Part Four: Anyare? -_-

116 10 0
                                    

"That's all for today see you guys on friday! Galingan nyo sa exam nyo bukas ah, make me proud! " She exclaimed cheerfully, kakatapos lang ng group tutorial niya sa mga high school students na suki niya. Nag eenjoy din nmn siya sa mga tinuturan niya dahil nakikinig at willing na matuto lahat.

"Thank you ate Janna" Anang mga bata. She just smiled and started to fix her things, nataranta siya ng mapatingin sa relo niya, 6:30 na pala may kalangan pa siyang kunin na libro sa locker niya.

"Tsk! Napasarap kame sa lesson hindi ko namalayan ang oras."

Nagkukumahog siyang dumeretso sa college building, may mga ilan pa din namang students na nandoon kaya medyo nakahinga siya ng maluwag. One of her greatest fear kase yung maiwan sa isang lugar na nag iisa. Madali niyang kinuha yung book na kailangan niya at nagmamadaling lumakad papunta sa gate ng school. Kailangan nya pa kaseng dumeretso sa grocery, paubos na kase ang stocks nila sa bahay.

" Ohh Law.."

Bahagya siyang napapitlag.. Did she just heared someone... Moaning? Dito mismo sa school? Napatingin siya sa bahagi ng corridor kung san nang galing yung boses.

Muntik na siyang mapangiwi sa eksenang nasasaksihan, Si Law Diesels and his girlfriend na walang pakialam sa mundo habang naghahalikan sa tapat mismo ng locker. Napasimangot talaga siya.

"Mga walang delicadeza naman tong mag syota na to! Nakakadiri!"

Tuluyan na siyang tumalikod sa eksena para makalabas na ng school, Inalibadbaran talaga siya sa nasaksihan. She was about to leave ng mahagip ng paningin niya ang isang familiar na pigura sa may kabilang side ng corridor kung san siya naka pwesto. He's leaning into the wall while watching the kissing scene of his brother. Bahagyang napatda si Janna. She saw a glimpse of jealousy in his eyes. Parang gusto niyang kilabutan sa pagka pierce ng tingin nito, if only looks could kill siguro kanina pa bumula ang bibig nung dalawa sa pagkakatitig nito. Halos marinig niya rin ang paglagutok ng kuyom na mga palad nito habang nakatitig sa direksyon na yon. Yeah.. She's now staring at Travis. At parang nahuhulaan na niya kung anong meron sa eksenang ito. Lihim siyang napailing, saka naglakad palayo.

"Oh Crap!" Parang gusto niyang maglupasay sa inis, bigla naman kasing bumuhos ang ulan pagka labas niya ng school, wala pa naman siyang dalang payong kaya nagtatakbo siya pabalik sa school gate. Madami pa mandin siyang dalang books at materials sa loob ng bag niya. Kaya hindi siya pwedeng sumuong sa ulan. Medyo na fufrustrate na siya dahil sa lakas ng ulan at malayo pa ang sakayan.

She grabbed a small towel on her bag and started to wipe her face and dumped hair.

"Nice brassiere hon." Napapitlag siya sa lalaking biglang sumulpot sa harapan niya, cool na cool itong nakapamulsa at tinititigan siya sa...

"Argh! Bastos ka!"

Napahalukipkip siya para takpan ang dibdib niya, nabasa kase ng ulan ang blouse niya kaya bumakat ang lacey pink niyang bra. Pulang pula ang mukha niya sa hiya at inis sa lalaking naka ngisi sa harapan niya.

"W-will you please stop staring! Napaka manyak mo!!" Inis niyang tinalikuran si Travis.

"Show that to my brother, he love boobies." He whispered to her ears that brings shivers to her spine. Pero saglit lang, nag panting ang tenga niya sa sinabi nito. Sing bilis ng pag harap niya dito ang bilis ng palad niya na lumanding sa pisngi nito.

"Stop talking to me like I'm some kind of a slut!"

Kitang kita niya ang pagka gulat sa mukha nito. Ang bilis naman kase ng kamay niya.. Nakasampal agad. But she manage to regain her composure, lumaban siya ng titigan dito. Siya si Maricah Janna Laurent, mabait siya like an angel.. Pero nagiging tigre din siya lalo na sa pagtatangol niya sa sarili. Hinding hindi na siya papayag na maapi ng kahit na sino.. Hindi na.

Boyfriend Snatcher?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon