AN: Enjoy! 👍
"Wow inay para kang donya!"
Napapalakpak pa si Jomaila habang pinag mamasdan ang magandang ayos ng kanilang lola, simple lang naman ang gayak, pero elegante and damit na suot nito. Si Dianan mismo ang nag regalo ng gown na isinoot ng kanilang abuela.
Maging si Janna ay humanga din sa ganda ng kanilang lola.
"Ang ganda nyo po inay."
"Eh kanino pa ba kayo mag mamana kundi sa akin."
Napatawa naman silang magkakapatid. Tapos na din silang maayusan, simpleng princess ball gown ang suot ni Tintin, cute na cocktail dress naman ang kay Jomaila at simpleng make up na nagpa dagdag sa natural nitong ganda, si Janna naman ay isang eleganteng red velvet na halter mermaid gown ang suot, lalong lumitaw ang kaputian at magandang kurba ng kanyang katawan, idagdag pa ang sopistikadang make up at magandang pagkaka curl ng buhok. Request daw ni Madam Diana na yon ang iayos at ipasuot sa kanya. Na nagustuhan naman niya.
"Si ate Janna mukhang artista."
Napangiti naman siya sa bunsong kapatid.
"Thank you bunso, ikaw din kaya."
"Tara na mga bes! Malalate na tayo sa party."
Ani Rev, kasunod si Eyl na tapos na din pala maayusan. Sabay sabay na silang pumunta sa mansion ng nga Diesels.
Usapan nila ni Travis sa doon nalang sila magkita, naiintindihan naman niyang busy din ito sa party at the same time eh kakadating lang ng daddy nila, kaya family time muna sila.
Hindi naman nagtagal ay nakarating na sila sa mansion, mukhang marami ng bisita dahil nagkalat na ang magagarang sasakyan sa labas ng palasyo ng mga Diesels.
Maagap naman silang umalalay kay nanay Amelia papasok ng mansion.
"Inay!"
High pitch na boses agad ni Scarlet ang sumalubong sa kanila.
"Wow ang ganda naman ng favorite lola namin!"
Agad itong humalik sa matanda.
"Mas maganda ka Scarlet."
"Thank you inay! Tara po inaantay kayo nila mommy kanina pa po."
"At talagang dinedma mo ang ganda ko ngayon bes?"
Natawa silang lahat kay Jomai.
Agad namang lumapit si Scar sa bff nito."Tampo agad? Hindi ba pwedeng nag stand out lang ang beauty ni inay kesa sa inyo?"
Ang lakas ng naging tawanan nilang lahat. Sabay sabay na nga silang pumasok, agad na hinanap ng mga mata ni Janna ang nobyo.
"Scar nasan ba ang kuya mo?"
"Naku ate, medyo busy sila ni kuya Law mag asikaso ng bisita, kaya binilin niya muna kayo sa akin, no worries he's just around."
Gaya nga ng inaasahan, sa malawak na hardin ginanap ang party, napaka rangya ng gayak. Nagliwanag ang buong paligid at napaka ganda ng set up.
"Nanay Amelia!"
Masiglang bati agad sa kanila ni Diana, malapad ang ngiti nito. Yumakap at humalik ka agad kay nanay.
"Ang ganda ganda nyo po!"
"Naku salamat anak sa regalo mong damit."
"Walang anoman po nay."
Bumaling naman sa kanya ang ginang at buong pag hanga siyang tiningnan mula ulo hanggang paa.
"Just like what I've expected, mukha kang beauty queen hija."
BINABASA MO ANG
Boyfriend Snatcher?
RomanceJanna is well known as Certified Raketera. Kahit anong raket papasukin niya... Malaki ang nagbago sa buhay niya ng makilala si Travis.. Kasabay nito ang pagbabago ng pinakamamahal niyang image. Paanong nangyare na ang isang simple at responsablen...