"Ano ba naman 'yan Chelle? Ang haba haba na nga ng bakasyon mo, parang wala ka pa ring ganang magtrabaho? Ano bang problema?" Sabi ng photographer na nagshoshoot sa akin.
"Sorry. I'll do better," sabi ko. Suot suot ko ang isang striped t-shirt at wide-legged pants with boots. Ito 'yung bagong shoot para sa gagawing billboard ng isang clothing line.
"You better. Osiya break muna tayo. 20 minutes. Umayos ka."
Napabuntong hininga ako at umalis sa set. Pumunta ako sa dressing room at umupo sa harap ng dresser. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.
"Umayos ka, Chelle. Hindi tayo makakapagfocus niyan kapag puro si Jisung ang nasa isip mo," sabi ko sa repleksyon ko.
Itinukod ko ang mga siko ko sa dresser at inilagay ko ang mga kamay ko sa noo. Nasa ganoong posisyon ako nang may kumatok bigla.
"Pasok."
"Hey," lumingon ako at nakitang pumasok si Ian dala dala ang isang bote ng tubig. Ibinigay niya sa akin iyon. "You seem a little under the weather. Are you feeling okay?"
"Oo, okay lang ako. Don't worry about me," tipid akong ngumiti bago ako uminom.
"Lovers' quarrel?"
"Ha?"
"Nag-away ba kayo ni Jisung?" Tanong niya sa akin pagkatapos kumuha ng upuan at umupo sa may tabi ko.
"Ah, no. He's leaving. And we're not lovers." Hindi naman kami naging official, di ba?
He laughed softly. "Yeah right. Kaya pala ilang taon na akong nagpaparamdam sa 'yo, ni hindi mo pa rin ako pinapansin."
"I'm sorry."
"Don't I really have a chance? Ako lagi lang akong nandito sa tabi mo, literal. Hindi kita pababayaan. Wala ba talaga akong puwang sa puso mo?"
"Ian I—"
"Huy, joke lang. Masyado naman tong seryoso. Ginagaya ko lang 'yung napanood kong movie kahapon. Gusto kita, Chelle, oo. Pero dati pa 'yon. Matagal nang wala. Even if you don't acknowledge my feelings, alam kong alam mo na gusto kita. Pero hindi rin naman ako tanga. Alam kong isa lang ang gusto mo at si Jisung 'yun."
Ngumiti ako nang tipid. "Yeah but—it doesn't matter. Aalis na siya sa loob ng ilang oras."
"Agad? That was fast. When?"
"Later at 10:30."
Tumingin siya sa orasan niya.
"It's already 7:45. Aren't you going to see him off?"
Umiling ako. I have a lot of work to do. Saglit siyang nag-isip.
"Look, make the next set of shoot your best shot. Para makauwi ka na rin agad. No more sulking, okay? I'll talk to them, too. Baka maabutan mo pa." Tumayo na siya para lumabas.
"Ian," tawag ko sa kanya. Lumingon naman siya. "Thank you. Your pep talk helped me a lot."
Sumandal siya sa may hamba. "I'd like to believe only a few people find love like yours. 'Yung willing maghintay kahit gaano katagal at kahit gaano kayo kalayo sa isa't isa. Let's just say your love inspires me. Ang corny non pero...well. That's why I'm rooting for you," kumindat siya bago lumabas.
At dahil doon, ginawa ko na ang best ko, umaasang mapapaaga ang pag-uwi ko.
Kinakabahan ako habang naghahanap ng pwesto sa parking lot ng airport. Malapit lang naman ang Pasay sa airport pero medyo na-traffic pa rin ako. Tumingin ako sa wrist watch ko at nakitang 9:30 na.
"Wala na. Baka nakapagcheck in na 'yun." Bigla namang tumunog ang phone ko at nakitang may message doon.
Jisung: I'm about to go on board. I'll see you soon. Saranghae, Chelle.
Iniuntog ko nang mahina ang noo ko sa manibela bago tumingin sa haba ng traffic. Tumawag bigla si Jason.
[Chelle, nakapagcheck in na si Jisung. Safe naman siya. Di naman siya nahalata.]
"Thank you, Jason. Pupunta sana ako diyan eh. Kaso 'di na pala ako umabot."
