Chapter Twelve: Difference

112 9 0
                                    

AN/ sorry for late update T.T sobrang naging busy lang :) I promise tuloy tuloy na uli ang UD ng boyfriend snatcher. Salamat po sa mga nagbabasa at sa nag add sa mga reading list nila :) Enjoy reading!

"Miss Laurent!" Napabalikwas siya ng tayo sa malakas na sigaw ni Mrs. Manuel.

"I'm sorry Mam.. Can you please repeat the question?" Aniya na parang wala sa sarili mula sa malalim na pagkakatulog. Napalinga naman siya dahil nagtawanan ang mga kaklase niya. Lalo namang bumalasik ang tingin sa kanya ng prof nila.

"If you will just going to sleep here in my class, the door is open Ms. Laurent! You may go!"

Napalunok siya ng ilang beses, hindi niya namalayan na nakatulog siya, first time in the history of mankind na makatulog siya habang nagka klase. Bahagya siyang napayuko.

"I'm so sorry Mam, hindi na po mauulit." She said softly.

"Sit down and listen! Make sure na may maisasagot ka sa long quiz today!"

Nanghihina siyang naupo, this is the very first time na makatulog siya sa klase. Masyadong na occupy ni Travis ang utak niya sa buong magdamag. His last statement keeps on playing in her mind. At hindi din niya maintindihan kung bakit siya naapektuhan doon.

"Ganon ba niya talaga kamahal si Leona?" Yon ang laging tumatakbo sa isip niya sa buong magdamag. Na kasabay ba ng pagka wasak ng puso ni Leona kay Law ay ganun din ang mangyayari sa kanya? And saving his brother saan? Ang totoo wala siyang maintindihan. Gusto niyang mafrustrate dahil alam niyang matalino siya sa klase. Pero bakit pag dating kay Travis..

Aminado siyang nabobobo siya.

At hindi niya din nagugustuhan ang mga mumunting kurot sa kanyang puso sa tuwing naiisip niya kung gano kamahal ni Travis si Leona. Hindi niya alam kung bakit bumibigat ang ang dibdib niya sa tuwing naiisip niya ang mga desperate measures na ginagawa nito para lang mapaghiwalay si Law at pugita.

                        xXx

"Hey!" Napapitlag si Janna sa biglang pag sulpot ni Law sa harapan niya. Kasalukuyan siyang naka pwesto sa favorite spot niya at nag iinventory ng kanyang mga na sold na paninda.

Napangiti siya sa binata na kakamot kamot sa ulo.

"Sorry, naabala ata kita." Anito with his oh so cutie boyish smile. Ginantihan niya rin ito ng ngiti.

"Hindi naman, patapos na din naman ako dito.. Upo ka." Bantulot itong naupo sa tabi niya, bahagya namang napakunot ang noo niya sa kinikilos ng binata.

"May problema ba Law?" Hindi pa din niya inaalis ang tingin niya dito. Napa buga pa ito ng buntong hininga bago magsalita.

"Pwede mo ba akong samahan mamya after ng class?" He said in his very low tone, almost a whisper pero klaro sa pandinig ng dalaga. She mentally shook her head dahil alam niyang malungkot pa din si Law dahil kakagaling lang nito sa break up.

"Okay, saan ba tayo pupunta?"

Matipid itong ngumiti sa kanya.

"Basta." He spoke slowly as he continued.

"Anong oras ba ang tapos ng class mo?"

"Four wala na kong klase, san ba tayo pupunta?" Napakislot siya when he suddenly rested his head to her shoulder. Hindi man nagsasalita si Law pero ramdam niya na malungkot ito. Ito ang side ni Lawliet Diesels na ngayon lang niya nakita. Pakiramdam niya ay pinipiga ang puso niya sa lungkot na nakikita niya sa mga mata nito. Para itong batang nakakita ng kakampi sa katauhan niya. Pilit niyang pinasigla ang sarili.

Boyfriend Snatcher?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon