Chapter Thirteen: Difference 2

101 9 0
                                    

As promised :) Here's the next chap :) Enjoy reading!

"Ate wake up!" Bahagya siyang namulat sa pang gigising ni Tintin. Tamad na tamad siyang bumangon dahil madaling araw na ng makatulog siya. Wala namang pasok kaya pwede pa siyang matulog ng mahaba haba.

"Ate wake up! We're going to batangas daw sabi nila ate Eyl." Napabalikwas siya ng bangon.

"What?" Pupungas pungas pa siya ng magpasukan sina Jomai at Scar sa kwarto niya, mga naka bihis na ang mga ito.

"Anong batangas daw?" Tila wala pa siya sa wisyo.

"Ano ka ba ate! Last week pa to napag planuhan diba? Mag bihis ka na dadating na sila ate Eyl maya maya, ready na din ang inay." Si Jomaila.

Napapalatak siya ng maalala na pupunta pala sila sa rest house nila Eyl ngayon sa batangas. Madali siyang naligo at nag gayak ng mga gamit na dadalhin. Si Eyl mismo ang nag offer sa kanila na mag stay doon para naman daw maka langhap ng sariwang hangin ang inay nila. Maganda din daw para sa matanda ang tubig dagat.

Simpleng floral summer dress lang at tsinelas ang sinoot niya. Nang matapos na siyang mag gayak ay tsinek niya din ang mga kakailanganin ni Inay at Tintin. Tinulungan na din siya nila Joms at Scar na ibaba ang mga bags na dadalhin.

"Ay Scar, buti pinayagan ka ng mommy mo na sumama sa amin?" Aniya habang pababa sila ng hagdan.

"Yes, okay lang naman kay mommy kase alam niya na kayo ang kasama ko, tsaka kasama din naman si kuya Travis kaya wala problema." Muntik na niyang makalimutan na kasama nga pala sa plano si Travis. Hindi ba't ito pa nga ang nag suggest na sa kotse nila sila sasakay? Bakit nga ba nalimutan niya ang mga bagay na ito? Dahil ba sa abala ang utak niya lately sa kaiisip? Napa buntong hininga nalang siya. Pinakalma niya ang puso niyang nagdadagundungan dahil anytime ay makikita niya na uli si Travis. Kinakabahan siya na hindi niya mawari. Naalala na naman niya yung eksena nila ni Leona sa mall kahapon.

"Ang tagal nyo naman!" Naka busangot na mukha ni Travis ang bumungad sa kanila sa baba.

"Si ate kase ang hirap gisingin." Ani Jomaila. Nag iwas naman siya ng tingin kay Travis. Dumeretso siya sa kusina kung saan naroon ang kanilang lola.

"Mga bata magsi almusal muna tayo bago mag byahe."

"Bakit nagluto pa kayo nay? Bawal kayong mapagod." May pag aalala niyang sinipat ang kanyang lola.

"Naku apo hindi ako ang nagluto, si Travis ang nagluto nito, Ayaw din kase akong pakilusin kanina, panoodin ko nalang daw siyang magluto. Akalain mo marunong pala magluto ang damuho." Natatawa pa ang matanda habang nag kekwento. Para namang hinaplos ang puso niya sa concern nito sa kanilang lola. Lihim siyang napa ngiti.

"Yan ang hidden talent ni kuya Travis Inay, he can really cook." Sabi ni Scar saka naupo sa dinning kasunod sina Tintin, Jomaila at Travis. Maya maya pa ay dumating na din sina Rev at Eyl. Sabay sabay na silang kumain ng niluto ni Travis.

"Ang sarap ng tapa." Hindi niya napigilan ang sarili na purihin ang timpla ng binata. Nakaka rami na talaga siya ng kain.

"Thanks." Anang binata sabay kindat sa kanya.

xXx

"Oh my gosh ate Eyl ang ganda naman dito!" Palatak ni Scarlet. And yes, napaka ganda ng tumambad na tanawin sa kanila. Malawak ang property nila Eyl. At talagang well maintained ang kanilang resort. Nasa gitnang bahagi ang mansion, may infinity pool at gazebo o mga mumunting kubo sa palibot. Napapalibitan din ng mga magagandang halaman ang paligid. Mula sa loob ng bakuran nila ay tanaw na tanaw ang dagat.

Boyfriend Snatcher?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon