Chapter Twenty two: Sweet Escape 2

100 1 0
                                    

AN: I would like to thank Kyeoptashi for making this beautiful book cover :) I really love it! Thank you so very much! Mwah! This chap is dedicated to you ;)

Enjoy Reading! ;)

Mag aalas kwatro na ng hapon ng magising si Janna, after kase nilang  mag lunch kanina ay nakatulog sila ni Travis. Sa dami ba naman nilang kinain at sa pagod siguro sa pag lalangoy nila kaninang umaga. She looked at the other side of the bed. Tulog na tulog pa din ang loko.

Maingat siyang bumangon at nagpalit ng damit. She chose to wear her simple sleeveless pink dress that matches her flawless skin and emphasized her curves. Applied thin powder on her face and small amount of pink lipstick. Hinayaan lang niyang naka lugay ang natural niyang wavy na buhok. Nang makuntento na siya sa kanyang itsura ay lumabas na siya ng kwarto.

Naisipan niya kaseng mamasyal sa resort and have something to eat. Dumeretso agad siya sa resto ng hotel. Napansin niyang magarbong magarbo ang gayak ng restaurant. Na para bang may gaganaping malaking okasyon. Saka palang niya naalala na may wedding nga palang gaganapin ngayon, dito marahil gagawin ang reception base sa design ng paligid.

"Tsk! Gusto ko pa namang mag miryenda."

Hindi na siya pumasok sa loob ng resto, bagkos ay naglakadlakad siya sa palibot ng hotel hanggang makarating siya sa isang kilalang coffee shop.

Natakam siya sa natanaw na blueberry cheesecake kaya hindi na siya nag aksaya ng panahon at dali daling pumasok.

Omorder agad siya ng tig isang slice ng blueberry cheesecake at red velvet cake. At banana pineapple shake.

"Mam would you like to try our ham and cheese crosant?"

"Okay, sige po." She smiled cheerfully, na eexcite na siyang kumain.

After niyang makuha ang lahat bg inorder ay naupo na siya sa isang sulok kung saan tanaw na tanaw ang magandang view ng beach. May isang part doon na naka gayak for beach wedding. She couldn't help but smile sa ganda ng pagkaka ayos ng venue, mismong sa tabi ng beach.

Hindi niya tuloy maiwasang mangarap.

"Mas maganda nga yata ang beach wedding kesa sa garden wedding that i always dreamed of."

Inumpisahan na niyang kainin ang ham and cheese crosant habang amaze na amaze na pinapanood ang nag uumpisa ng beach wedding.

"Hi! Is this seat taken?"

Napa baling ang atensyon niya sa matangkad na lalakeng naka tayo sa harapan niya, may dala itong tray na may iced coffee. She flashed a friendly smile.

"No."

"May I?---

"I'm afraid not, because she's with me!"

Parang kulog na dumagundong ang boses ni Travis sa buong paligid, enough to make her eyes gone wide in surprise.

"Gising ka na pala." Aniya na gulat pa din.

Boyfriend Snatcher?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon