Chapter Nineteen: Confusion

96 3 1
                                    

AN: Sinubukan kong mag POV but unfortunately hindi maganda ang kinalabasan T.T ang hirap pala hahaha :P
So i have to retype this chappie..

Enjoy Reading!

Hindi na siya nakapalag ng mabilis na paharurutin ni Travis ang kotse. Ibinaling nalang niya ang tingin sa labas. Ngayon siya naka dama ng matinding pagod. It's been a very long night for her. Gusto niyang matawa sa pangyayari, all of this happened sa mismong kaarawan niya.

She mentally laughs thinking about what happened earlier sa party niya, how she wish na sana hindi nalang natapos ang eighteen roses kanina.. Sana hindi naging panadalian ang magical moment na masayang masaya ang puso niya.

"Ang daya naman, ang bilis namang bawiin ng happiness ko."

Pinahid niya ang luhaang pisngi.

"Now I know where exactly to stand, wala akong kwentang babae para sayo Travis... I am just nothing but a paid boyfriend snatcher.. Nothing more.. Nothing less."

Napahugot siya ng malalim na buntong hininga. Trying her best para mapakalma ang sarili.

"I will stop loving you from now on.. I swear! Kahit ano pang gawin mo! Hinding hindi na kita mamahalin!"

Inis na pinahid ni Janna ang mga luha na walang sawang nagpapatakan sa kanyang mga mata.

"And this will be the last... The very last na iiyak ako ng dahil sayo."

Napakarami niyang gustong sabihin kay Travis pero napag desisyunan ng dalaga na hindi na kailangan pa, pointless... Since alam niya na sa sarili niya, kung saan siya lulugar. Parang gusto niyang iuntog ang ulo dahil sa umasa siya.. Na may kahulugan ang lahat.. Ang mga tingin ni Travis, pagiging mabait sa kanya ng binata sa kabila ng pagiging arogante at mayabang nito. At higit sa lahat ay ang mga halik nito sa kanya.

Now she's blaming herself dahil sa mga pag aassume niya na gusto din siya ni Travis. Yes.. In her heart ay umasa siya. Kahit na alam niyang sa una palang ay talo na siya.

Naka hinga siya ng maluwag ng sa wakas ay huminto na ang kotse sa tapat ng bahay nila.

"Thank you, this is the best birthday gift ever."

She said coldly saka siya tahimik na bumaba ng sasakyan.

                              xXx

Hapon na ng magising si Janna kinabukasan. Halos hindi niya maimulat ang mga mata dahil sa sobrang maga sa kakaiyak. She decided na maligo muna at palipasin ang pamumugto ng mga mata bago siya lumabas ng kwarto.

Boyfriend Snatcher?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon