AN/ Here's the next chap :) Enjoy Reading!
"Wake up birthday girl!" Ilang tapik pa nila Tintin at Jomai ay tuluyan na ngang nagising si Janna.
"Happy Birthday!!!" Nag duet pa sa pag tili ang mga kapatid niya. Buong lambing naman siyang niyakap ni Lola Amelia.
"Happy Birthday apo." Masuyo siyang hinalikan sa ulo ng matanda. Sapat na ang pag bati at lambing ng kanyang lola at mga kapatid sa kanyang kaarawan.
"Anong gusto mong handa mamaya Janna? Gusto sana kitang handaan ngayong debut mo." Malambing pa ding naka yakap sa kanya ang matanda.
"Naku wag na kayong magluto nay, mapapagod lang kayo, lumabas nalang po tayo mamya pagka uwi namin galing school."
"Oh sige ikaw ang bahala kung yun ang gusto mo, tara na sa baba at ng makapag almusal na tayo. Happy birthday uli apo, mahal na mahal kita."
A genuine smile flashes on her face in her inay's heart warming words.
"Mas mahal ko po kayo at ang mga kapatid ko, halinga kayo dito! Payakap ako!" Lumapit naman sina Tintin at Jomai sa kanya. At buong puso niyang niyakap ang mga kapatid at abuela.
Gusto sana siyang bigyan ng party ng kanyang lola pero magalang niya itong tinanggihan, napag usapan na din nila na kuntento na siya sa simpleng salo salo basta kasama ang ilang malalapit na kaibigan at ang kanilang pamilya.
"Salamat Inay, Jomai at Tin."
xXx
Marami ding mga schoolmates, mga suki at kaklase ang mga bumati sa kanya, may mga nag regalo pa nga sa kanya. Oh well ikaw na ang maging miss friendship slash raketera ng school. Kaya naman marami talagang nakakakilala sa kanya.
Nag text na siya kina Eyl, Scar, Rev at Law para sa munting salo salo mamayang dinner. Kaya hindi na siya nagulat ng puntahan siya ng dalawang bruha after ng classes niya.
"Happy Birthday Bessie!!!" Palakat ng dalawa sabay yakap at beso sa kanya.
"Salamat naman! Oh tara na? Asan sina Law at Scar?"
"Susunod nalang daw sila sa inyo, may dadaanan muna tayo bessie bago tayo pumunta sa inyo." -Eyl
"Nyek! Nag aantay kaya sina Inay sa atin.. Ano pa bang dadaanan naten?" Napasimangot na ang dalaga. Isang mahiwagang ngiti naman ang isinagot sa kanya ng dalawang kaibigan. Pinagitnaan siya ng mga ito at hinawakan sa magkabila niyang braso.
"Ah basta! Sumama ka nalang sa amin!" Sabay pang banat ng dalawa at halos kaladkarin siya papunta sa kotse ni Eyl.
xXx
They ended up sa isang mamahaling boutique. Basta nalang siya hinila ng dalawang bruha papasok sa loob.
"Teka anong ginagawa natin dito? Baka mainip sina Inay sa bahay." Protesta niya.
"Wag ka ng magulo dyan bessie saglit lang tayo dito promise!" Si Eyl, agad naman silang inasistehan sa loob ng isang babae.
"Hello Miss Chloe, this is Janna po ang debutant." Pakilala sa kanya ni Rev sa magandang assistant. Napa tanga naman si Janna. Nag tatanong ang mga mata niyang tiningnan ang mga kaibigan. Pati na din ang magandang assistant na naka ngiti sa kanya.
"Ah yes, naitawag na nga ni Madam Diana, please follow me." Nagpatinuna na ito sa kanila. Binundol naman siya ng kaba, pag aari pala ng mga Diesels ang boutique na ito.. Wala pa din siyang idea kung anong balak ng dalawang lukaret sa kanya.
BINABASA MO ANG
Boyfriend Snatcher?
RomanceJanna is well known as Certified Raketera. Kahit anong raket papasukin niya... Malaki ang nagbago sa buhay niya ng makilala si Travis.. Kasabay nito ang pagbabago ng pinakamamahal niyang image. Paanong nangyare na ang isang simple at responsablen...