Hello silent readers
"Are you ready Janna?"
Marahan siyang tumango. Kasalukuyan na silang nasa tapat ng bahay nila. Ang totoo ay kinakabahan siya sa mga maaaring sumalubong sa kanila ni Travis pag pasok nila ng bahay. Ilang beses na niyang napag handaan ang moment na ito. Pero hindi niya akalain na ganito ka tinding kaba ang aabutin niya. Inisip nalang niya kung gaano siya kamahal ng kanyang abuela. Maari ngang galit ito sa kanya. Pero gagawin niya ang lahat para patawarin at maintindihan siya nito sa mga nagawa niya.
"Are you okay?" Nakakunot noong tanong ng binata.
"Y-yes... Tara?"
Sabay na nga silang bumaba ng kotse. Napakapit siya sa braso ni Travis bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay.
Mabilis niyang sinalubong ng yakap si Lola Amelia.
"Inay sorry po.. Sorry po talaga!"
Napahagulhol na siya ng iyak ng yakapin din siya ng matanda.
"B-bakit ka naiyak apo? Hindi naman ako galit.. Bakit naman ganyan ka makaiyak? Ano bang nangyare?"
Mahigpit pa din ang yakap niya sa abuela.. Panay pa din ang iyak niya.
"Inay sorry po sa lahat."
Masuyo namang hinagod ng matanda ang kanyang likod. Napapikit siya, sobrang namiss niya talaga ang kanyang lola. At na guiguilty talaga siya.. Hindi lang sa pag alis niya ng walang paalam kundi pati na din sa lahat ng paglilihim niya rito.
Napatda nalang siya ng biglang natigilan ang kanyang lola.
"Inay.."
"Buntis ka ba Janna?!" Bumahid ang disgusto sa mukha ng matanda at pinukol ng masamang tingin si Travis.
Nanlaki ang mga mata nila. Napanganga... Natulala.. Nawindang!
"Sumagot ka Maricah! Buntis ka ba?! Bakit pana'y ang sorry mo?! At kung maka atungal ka ay akala mo---
"Inay!" Putol niya.. Napahilamos siya sa mukha. Mukhang hindi pa alam ni lola Amelia ang tungkol sa contract. Masyado lang pala siyang paranoid.
"At ikaw! Ikaw na herodes ka ang nakabuntis sa apo ko?! Nag tiwala ako sayo! Pero anong---
"Inay hindi po ako buntis.. Ano ba yang iniisip ninyo?"
Gusto niyang matawa sa itsura ni Travis. Para itong naitulos sa kinatatayuan at putlang putla.
"Relax nay, masama sa inyo ang nagagalit, hindi po ako buntis, naguilty lang naman ako kase bigla nalang ako nawala ng hindi nagpaalam sa inyo."
Tila hindi kumbinsido ang matanda na pinasadahan siya ng tingin. Matalim din ang ipinukol nitong tingin kay Travis na nasa state of shock pa din.
"Inay.. Maniwala po kayo sa akin, hindi po ako buntis. Akala ko po kase galit kayo sa akin dahil hindi po ako nagpaalam ng maayos."
"Naku! Pasalamat kayo kay Diana! Kung hindi ay may tig isang kurot kayo sa singit! Nag punta dito sa bahay at humingi ng dispensa dahil nga sa pag tangay sayo nito ni Travis papunta sa mga paupahan nila sa Baguio. Aba sa susunod naman iho ay mag sabi ka manlang sa akin."
Napatda sila sa narinig.
"Si mommy po? Nagpunta dito? A-ano pa pong sinabi sa inyo?"
Tila naguguluhang tanong ni Travis.
"Oo nag punta dito kinabukasan ng pagka alis ninyo, nagagalit na nga ako at iniwan ni Janna ang cellphone niya kaya hindi matawagan ni Jomaila, mabuti nalang at dumating si Diana."
BINABASA MO ANG
Boyfriend Snatcher?
RomanceJanna is well known as Certified Raketera. Kahit anong raket papasukin niya... Malaki ang nagbago sa buhay niya ng makilala si Travis.. Kasabay nito ang pagbabago ng pinakamamahal niyang image. Paanong nangyare na ang isang simple at responsablen...