Chapter ThirtyThree: LQ

27 1 0
                                    

AN: Sa wakas konting chap nalang matatapos na din :)
Enjoy reading!

"Ang ganda talaga ng manugang ko!"

Ang lapad ng ngiti ni Diana habang sinisipat siya nito mula ulo hanggang paa. Kasalukuyan silang nasa boutique ng mga Diesels.

She's wearing elegant light pink sweetheart long gown na may mahabang slit, with a pair of sparkling steleto.

Napaka ganda din ng hair and make up niya, napaka simple ng ayos ng kanyang mukha pero na enhance ang natural niyang ganda, nice big curls ang lalong nagpa bongga sa maliit niyang mukha.

"Eh.. Tita hindi po ba nakakahiya don sa party? Wala naman po akong kilala don."

Nag aalangan pa din talaga siya sa pag attend ng corporate party, ang totoo eh mag poproxy lang sila ni Travis, dahil hindi makaka attend si Diana at busy sa pag aasikaso sa pag uwi ng asawa nito. Magkaka party din kase sa bahay nila bukas pag dating ng patriarko ng mga Diesels.

"It's okay Janna, hindi nyo naman kailangang magtagal sa party, basta ang importante ay may mag represent ng mga Diesels sa party ni Ysabel."

She's talking about Diana's friend/business partner na may paparty.

"Travis anak, yung gift wag mong kalimutan ah! Send my regards to your tita Ysabel."

"Yes ma!"

Ready na din si Travis, bagong haircut pa ang mokong na lalong nagpa gwapo dito, sobrang prominent ng tindig nito sa suot na black toxedo. Napangiti naman siya sa nobyo.

"Ang gwapo naman ng escort ko."

Hindi pa din napapalis ang ngiti niya sa nobyo hanggang sa pag lapit nito sa kanya.

"I'm sure ikaw ang pinaka maganda sa party baby."

Anito sabay hawak sa kamay niya.

"Lumakad na kayo at late na kayong dalawa, nakakahiya sa tita mo."

"Sige ma, alis na kame."

                        xXx

Sakay sila sa bagong bagong Lamborghini ni Travis papunta sa Luxury hotel na pag gaganapan ng party. Kinakalma ni Janna ang sarili dahil hindi naman siya sanay na umattend sa ganitong ka sosyal na party.

Mayat maya niyang sinisipat ang mukha sa salamin, inaayos ang buhok, sinisigurado na maayos ang itsura niya.

"Relax baby, ang ganda ganda mo lalo ngayon promise."

Nakalma naman ang kalooban niya sa compliment ng nobyo.

"Thank you mahal, basta wag mo ko iwanan don ah."

"You don't have to say that, hindi talaga kita papabayaan na malayo saken sa party, madaming mga anak ng business tycoon don, for sure eye catcher ka sa ganda mong yan. Aba! Baka maagawan pa ko ng girlfriend!"

Bahagya siyang namula sa compliment ng binata.

"Sus, kala mo naman hindi ka din head turner? Ikaw kaya ang pinaka gwapo para sa akin!"

"Bolera"

Ang lakas ng tawanan nilang dalawa, hanggang sa maka rating sila sa venue.

As expected, lahat na yata ng definition ng luxury, wealth at elegance ay nasa mismong venue at sa mga taong nasa party. Kalmado lang siyang kumapit sa braso ng nobyo at confident na nag lakad kasabay nito.

Panaka naka siyang ngumingiti at tumatango sa bawat taong sumasalubong sa kanila ni Travis.

"Happy birthday tita Ysabel."

Boyfriend Snatcher?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon