilang bagahe papasok ng bahay nila.

Magiliw na nagkukwento si Lola Lucy sa naging buhay niya sa Bicol noong nakaraang sampung taon. Sobrang saya niya dahil nakasama niya ulit ang mga kapatid niya. Parang hindi naman kami naglayo kasi consistent naman ang pagvivideo call namin simula nang umalis siya sa Bulacan. Sa kanya ko na lang din nalalaman ang mga balita kay Jisung mula noong hindi na kami nagkausap.

Alam din niya ang dahilan kung bakit ako sumuko kay Jisung. At naiintindihan din naman niya.

Nasa hapag lang kami nang biglang nag-excuse si Jisung para magtimpla ng juice. Kinuha naman ni Lola Lucy ang pagkakataon para makausap ako nang ako lang.

"Hindi pa rin ba kayo nagkakausap ni Jisung?"

Umiling lang ako. "Wala na pong dapat pag-usapan."

Ngumiti lang siya nang malungkot. "Alam mo, anak, noong bata si Jisung, ikaw ang naging sandigan niya. Wala siyang kilala noon. Natatakot din 'yung iba na lapitan siya dahil hindi nga siya nagta-Tagalog. Pero ikaw, iba ka."

Tumingin lang ako kay Lola.

"Kaya noong umalis ka, nawalan din siya ng kaibigan. Nawalan siya ng matalik na kaibigan. Ang daming kwento sa akin ng batang iyan noong mga unang taon niya after nila mag-debut. Gusto raw niya ibahagi sa iyo yung mga yun pero hindi mo naman daw siya kinakausap," sabi niya.

Coming HomeWhere stories live. Discover now