"Pano ba yan ate? Mukhang nangangamoy valedictorian na ako?"
"Weh?" Pabiro niyang inirapan si Jomaila, her sister na graduating na ng highschool this year. Like her, matalino din ang kapatid niyang ito, scholar din.. Same school lang din sila ng pinapasukan.. Natawa siya bigla ng nag pout pa ito at sinimangutan siya.
"Hmp! Ayaw pa maniwala! Mag practice na kayo ng inay sa pag akyat at pag sabit nyo saken ng mga medals sa graduation ko!" :P
"Abah at talagang nag seself declared ka na ah! Jan ako bilib sayo Joms eh! Napaka tindi ng self confidence mo! Nakakaloka ka!"
"Malamang.. Baka mana sayo?"
"Yang katalinuhan mo lang ang namana mo saken.. The rest malay ko kung san mo nakuha!"
Ang lakas ng tawa ni Janna ng magsimangot nanaman ang kapatid niya. Na cu-cutetan kase siya sa mukha nito. Ang totoo maganda naman talaga si Jomaila, nakuha niya ang features ng mommy nila na half Japanese, bilugan na may pagka singkit ang mga mata nito.. Malamam na akala mo palaging iiyak, kabaligtaran ng personality niya. Napaka masayahin nito at walang dull moments when she's around. Pointed nose, red pouted lips and flawless skin just like hers.
Siguro kung meron man siyang ipapag pasalamat sa herodes nilang ama ay yung magandang features na nakuha nila dito. He's a half french. Kaya nga siguro masasabing hindi ordinary ang beauty nilang magkakakapatid. Nataon lang na asian ang beauty ni Joms at sila naman ni Tintin ay mix french/Jap ang features. Such a unique and classy beauty.
"Hmp! Ewan ko sayo ate! Di ikaw na maganda."
"Baka magkamukha tayo Joms?"
Natatawa pa din si Janna sa pagmamaktol ng kapatid, bigla nalang niyang niyakap ito at hinalikan sa ulo.
"I'm proud of you Joms, alam kong kayang kaya mong maging valedictorian. Malaki ang tiwala ko sayo, Tandaan mo yun ah. Tuloy mo lang yan. At wag kang mag alala.. Hindi naman nalalayo ang ganda mo saken eh."
-_- "Okay na sana ate... Iiyak na sana ako sa award winning mong speech.. Kaya lang pinag diinan mo pa din na mas maganda ka saken."
Nagkatawanan nalang silang dalawa.
"Oh please! Stop arguing! We all know that I am so much more gorgeous than the two of you! "
-_- Natameme naman silang dalawa sa matinis na boses ni Martina. Ang baby primadona nilang bunso. Five year old little dolly.
"Oh bakit natahimik kayong dalawa dyan? Kinabog kayo ni tintin no?" Tatawa tawa naman ang lola nila na lumapit at naupo sa dining area.
"But of course Inay, kase alam nila ate na ako ang pinaka maganda samen!" She grins.
"Diba po mga ates?" Now she shows up that puppy eyes that her ates cannot resist.
"Oh come here baby!" At ayun na nga! Pinag hahalikan at pinag yayakap na nung dalawa ang bunso nila.
"Payag na nga ako.. Sige na baby ikaw na pinaka maganda! Basta pakiss si ate sa kili-kili! -Joms
Panay naman ang hagikhik ni Tintin habang nilalambing siya ng mga ate niya. Napapa ngiti naman ang kanilang lola habang pinapanood sila. Ganito naman sila palagi, Sobrang close nila sa isa't isa. Sinisigurado din ni Janna na magkaron ng time para sa mga kapatid niya at sa lola niya kahit na gano pa siya kabusy sa school at sa mga raket niya. Ayaw niyang maging malungkot ang pamilya nila.. Sila sila nalang kasi ang magkakasama sa buhay, Her sisters and her Inay are the only reason why she's living. Her life.. Her happiness.
------------------------------------------------
"Ate wala bang nanliligaw sayo? Bakit till now wala ka pa ding boyfriend? Malapit ka ng mag eighteen dba?"
Muntik ng maibuga ni Janna yung iniinom niyang juice sa sudden question ni Joms habang nanonood sila ng tv.
"See? It's just a simple question pero para kang namatanda dyan!"
"Susme Joms, alam mo namang wala kong time sa ganyan, kulang pa nga oras ko sa studies at mga raket ko tapos syempre sa inyo. Alam nyo naman na kayo ang priority ko."
"Pero ate, seriously.. Never ka bang nagka crush manlang? Kase never ka pang nagkwento samen ng love life mo ever since.
Janna just let out a deep sighs while scanning her memory kung sino nga ba yung last na naging crush niya. Yeah! Normal na babae pa din naman siya at nagkaka crush din naman.. Pero.. Dahil sa trauma niya dun sa one great crush niya nung High school siya, dun na siya nag stop tumingin sa mga gwapong lalake. At never na din siyang nag entertain ng mga suitors niya. Basta nag focus nalang siya saga goals niya sa studies at pamilya niya.
"Nakaron din naman, kaya lang.. Hindi naman sila ang priority ko.. Kayo!" She smiled sweetly.
"Kaya ikaw Joms ah, sana wag ka munang mag boboyfriend, okay lang na magka crush ka para may inspiration ka sa pag aaral mo. " Natawa siya ng irapan siya ng kapatid.
"Naku Ate! Hindi mo na kailangang sabihin yan. Wala pa yun sa vocabulary ko! Tutulungan muna kita no! At papatapusin pa naten si bunso sa pag aaral."
"That's my girl!" She smiled.
"Saka ate diba may goal pa tayo? Yung dream home naten."
"Yeah, salamat Joms ah.. Sa pagtulong mo samin ng inay sa small time business natin, hindi ka na nga halos nanghihingi ng pera sa akin, basta pag may kailangan ka mag sabi ka din."
"May allowance naman ako ate, saka diba nagpapart time tutor din ako tapos ginagawan ko ng mga projects yung mga tamad kong classmates pero may bayad no! Kaya nakaka ipon pa ako. Relax ka lang dyan ate."
"Ang swerte ko naman sa mga apo ko." Napatingin sila sa direction ng kanilang lola na nakaupo sa rocking chair nito at masayang nakatingin sa kanila.
"Pasensya na kayo mga apo sa lola ah, wala na akong masyadong maitulong sa inyo.. Matanda na kasi ako."
Lumapit sila sa kinaroroonan ng matanda at niyakap ito.
"This time inay kami naman nila Joms ang mag aalaga sa inyo."
"Oo nga po nay, saka sapat na sapat na yung mga ginawa mong pag aalaga samin nila ate.. Lalo na nung nawalan kami ng magulang. "
"Love you inay. "
------------------------------------------------
AN: So that's all muna for this chap.. Done na sa brief info about them.. Next chap will surely spice the things up!
Comments and votes are welcome! I'm also open for constructive criticism. :) chao!
BINABASA MO ANG
Boyfriend Snatcher?
RomanceJanna is well known as Certified Raketera. Kahit anong raket papasukin niya... Malaki ang nagbago sa buhay niya ng makilala si Travis.. Kasabay nito ang pagbabago ng pinakamamahal niyang image. Paanong nangyare na ang isang simple at responsablen...