Chapter Fourteen: Five Minutes Amnesia?!

130 9 0
                                    

AN/ Medyo SPG (Medyo lang naman XD)
Kung medyo maselan ka po or menor de edad pwede pong mag skip sa chap na ito. Read at your own risk! :) Thanks!

Unti unting dumilat si Janna,

napa singhot sa mabangong samyo ng mamahaling pabangong pang lalake. Bahagya pa niyang ikiniskis ang mukha sa unan. Napa maang siya ng maramdaman na matigas ang inuunan niya, umunat siya ng kaunti, enough para mapansin niya na naka unan pala siya sa braso ni Travis. Umatake nanaman ang pag wawala ng puso niya when she realized na nakakulong pala siya sa mga bisig nito. At ang mukha niya ay nasa dibdib ng tulog na binata. Her heart doesn't stop from beating widly. Pilit na isinisigaw ng isip niya na bumangon at kumawala sa mga bisig ng binata. Pero matigas ang ulo ng puso niya. Bakit gusto niya ang pakiramdam na nakakulong sa mga bisig nito? It feels.. Like.. She's secured.. And it feels so different. She can even feel his hearbeat. Na para bang ang sarap sa pakiramdam niya. Pinagmasdan niya ang maamong mukha nito.Napa ngiti sa isipin na parang saksakan ng bait ng herodes na to kapag natutulog. Pinigilan niya ang sarili na haplusin ang mukha nito. Nakuntento nalang siya sa pag titig sa mukha nito.

Halos malaglag ang puso niya ng biglang magmulat ang mga mata ni Travis. Napa kunot pa ang noo nito habang naka tingin sa kanya. A nasty smile form on his lips.

"Pinagsamantalahan mo ata ako habang natutulog." She rolled her eyes at mahinang tinampal ang noo nito.

" Wag sanang makapal ang mukha mo, kaka gising ko lang din." Nag kunwa pa siyang nag unat saka tuluyang bumaba ng duyan. Panay pa din ang pag ngisi nito sa kanya na animo'y nanunukso. Matalim lang niya itong inirapan saka siya nag diretso sa loob ng mansion.

xXx

-__- "Grabe lang Eyl! Yung totoo? Fiesta ba dito sa inyo ngayon?" Napa nganga siya sa dami ng pagkain na naka hain sa long table. Halos mapuno ang lamesa sa sobrang dami ng pagkain. At ang impakta, nagpa kulot pa ata sa parlor. -_-

"Eh kase naman hindi pa daw nag lulunch si Law eh anong oras na nasa byahe pa siya?"

"Asan na daw ba siya ngayon?" Napapa iling nalang siya sa kaibigan.

"Nasa kabisera na daw siya kanina, anytime dadating na yon." Nag niningning pa ang mga mata ni Eyl sa excitement.

Napatingin siya sa orasan, 4:30 na pala, napatagal pala ang tulog niya.

"Asan ang mga bagets?"

"Naku nasa taas at nagbibihis mag swimming daw sila ulet."

Maya maya pa ay may bumusina na sa may gate.

"Ghad!! Ayan na siya!" Nagdudumaling tumakbo ito papunta sa gate, napapa iling na sumunod nalang siya dito. Pag dating nila ay nabuksan na pala ni Travis ang gate. Nakapasok na din ang kotse ni Law sa loob ng resort.

As expected, gwapong gwapo ito sa suot na black sando at mustard yellow na denim shorts.

"Hi!" Para namang natuklaw ng ahas si Eyl at hindi na naka kilos sa kinatatayuan. Naiiling na lumapit siya dito.

"Tol!" Tumango ito kay Travis saka naman bumaling sa kanya.

"Kaw talaga bae hindi ka manlang nagyaya may lakad pala kayo." Biro nito.

"Sira ka! Andito ka na nga eh!" Hinila niya si Law palapit kay Eyl.

"Nga pala bae, siya si Eyl. Sila ang owner ng resort na to." Naglahad ng handshake ang binata sa tulalang dalaga.

"Yes I know her, nakikita ko siya sa school natin, hi Eyl." Agad namang nakipag shake hands ang bruha.

"Hello Travis, welcome to our resort, ah for sure gutom ka na.. Let's get inside para makapag late lunch ka na."

Boyfriend Snatcher?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon