CHAPTER 26

6 0 0
                                    

Nag-ayos na ako. Naghilamos at nagtoothbrush. Nagsuot ako ng puting t-shirt na nakatuck-in sa maong pants na pareho kong binili sa department store. I tied my hair into a messy bun at naglagay ng kaunting kulay sa pisngi at labi. Tumingin ako sa salamin at huminga nang malalim bago lumabas ng kwarto.

Pagbaba ko ng hagdan, naabutan ko si Tita Marian na abalang naghahain.

"Good morning, Chelle! Did you sleep well?"

"Opo Tita. Kailangan niyo po ng tulong?"

"Ay oo sige. Nandyan kasi ang mga kagrupo ni Jisung. At nakita mo naman na sila no?"

Napatango na lang ako at umasang hindi namumula ang pisngi ko dahil sa nangyari kanina.

"Ay, anak, pakidala na nga lang ito sa living room area. Pasensya ka na ha at nasa restaurant na kasi si Jihoon at kailangan ko na rin pumunta roon pamaya maya. Pero kailangan ko muna kayong asikasuhin. Ito talagang mga kaibigan ni Jisung walang pasabi," sabi niya na medyo tumatawa. I can see she's very fond of them.

Iniabot niya sa akin ang isang maliit na pot ng soup na siya namang dinala ko sa living room.

Pagpasok ko sa living room area, naabutan kong nakakandong si Jaemin kay Jisung patagilid at idinidikit niya ang pisngi niya kay Jisung. He was repeatedly rubbing his cheek on Jisung.

"Jisung yesterday sexy," sabi ni Jaemin sa pa-cute na boses.

"No man! It's Jisung was sexy yesterday," narinig ko ang tawa ni Mark habang tinuturuan si Jaemin ng tamang English.

"Ah molla! Jisung mwoya mwoya," at patuloy ang ginagawa kay Jisung.

Mukha namang ewan ang mukha ni Jisung habang iniiwas ang mukha niya kay Jaemin. "Hyung hajima! Hajima!"

Nakita ko namang parang nagwre-wrestling ang tingin kong sina Renjun, Jeno, at Haechan. Si Chenle ang nagiging tagabilang. Si Mark naman ay tawa lang nang tawa sa isang tabi. Hindi nila namalayan ang pagdating ko hanggang sa lumikha ng mahinang ingay ang paglapag ko ng kaserola sa may tabing mesa.

Kung anong ingay kanina bago ako dumating, bigla namang nakakabingi ang katahimikang bumalot sa paligid nang makita nila ako.

"Uh, I uh. Annyeong haseyo?" Sabi ko sa kanila.

Para namang silang natauhan at biglang tumalon mula sa kanya kanyang pwesto para lumapit sa akin.

"Chelle! It's so nice to finally meet you! My name's Mark," sabi niya at inilahad ang kamay sa akin.

Pagkatapos ay sunod sunod na sila. "Renjun!"

Ah ito si Renato, sa isip isip ko.

"Zhong Chenle."

"Haechan!" Kaway sa akin ng isa.

"Jeno," itong isa ay may pagkapormal at kinamayan ako.

"Jaemin! Bangawo, Chelle!" pagkatapos noon ay bigla akong niyakap at nagulat na lang ako nang bigla niya aking yakapin at naramdaman kong umangat ang mga paa ko mula sa sahig.

"I'm Jaemin. But call me oppa," pagkatapos ay inakbayan ako.

"Jisungie! Chelle yeoppo!" Ang dami daming sinasabi ni Jaemin pero hindi ko maintindihan dahil una korean yun, pangalwa napakabilis niyang magsalita.

"Hyung, jebal!" Kinuha ako ni Jisung at parang possessive na hinawakan ang kamay ko at inilagay ako sa likuran niya.

"Mianhae, Jisung," sabi ni Jaemin na parang nagpapaawa at niyakap muli si Jisung.

Coming HomeWhere stories live. Discover now