[Para kayong pinagtagpo pero 'di itinadhana 'no?] Kinanta pa niya.
"Alam mo ikaw, siraulo ka."
[Joke lang. Kayo 'yung itinadhana pero 'di pinagtatagpo. Mas okay naman 'yun no.]
"Ewan ko sa 'yo. Pauwi ka na ba?"
[Oo, ito. Pasakay na ko ulit ng kotse. Ikaw?]
"Uuwi na rin. Wala naman na akong pupuntahan diyan eh. Ingat ka," sabi ko bago ibinaba ang phone.
Itinadhana pero 'di pinagtatagpo. Pwede ba 'yun? Uuwi ako sa condo ko at mukhang doon ko na iiyak lahat ng frustrations ko.
"Oh, wow, Trichelle Ann. You look like hell," salubong sa akin ni Ian pagkapasok ko ng office niya. May kailangan daw kasi siya aking i-discuss na project para next month. Umiyak lang kasi ako kagabi sa inis dahil sa traffic sa Maynila at sa kung ano ano pa. Isa pa, miss ko na si Jisung. Isang linggo lang naman talaga ang hiling namin, hindi pa pinagbigyan.
Wala na rin akong ganang mag-ayos. Nakablack halter top lang na nakatuck-in sa high-waist jeans at saka black heels. I didn't bother to put on makeup maliban sa liptint. Nag-shades lang ako para takpan 'yung mga namumugto kong mata. Tinanggal ko 'yun pagkapasok ko ng office niya.
"Thanks," sarkastikong sabi ko.
"Wala ka sa mood? Hindi pa naging maayos ang pag-uusap niyo ni Jisung kagabi?"
"No," I looked away.
Tumingin lang siya sa akin.
"No. Kasi hindi ko naman siya naabutan."
"Oh. Well, I'm sure you'll be able to meet soon."
"I appreciate your positivity. Pero mukhang hindi mangyayari 'yun anytime soon."
Ngumiti siya na parang nae-entertain. Anong problema nitong mokong na 'to? Nakakaloko ngitian nito ah. "And why do you think that?"
"Ian, seryoso ba 'yang tanong mo? Malamang nasa Manila ako, nasa Seoul siya. Milya milya ang layo namin sa isa't isa. Andito 'yung trabaho ko, andun 'yung kanya. Baka tama nga si Jason eh."
"What does Jason have got to do with this?"
"Ang corny nito pero 'wag kang tatawa. Sabi niya kasi, baka kami raw 'yung tinadhana pero 'di pinagtatagpo. Pwede ba 'yun?"
"Well, maybe that 'tadhana' will have its ways now for you to meet again."
"Ha?"
Natawa siya sa reaksyon ko. Pero ako hindi ko pa rin makuha 'yung trip niya. Akala ko ako yung bangag dahil sa kaiiyak at puyat ko kagabi. Pero parang mas malabo atang kausap tong si Ian na mukha pang mas fresh kaysa bagong ligo.
"Here."
Iniabot niya sa akin ang isang bukas na folder. Binasa ko naman ang nakalagay doon. Invite iyon para sa aming agency.
Wide-eyed akong tumingin kay Ian nang makita kung para saan ang invite na iyon. "We're just going to watch. There are five slots, and the CEO said I should bring along at least three models. He wants it as an immersion. One slot is yours if you want to," sabi niya.
"Yes. Yes, I'm going," sabi ko na hindi pa rin makapaniwala.
Ian just smiled. "Thought so. You'll be immersed in fashion. I know this is one of your dreams. You can also probably do your other business," sabi niya at pagkatapos ay kumindat.
Natawa lang ako at niyakap siya. "Thank you, Ian."
I'll attend Seoul Fashion Week in less than two months. I'm going to Seoul.
Jisung, I'll be the one to come for you this time around. Wait for me, nae sarang.
--
Sana all may fairy godmother. 😬
-Annederrated
YOU ARE READING
Coming Home
Teen FictionChelle Javier became a friend to Jisung Park when everyone else treated him like an outsider. They had that kind of friendship you would wish for. They were inseparable that romance started budding between them. But everything changed when Jisung le...