Chapter Seventeen: When the magic fades

70 5 1
                                    

AN: Sorry for late UD :( Medyo naging busy lang.Medyo madaming errors :( I hope magustuhan nyo :) Enjoy reading!

Hindi maalis ang masayang ngiti sa mga labi ni Janna, sobrang saya niya sa magarbong debut party na ibinigay sa kanya. Everything is so magical na pakiramdam niya ay nananaginip lamang siya. Ni hindi pumasok sa isip ng dalaga na magiging ganito ang celebration ng kanyang kaarawan. Everything is perfect, from the venue, food, program and her gown. But the most important thing for her is the presence of her family and friends. Wala na siyang mahihiling pa.

Muling nag resume ang party after ng dinner. May mga nag serve ng mga cocktails and beers. Nag umpisa na ding mapuno ang dance floor. Na amaze siya sa ganda ng mga laser lights at sa magagandang music na pini play ng DJ. Marami sa kanyang mga bisita ang nag eenjoy na sumayaw sa dance floor.

Napangiti nalang siya habang pinag mamasdan sina Rev na enjoy na enjoy sa dance floor. Kanina pa siya niyaya ng mga ito but she refused politely. It's not that she's being kj, nananakit na kasi ang paa niya at medyo pagod na din siya so she decided na maupo nalang sa tabi ni Lola Amelia at ni Madam Diana sa labas ng pavilion. Enough distance para makaiwas sa sobrang ingay ng disco, but still enough para makita pa din ang nga nagkakasayahan sa loob.

Pasimple niyang hinubad ang sapatos saka marahang minasahe ang pagod na niyang mga paa.

"Oh, you must be really tired na hija, gusto mo na bang sumabay sa amin nila nanay Amelia? I'm driving them home."

She just smiled and shook her head.

"Maya maya na po siguro Mam Diana, nakakahiya naman po sa mga bisita ko kung uuwi po agad ako."

Lalo siyang napangiti ng biglang mag pout ang magandang ginang.

"Call me tita Diana okay? We're like a family here hija."

"O-okay po tita."

"Inay I want to sleep na."

Nagpapapadyak na at nagsisimula ng mag tantrums si Tintin, marahil ay sa labis na pagod at antok, napaka hyper naman kase nito kanina sa party.

"Oh pano apo uuwi na kami ni Tintin, sasabay na din kami kay Diana." Ani lola Amelia.

"Sige po nay, hanggang 2am lang naman ho ang party sa pavillion, maya maya lang po ay susunod na kame ni Jomaila."

"O sige ineng, pumasok ka na din sa loob, mag enjoy ka apo, birthday mo naman ngayon."

She just smiled in response as she watch them leave.

Bahagya siyang nag inat sa pagkaka upo, trying to relax her legs and tired feet. Mamaya naman ay babalik siya sa loob ng pavilion para makisaya uli, gusto lang niyang magpahinga ng kaunti, nakapag change outfit na din siya para sa party party, simpleng old rose na cocktail dress na regalo naman ng kanyang lola.

Masaya niyang pinagmasdan ang mga kaibigan niyang nag eenjoy sa party, napapailing nalang siya dahil mukhang mga lasing na ang mga nasa dance floor, namataan niya sina Rev at Eyl na panay ang sayaw kasama ng mga classmates nila, sina Law at Travis naman ay nakikipag inuman sa isang table.

She closed her eyes to relax herself. Bahagya niyang ginalaw galaw ang mga paa na nangalay sa suot niyang high heels na sapatos. Hindi niya alam kung gaano na siya katagal sa ganong position pero nanatiling gising ang diwa niya.

"There you are! Kanina ka pa namen hinahanap ate!"

Bigla siyang napa balikwas ng bangon sa high pitched na boses ni Scarlet.

Boyfriend Snatcher?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon