"So anong drama ng baliw na Nate na yon? Sila pa pala ni Sabina pero ayan siya at ginugulo ka nanaman!"
Hindi na nagtaka pa si Janna sa mga naging reaction ni Rev matapos niyang ikwento dito ang nangyare kahapon sa mall.
Nagkibit balikat lang siya.
"Hindi ko alam, pwedeng may bagong pustahan nanaman sila ng mga tropa niya at unfortunately ako nanaman ang trip nila."
She spoke calmly na nagpataas ng kilay ng kaibigan.
"I know you're cooking something bessie! Shoot!"
Natawa siya, hinding hindi talaga siya makakapag lihim kay Rev.
"Wala! Ano namang gagawin ko?"
Her tone was too innocent to be true.
"Kilala na kita Janna! Tell me! At kahit na against ako sa mga ganyan susuportahan pa kita!"
Lalong lumuwag ang pagkaka ngiti ng dalaga.
"Wala naman akong definite plan pa as of now, pero this time.. I promise.. Hindi siya magtatagumpay sa kung ano mang plano niyang gawin sakin, makikipag laro ako sa kanya kung gusto niya.. But i'll make sure.. I will win this time!"
She said firmly.
"Makikipag laro ka? Eh pano naman si Travis?"
She just gave her friend an odd look.
"Oh? Anong kinalaman ni Travis dito? Labas siya sa laro namin ni Nate! Hindi ko na siya idadamay dito bessie."
Rev just rolled her eyes.
"Hindi pwedeng hindi madamay si Travis ano ka ba? Alam mo namang nuknukan ng seloso ang isang yon! Playing with Nate means na makikipag interact ka sa kanya... Pano mo maitatago kay Travis yon?"
"Technically speaking.. Hindi pa naman kame.. So i don't call that cheating.. At walang masama sa gagawin ko.. I mean wala akong masamang gagawin kay Travis."
"What if sagutin mo nalang si Travis? The best revenge para kay Nate is to show him how happy you are now."
Napa buntong hininga ang dalaga.
"Ang panget naman tingnan bessie, mahal ko siya.. And ayoko siyang gamitin sa pakikipag laro ko sa walang hiya na yon! Iba ang story namin ni Travis, mas pipiliin ko na labanan si Nate mag isa, without using anyone."
Napaisip naman si Rev sa narinig.
"Yeah, tama ka.. Nakuha ko ang point mo.. So.. Wala ka pang balak sagutin si Travis?"
She giggles of the thought na magiging boyfriend na niya ang binata.
"Mag tyaga muna siya! Kung gusto niya talaga akong maging girlfriend manligaw muna siya to the max!"
They end up laughing.
xXx
"Hindi ka pa din ba tinitigilan ng gagong yon?!"
Bakas na bakas ang pagka irita sa tono ni Travis ng makita ang sangkaterbang bulaklak at chocolates sa loob ni locker niya.
Tapos na ang klase nila, sinamahan siya nito na kunin ang mga libro niya sa locker. Niyaya kase siya ni Travis na mag mall after ng class nila.
Base sa arrangements at brand ng chocolates alam na agad nila na kay Nate galing ang mga iyon.
"For the woman I love,
Can I invite you for a dinner tonight? Please at least give me a chance to prove myself to you.
Nate"
BINABASA MO ANG
Boyfriend Snatcher?
RomanceJanna is well known as Certified Raketera. Kahit anong raket papasukin niya... Malaki ang nagbago sa buhay niya ng makilala si Travis.. Kasabay nito ang pagbabago ng pinakamamahal niyang image. Paanong nangyare na ang isang simple at responsablen...