CHAPTER 11

9 0 0
                                    

Nanginginig ang kamay ko nang matanggap ko ang envelope. Dalawa lang naman iyon, tanggap ako o hindi. Parang sasabog ang puso ko sa kaba.

"Ano? Hindi mo pa rin ba iyan bubuksan?" Sabi ni Papi na parang mas kinakabahan pa ata kaysa sakin. Katabi niya si Mommy na nawawalan na ng kulay ang mga labi.

Nag-exam ako sa isang private university na maganda ang Tourism program. Nag-apply na rin ako for scholarship. May iba pa naman akong pinag-exam-an pero ito talaga ang gusto ko. Kaya ko namang i-maintain 'yung grades ko. Pagbigyan lang ako ni Lord, kahit ngayon lang.

Binuksan ko na ang envelope at binasa ang nakasulat.

Dear Miss Intal,

It's our pleasure to inform you that your application has been accepted...

Napatili ako at napatalon at kahit 'di pa nababasa nina Mommy at Papi ang sulat, nakitalon at sigaw na rin sila.

"Mommy, Papi, magcocollege na ako!" Sabi ko na naiiyak pa. Ito siguro yung isa sa mga pinakamagandang graduation sa akin. Saktong dalawang linggo na lang, magmamartsa na kami.

"Ibabalita ko lang 'to kay Jisung. Wait lang po!" Tumatakbo ako papunta sa bahay nila.

"Lola Lucy! May balita po ako! Pasado ako sa university na gusto kong pasukan!"

"Wow anak! Congrats! Balita mo na rin kay Jisung 'yan. Nasa kwarto siya."

"Jisung! Natanggap ako!"

"Chelle! Chukahae! I'm proud of you," sabi niya sa akin at niyakap ako.

Pero kung ano 'yung excitement ko kanina, 'yun din ang biglang wala dahil nakita kong may dalawang malaking maleta sa may gilid ng kama niya. May isang duffel bag din na nakabukas at may mga nakatuping damit sa ibabaw ng kama.

Doon ko lang napansin na nakabukas ng cabinet niya at halos wala nang laman.

"Saan ka pupunta?"

Tiningnan niya lang ako at ngumiti. Umupo siya sa kama niya at tinapik ang tabi niya, minumwestra na umupo ako roon. Parang naghahanda na siya sa mga sasabihin niya pero hindi pa ako handang marinig ang mga iyon.

Wala pa man siyang sinasabi, sumisikip na ang dibdib ko.

"You know how I've always wanted to be a K-pop idol don't you? Well, I've got accepted to one of the biggest entertainment companies in South Korea after sending them my application," sabi niya.

Pinilit kong maging enthusiastic. "Jisung, nakakaproud naman yan! Congrats. 'Wag mo akong kakalimutan pag sikat ka na ha?"

"As if I'll be famous soon. And as if I will be able to forget you," sagot niya sa akin.

"Kailan ka aalis?"

"Next week."

"Ano? Ibig sabihin—"

"Hindi ako makakaattend ng graduation, yes. I'll just go to school to submit my requirements. I'll be attending school in Korea," dagdag niya.

"Paano si Lola Lucy?"

"Aalis siya after ng graduation niyo. Gusto ka raw niyang makitang grumaduate man lang."

"So aalis din so Lola?" Marahan lang siyang tumango.

Hindi ako makahinga. Pakiramdam ko, iniwanan ng hangin yung mga baga ko. Nanlalabo na rin ang paningin ko dahil hindi ko na napigilan ang mga luha.

"Ganoon ba? Okay." Ngumiti ako pero hindi na tumingin sa kanya dahil alam kong tutulo na ang mga luha ko. Yumakap na lang ako sa kanya.

"Magpakain ka bago ka umalis ha? Balik muna ako sa bahay. Baka kakain na kami," sabi ko at saka lumabas na ng bahay nila.

Coming HomeWhere stories live. Discover now