AN: Pasensya na talaga 😂 Hindi ko alam kung bakit bigla bigla nalang naging SPG yung last kong chap hahaha!
Konting tambling nalang at matatapos ko na din ang kwentong ito... Kapit mga readers!
Enjoy Reading!"Hoy love, alam ko naman na ayaw mo ng kinukulit pag nag aaral ka so sasama muna ako dito kina Dar mag basketball."
Kasalukuyan silang nasa parking lot ng school, kumpleto na ang mga ka group niya sa thesis. Bale dalawang kotse ang sasakyan nila isa kay Brix at isa naman ay kay Drake. Ilang ulit silang nag diskusyon bago siya payagan ni Travis na makisakay sa kotse ni Drake, pumayag lang ang loko ng sinabi ni Emi na doon na din siya sasakay para samahan siya.
"Finally!"
Parang naka hinga ng maluwag si Janna sa narinig.
"At doon ka sa backseat uupo!"
"Okay.. Sige na love kailangan na talaga naming umalis madami pa kase kaming gagawin eh."
Napasinghab siya ng marahan siyang halikan sa labi ng nobyo.
"Sige.. Ingat kayo ah.. Be good.. Ako lang ah?"
Napangiti naman siya sa sudden sweetness ni Travis, samantalang kani kanina lang eh parang dragon na bubugahan ng apoy ang mga lalake niyang ka grupo.
"Anak ng! Ang baduy mo dude!"
Mamatay matay naman sa katatawa sina Darius at Carlo na nasa likuran nila.
"Inggit ka lang Dar kasi wala kang girlfriend." -Travis
"Anong wala?! Ang dami ko kayang chicks!"
Masuyo namang tumitig sa mukha niya ang nobyo na para bang binalewala ang sinabi ni Darius.
"Hindi ko kailangan ng madaming babae, kuntento na ko kay Janna."
Muli siyang napasinghab ng dampian siya uli nito ng isang halik sa labi.
"I love you Janna."
"I love you too."
Mahigpit pa siyang niyakap ng binata.
"Pota dude! Seriously para kang bida sa soap opera! Tama na yan ng makapag aral na sina Janna late na oh! Etong si gagong Dar kanina pa tawa ng tawa parang tanga." -Carlo
"Oo na!"
Muli siyang binalingan ng nobyo.
"Sige na love.. Ingat kayo sa byahe. I love you."
"I love you too."
Bumaling naman si Travis kina Drake at Drix.
"Huwag na huwag kayong mag kakamaling homokage moves sa girlfriend ko! Sina--
Inis na hinampas ni Janna ang braso ng nobyo.
"Ayan ka nanaman! Ilang beses mo ng sinabe yan eh! Sige na aalis na kame!"
"Naninigurado lang love."
xXx
Nag umpisa na nga ang maduguang thesis nila Janna. Sobrang naging busy ang grupo nila ng mga sumunod na araw.
Madalas mag sleep over sa kanila ang buong grupo kaya naman lalong napalagay ang loob nila sa isa't isa. Madalas na din niyang makasama ang mga ito sa pag lulunch kasama sina Rev at Eyl, maging si Travis ay medyo nakaka close na din ng mga ka group mates niya.
Bagay na ikinatuwa naman niya. Hindi na masyadong nag seselos si Travis dahil madalas ay kasama naman siya pag may mga lakad nila ng ka grupo regarding sa thesis at preparation sa defense nila.
Hmm.. Hindi na nga ba masyadong nag seselos?
BINABASA MO ANG
Boyfriend Snatcher?
RomanceJanna is well known as Certified Raketera. Kahit anong raket papasukin niya... Malaki ang nagbago sa buhay niya ng makilala si Travis.. Kasabay nito ang pagbabago ng pinakamamahal niyang image. Paanong nangyare na ang isang simple at responsablen...