Chapter Twenty five: What If?

78 4 0
                                    


AN/ Sorry po kase napaigsi yung last chap.. Ewan ko kung ano nangyayare sa cp ko.. Pag napapahaba na yung tinatype ko na dedelayed na yung pag tytype! Kainis 😭 medyo intense pa naman ang mga susunod na pangyayare :(
Btw.. Thanks for reading!

"So yon pala ang dahilan kung bakit kayo nag away ni Travis?"
-Eyl

Lalong napasimangot si Janna sa reaction ng mga kaibigan after niyang ikwento kung anong nangyare.

"Yan kase ang hirap sa mag MU.. Well stands for Malabong Usapan, naiintindihan naman kita bessie kung medyo nag aassume ka na kase naman si Travis may pagka pa fall din minsan."

"Hindi naman siguro intentional na pa fall si Travis.. Look mga sis! Hindi malabong mainlove sina Janna at Travis dahil na din syempre sa mga nangyare at pinagsamahan nila. Ang panget lang kase walang may maglakas ng loob na magsabi or mag confess sa kanilang dalawa! Hanggang sa ayan! Ume LQ ng hindi naman sila!"

"Eh anong gusto mong gawin ko Eyl? Mag confess sa kanya?! Naku! That will never happen! Bwisit siya!"

Nagtaasan ang kilay ng mga bruha habang pinapasadahan siya ng tingin.

"Oh eh ano palang balak mo? Ilang araw na kayong war ni Travis diba? Hirap naman sa ugok na yun napaka seloso! At ikaw naman napaka tanga!"

Nanlaki ang mga mata niya sa kaprangkahan ni Eyl.

"At bakit naman ako naging tanga Abigail?!"

Kunwa'y pinandilatan niya ng mata si Eyl.

"Tanga ka kase hindi mo agad nakuha ang ibig sabihin ni ungas! Nag selos kaya yon kaya nagalit sayo."

She just rolled her eyes. 

"Nadala na ko mag assume.. Ayoko na mag isip ng ganon i always end up being disappointed."

Napabuntung hininga naman si Rev sa sagot ng dalaga.

"Sabagay, may point ka nga dyan bessie.. Yan kase ang mahirap sa M.U. stands for...

"Malabong Usapan."

Sabay sabay nilang sambit. And they end up laughing.

                         xXx

"Oh!"

Napahinto sa pagkain si Janna ng biglang bumulaga sa harap niya ang isang cute na cute na puting teddy bear. Sa itsura pa lang ay mukha ng mamahalin. Parang napaka lambot at ang sarap sarap yakapin.

Pinigilan niyang mangiti sa tuwa ng makita ang pulang pulang mukha ni Travis, kakamot kamot pa ito sa ulo.  Si Joms at Scar naman na kasama niya sa table ang hindi magkaintindihan sa kilig. Panay pa ang hagikhikan ng mga ito habang pinipicturan silang dalawa.

"Oh ano naman yan?"

Kunwa'y di niya pinansin ang binatang naka tayo sa harapan niya. At muling itinuon ang atensyon sa pagkain kahit na ang lakas lakas ng kabog ng dibdib niya.

"Ano ba sa tingin mo?  E di teddy bear! Oh eto na! Dali nangangalay na ang kamay ko!"

Padaskol niyang kinuha ang manika saka muling hinarap ang binata.

Boyfriend Snatcher?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon