CHAPTER 13

5 0 0
                                    

Sa sobrang windang ko sa pagbalik ni Jisung, hindi ko man lang natanong kung kailan siya bumalik. Tinanong ko agad kung bakit. Sina Mommy na lang tuloy ang tinanong ko kung kailan pa siya nagsestay sa dati nilang bahay. Kababalik lang daw ni Jisung noong isang araw at madalas nga raw silang puntahan. Kaya niya nalaman ang exact date kung kailan ako uuwi dahil lagi siyang nakina Mommy, nakikipagkwentuhan.

Pagpasok ko sa kwarto, sinundan ako ni Mommy. Sinisimulan ko nang i-unpack 'yung mga gamit ko nang magsalita siya.

"Kumusta ka, anak?"

"Po? Okay lang ako Mommy. Pagod lang ako sa byahe kasi sobrang traffic sa EDSA, ayaw magpaawat ng traffic," sabi ko na hindi tumitingin sa kanya at nagpatuloy lang sa ginagawa ko.

"Alam mo kung ano'ng tinutukoy ko."

Bumuntong-hininga ako. "Wala na po iyon, Mama. Sampung taon na ang nakalipas."

Ngumiti lang siya nang malungkot. "Alam mo, anak, nanay mo ako."

Tumawa ako. "Malamang, Mommy. Unica hija mo rin ako."

Bahagya niyang hinila ang buhok ko. "Kainis 'to. Nagmomo-moment ako eh. Pero seryoso, sampung taon na ang nakalipas pero hindi man lang kayo nagkausap. Sabi nga nila, make peace with your past."

"Okay na 'yun, Mommy. Hindi naman na importante. Mukhang friends pa rin naman kami."

"Ah friends. Kaya pala punong puno 'yang cabinet mo ng album nila tapos puro poster ni Jisung 'yang parte ng dingding mo."

Hindi ko pa pala natatanggal iyong mga poster na iyon. "Mommy, syempre magkaibigan nga eh. Susuportahan kahit long distance." Kahit hindi naman niya alam.

"Hindi na namin kailangan pag-usapan 'yun, Mi. Maganda naman 'yung kinalabasan ng desisyon ko 'di ba? Nakuha niya ang pangarap niya, baka higit pa nga. Tapos ako rin naman. Mas nauna lang siya."

"Desisyon mo. Pero tinanong mo ba kung ano'ng gusto niya?"

Natigilan ako. Parati 'yong gumugulo sa isip ko. Paano kaya kung tinanong ko naman siya. 'Yung hindi ako nagdesisyon nang ako lang? Ano kaya ang magiging difference? Pero pilit kong pinapalis 'yun sa utak ko. Lagi ko na lang sinasabi sa sarili ko na tama ang choice ko kasi tingnan mo naman kami. Pareho na kaming successful sa pareho naming field.

We both reached our dreams—separately.

"Mommy, okay lang po ba, magpapahinga na ako? Inaantok na rin ako eh."

Bumuntong hininga si Mommy, sumusuko na sa usapan namin. "Okay, anak. Magpahinga kang mabuti." Hinalikan niya ang noo ko at saka lumabas ng kwarto.

Pagkalabas niya, kinuha ko ang isang maliit na kahon at envelope sa drawer katabi ng kama ko. Kinuha ko ang kwintas na ibinigay ni Jisung sampung taon na ang nakalilipas. Ganoon pa rin ang hitsura, parang kahapon lang ibinigay. Palagi ko kasing nililinis pag may pagkakataon. It brings back both happy and sad memories.

Binuksan ko ang envelope at muling binasa ang sulat.

The necklace is a reminder that I'll come home in time.

Sumilip ako sa bintana at tiningnan ang bahay nila. Nandoon siya sa may terrace, nakasandal at nakatingin sa langit.

"Is there still a time for us, Jisung?" naisip ko bigla. Umiling na lang ako. Isinuot ko ang kwintas, patuloy na binabagabag ng isip ko. Hindi naman ako ganito, matagal na akong hindi ganito. Tinanggap ko na wala na kaming pagkakataong dalawa dahil pinalipas na namin—o mas tama bang sabihin na pinalipas ko mag-isa?

Humiga ako sa kama nang ganoon ang iniisip, hawak hawak ang pendant na bahay sa mga daliri ko.

Nagising na lang ako na maliwanag na. Una kong naisip 'yung pagbalik ni Jisung dito sa Pilipinas. Baka panaginip lang iyon.

Coming HomeWhere stories live. Discover now