CHAPTER 3

11 0 0
                                    

Ang bilis lumipas ng mga panahon. Parang kakagraduate lang namin ng elementary, ngayon second year na namin sa high school. Nakita ko 'yung section ko. Magkakaklase pa rin kami nina Jason at Aira pero mas magandang balita na naging kaklase namin si Jisung! Mabubuo na kaming apat sa wakas!

7:30 ang simula ng klase pero 6:30 pa lang, tumatakbo na ako papunta sa bahay nina Jisung para sabay na kami. Excited kasi ako eh. Mukhang siya rin kasi nakabihis na siya pagdating ko.

"Ready ka na? Tara na? Hello po Lola Lucy!" Kumaway at ngumiti si Lola bago kami naglakad papuntang school.

"Kumusta naman 'yung bakasyon mo sa Korea?" tanong ko habang kinakain 'yung pasalubong niya sa akin na roasted seaweed.

"Mabuti. Nakita ko ang mga kaibigan ko. Gumala kami. Nothing special. Eomma and Abeoji are also present most of the time unlike before," sabi niya. Gumagaling na rin 'to magtagalog. Siyempre ako 'yung teacher.

Ngumiti ako sa kanya. "Chelle, you have seaweed on your teeth." Inaabot ako ng dila ko 'yung ngipin na tinuro niya at saka ngumiti ulit. "Ayan, meron pa?"

Huminto kami sa paglalakad. "Meron pa," sabi niya. Pauulit ulit kong tinatanggal 'yung seaweed pero ayaw pa rin atang matanggal. Hindi ko kasi makita. Wala pa naman akong baong salamin.

Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko at inilagay ang isa sa mga daliri ko para ilagay sa parte ng ngipin ko kung saan nakaipit ung seaweed. Lumapit siya nang kaunti sa akin. Ngayon ko lang napansin na tumangkad pala si Jisung. Tumangkad din ako pero mukhang maabutan na niya ako. Dalawang buwan lang siyang nawala ah?

"Ayan?" Sabi ko. Tumango siya at nagpatuloy kami sa paglalakad.

Ang boring ng first day ng classes. Pero nagkathrill naman noong second day. Botohan ng class officers. At hello, ako ang treasurer.

Si Aira secretary, maganda naman ang sulat niya kaya palag palag. Si Jason, laging nanonominate kung saan saang position kaso di talaga nanalo. Pero pinakanagulat ako kay Jisung. Akalain mong naging escort ang loko! Sa bagay, gwapo naman siya eh. Mas napansin lang siya ngayon kasi tumangkad.

"Wow ang gwapo mo naman koya, famous ka pala, kailan pa?" Sabi ko habang nagla-lunch.

"I don't know. Bakit ako 'yung escort. I don't want to," sabi niya.

"Bakit naman hindi, Jisung? Gwapo ka naman. At tumangkad ka pa! Nakakatangkad pala magbakasyon sa Korea? Sana all," sabi ni Aira.

"Oo nga ano ba nangyari Jisung? Kaunti na lang magkasing tangkad na kayo ni Chelle ah," segunda naman ni Jason. Malaking bulas din kasi tong lalaking 'to. Siguro nasa 5'5 na rin siya. Ano ba mayroon pag nagsesecond year na? Baka mapag-iwanan ako.

"Anyway, Jisung, wala ka namang gagawin. Magiging busy ka lang kapag foundation day na. Ikaw pambato ng section natin," sabi ko habang sumisipsip ng juice.

"But I don't want to," sabi niya. Nagpaalam muna si Jason at Abi na bibili ng matamis sa canteen. Naiwan kami ni Jisung sa may gazebo. Nakayukyok lang siya.

"Jisungie, chance mo na 'yan para maovercome ang pagiging mahiyain mo. 'Di ba pangarap mong maging idol? Saka gwapo ka naman at matalino, bakit ka mahihiya? Tapos may ilang buwan ka pa para mag-isip para sa talent portion," sabi ko sa kanya.

"What did you say?"

"Sabi ko 'wag ka nang mahiya kasi gwapo at matalino ka naman."

"You really think I'm handsome?" Tumingin ako sa kanya at kiniling nang kaunti ang ulo.

"Oo nga."

"Okay." Napangiti pero yumukyok ulit siya. Paglingon ko sa kanya, namumula na 'yung mga tenga niya. Hala, mainit kasi eh. Ang puti pa naman nito.

Coming HomeWhere stories live. Discover now