Chapter Six: Sh*t happens

103 10 1
                                    

It's been a week pagkatapos ng incident na yon, She just kept herself busy sa lahat ng gawain niya. Binuhos niya ang attention niya sa studies, business, tutorial classes at sa family niya. Naka hanap na din sila ni Joms ng malilipatan, katulad lang din ng tinitirahan nila ngayon, isang maliit na apartment na kayang kaya nilang bayadan monthly. Nag usap na sila ni Joms na pag iipunan nila ng husto yung pang down payment sa mga rent to own, yun ang magiging goal nilang dalawa this year. Iniisip kase nila ang lola nila. She deserves a comfortable place to live sa kanyang katandaan.

Hindi niya maiwasang mag ngitngit kapag naaalala niya ang inoffer sa kanya ni Travis. She's thankful dahil hindi niya na ito nakita after nung pangyayari na yon. Swerte lang siguro na hindi sila nagkakasalubong sa school. Si Law lang at ang girlfriend nito ang madalas niyang makita. Lagi namang pakalat kalat ang dalawang yun dito sa school.

"Proud na proud ang hitad sa boyfriend niya oh!" Mahina niyang siniko si Eyl.

"Ano ka ba, baka marinig ka." Saway niya dito, panay kase ang parinig nito at pagtapon ng matatalim na irap dun sa girlfriend ni Law. Nasa cafeteria kase sila ngayon at malapit lang ang pwesto nila dun sa mag jowa.

"Eh ano naman kung marinig niya? Napaka feeling! If I know si Travis ang una ny-----

"Anong problema mo miss?"

Nagulantang nalang si Janna ng biglang nasa harapan na nila yung girlfriend ni Law. Napatingin naman siya kay Eyl na palaban na agad ang aura.

"Wala akong problema, ikaw anong problema mo bukod dyan sa mata twelve inches ang pagitan at sa pagiging panget mo?" Eyl laugh sarcastically while staring at her from head to toe. At nag i start na ding lumaban ng titigan yung babae.

"You're brave enough to talk to your highness in such an awful manner my slave. Bastos ka, matuto kang gumalang sa mas nakaka ganda sayo." Eyl's voice is calm pero napaka pierce ng pagkakatingin niya sa babae. Nakakaloko ang pa ang ngiti nito.

"Hindi man ako kasing ganda nyo, well atleast ako ang pinili ng lalakeng pinapangarap mo." Sagot naman nung babae.

"Boom Panes!" Gusto sanang isigaw ni Janna. Muntik na niyang makalimutan na nasa corner pala siya ni Eyl. Alam niyang nabigla ang kaibigan niya sa sinabi nito. Bigla kaseng dumilim ang anyo nito.. This time hindi na niya mahulaan kung anong nasa isip nito.

Parang gusto niyang maawa dito lalo na't ngiting tagumpay ang nakikita niya sa babaeng mukhang pugita na nakatayo sa harapan nila. Lalo pang lumakas ang loob nito ng lumapit na sa kanila si Law.

"Just don't let your guards down, you'll never know.. Nagkalat ang mga boyfriend snatcher sa tabi tabi, baka isang araw.. Wala ka ng boyfriend." Bigla nalang niyang nasabi.. Sa kagustuhang ibangon ang ego ng kaibigan niya.

"By the way Law, please send my regards to tita Dianna, Nag enjoy talaga ako sa dinner sa BAHAY nyo last week, Please tell Scar that I miss her." And boom! The look on her face is just so.. Priceless! Gimbal si pugita! Hindi naman agad naka sagot si Law.

"Well, excuse us.. Nangangamoy dagat na dito.. I'm allergic sa seafoods." Hinila na niya si Eyl. Oh wait.. She's not done yet! She look directly sa gulat na mukha ni Law and flashes her oh so god damned hot smile ever! Bahagya niya pang hinimas ang pisngi nito.. Gusto niyang matawa dahil ilang beses niyang nahuli na napalunok ito.

"See you.." She whispered.. Her lips almost touched his ears. Hindi man niya sinasadya pero.. Bakit medyo naging husky ata ang boses niya? Tinapunan nalang niya ng nakakalokong ngiti si pugita saka sila tuluyang umalis ni Eyl. Hindi pa man sila nakakalayo, naghurumentado na si pugita at inaway away si Law. That made them laugh so hard like no more tomorrow!

Boyfriend Snatcher?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon