Part One: Janna the Raketera!

256 10 1
                                    

Wednesday : Pinaka busy na araw ni Janna. Kasalukuyan siyang naka pwesto sa isang table ng isang coffee shop sa labas ng school nila. As usual pinagkakaguluhan siya ng mga suki niya na mga kapwa niya estudyante. Distribution day kase nya ngayon ng mga order sa kanya mga kung ano-anong paninda nya. Lahat na yata ng pwedeng ibenta binenta na niya. Bags, wallet, accesories, sapatos, tsinelas at kung ano ano pa! Napa ngiti nalang siya sa dami ng suki nya sa school. Abah! Hindi rin naman basta basta ang mga binebenta niya, mga branded naman and mostly ay imported dahil hindi rin naman basta basta ang mga suki niya. Coming from one of the most high paid University in the country kung saan siya nag aaral as scholar.

She's smart, charming and had this convincing power when it comes in selling. She's now a second year college, taking up Business Administration.

Nag tututor din siya after ng class niya at minsan pag week end. At minsan nag papart time din siya dito sa coffee shop na ito. Lahat ng mga pwedeng pagka kitaan ay pinasok na niya.

She's a bread winner. Lumaki sila ng dalawa pa niyang kapatid sa kanilang lola, na ang tanging inaasahan ay ang monthly pension nito. Kaya kahit na ilang beses siyang pigilan ng lola nya na wag na intindihin ang ibang gastusin nila ay hindi pa din siya tumigil sa pag raket. Ayaw nya na kaseng ma stress pa ang pinaka mamahal niyang Lola sa pag iisip kung paano sila bubuhaying magkakapatid.

Her mother died five years ago after giving birth sa bunso nilang kapatid. Ang daddy naman nila.. Iniwan sila nung nagbubuntis palang ang mommy nila kay Tin-tin. And never show off miski nung burial ng mom nila. Nabalitaan nalang nila na nasa America na ito at may iba ng pamilya, leaving them sa lola nila na mag isang nag taguyod sa kanila. Kaya ganun nalang ang pag mamahal nila sa seventy eight year old nilang Inay. At ganun nalang din ang galit niya sa kanilang ama.

Kaya naman sa mura nyang edad eh nag pursue talaga siya na kumita. She started with a very small capital hanggang sa paunti unti dumami mga products niya. At dahil Ms. Friendship ang peg ng lola mo kaya marami siyang naging suki. Ultimo mga campus bullies and bitches ay kilala siya.

"Hey Slut! Will you stop whoring my boyfriend?!"

Napailing nalang si Janna sa eksenang bumungad sa kanya sa loob ng school, kakatapos lang ng distributions niya sa coffee shop. Medyo may ilan pa siyang products na hindi pa nabibigay sa clients niya.

"Hi-hindi ko naman nilalandi yung boyfriend mo.. Na-nanghihiram lang ako ng notes"

Putlang putla na sa takot yung babae, at medyo dumadami na din yung mga estudyante na nakiki usyoso sa eksena.

Lalong naningkit ang mata nung isang babae, na mukhang any time ay sasaktan yung babaeng namumutla.

"Notes?? Manghihiram ng notes? At baket?? Ang boyfriend ko lang ba ang kaklase mo at sa kanya mo pa pinili na mang hiram ng letseng notes na yan?! I know your kind! Matagal ko ng alam na may gusto ka kay Troy kaya hindi mo ako maloloko! Tonta! "

The girl was about to give a tight slap on her face---

"Hoy bruhang Gwen! High blood ka nanaman jan! "

Dali daling inakbayan ni Janna with her very own charming smile, saka pasimpleng inilayo ito sa kung sino mang babaeng inaaway nito. Hindi naman sila ganun ka close pero nagbabatian naman sila sa school. Pasimple niyang kinindatan yung babaeng namumutla at sinenyasan na umalis na.

"That fvcking slut!! Nilalandi ang boyfriend ko! The nerve! Wala namang ganda!" Gwen hissed.

"Hey its okay.. Btw andito na yung order mo na couple shirt from Japan! Wag ka na magalit jan. " Sabay abot dito ng isang paper bag.

Boyfriend Snatcher?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon