Chapter Nine: Ninja Moves

113 9 1
                                    

She smiled triumphantly when she landed her sight on Travis. Alam niyang he's watching her. Muli siyang nag isip ng isa pang magandang moves para lalong galitin si pugita. Pinapag aralan niya ang lahat ng kilos ni Law. This time alam niyang pupunta ito sa buffet table kaya naman nagpatiuna na siya doon para hindi mahalatang sinusundan niya ito.

Kumuha siya ng plate at nag start ng pumili ng mga pagkain. Well aware na nasa likuran lang niya si Law.

"You should try this one, masarap to." Napatingin naman siya dito, making sure na kunwari ay na surprise siya sa presence nito.

"Oh, thank you." Ito pa mismo ang naglagay ng asparagus in chessy bacon sa plate niya.

"Nililigawan ka ba ng kapatid ko?" Biglang sambit nito, muntik na niyang mabitawan ang hawak hawak niyang expensive plate.

"Hell no!" Napairap talaga siya, then he chuckled. Oh goodness gracious! Parang gusto niyang mapanganga sa sight na nakikita niya, ang gwapo talaga ni Law, lalo na ngayon na he's laughing. Hindi nakakasawang pag masdan.

"Well I'm sorry, I almost forgot na magkaaway pala kayo, I can still remember that incident in school." She arches her brows.

"What incident?" Lalo namang napatawa ito. Oh hell that's breathtaking. Gusto niyang iuntog ang ulo niya sa simento, bakit ba ang lakas ng dating ni Law sa kanya, napaka light kase ng aura nito. His eyes.. Parang laging nakatawa.

"That special day for my brother, the very first time na maka tanggap siya ng sampal sa babaeng dinedeskartehan niya."

Napa Oh nalang siya ng maalala yon, masyado kaseng busy ang utak niya sa pag aappreciate ng kagwapuhan ni Law.

"You know what Janna, ikaw palang ang nakaka gawa sa kanya non, naka hanap din ng katapat ang loko." Napa pout nalang siya, para bang bigla niyang nakalimutan ang mission niya and she just acted naturally.

"Hindi niya ako dinidiskartehan, he's a perve kaya ayun nasampal ko." Lalo namang natawa ito.

"Maloko talaga yon, pero mabait naman yung kapatid ko na yon."

"San banda? Wait lang Law ah.. Hahanapin ko lang kung nasaan yung bait niya."

Then they burst out laughing. Ang totoo nag eenjoy na din siyang kausap ito.

"Well it seems that you're not that bad at all, mukha ka kaseng bitchy nung una. Iba pala kapag nakausap ka na. No wonder why favorite ka ng sister ko." Mukhang naidaldal nanaman siya ni Scarlet dito.

"Ano ka ba, hindi naman ako pwedeng magsuplada. May inaalagaan akong business sa school natin. Naku baka mawalan ako ng suki kapag naging salbahe ako." She grins.

"Ah yeah, saw your page in fb." Ngiti nalang ang itinugon niya dito.

"Oh pano Law, mauna na ako sa table namin ah. Nice chatting with you." She gave him a genuine smile. He nodded. Then tuluyan na niyang iniwan ito.

Hindi niya alam pero parang nakuntento na siya sa simpleng pag uusap nila. Hindi pa din maalis ang ngiti niya hanggang sa makabalik siya sa table nila.

------------------------------------------------

Everyone is enjoying sa Olympic size swimming pool. May mga games din, may iba naman na nag eejoy sa foods and cocktails. Hinayaan lang niya na maki join si Jomai sa paglalaro sa pool. Niremind lang niya ito na kailangan nilang umuwi ng 10pm dahil dadaanan pa nila si Tin-tin kina Eyl. May isa't kalahating oras pa naman sila kaya hindi na siya nagpaka kj.

Kinakawayan na kase siya nila Rev na maki join sa pool. Tumayo na siya at naglakad papunta sa kanila. When suddenly someone bumped her, sobrang lakas ng force kaya talagang matutumba siya. Napapikit nalang siya. Getting ready sa pagbagsak niya sa sahig. Bigla nalang may humapit sa bewang niya, automatic siyang napakapit sa leeg nito,  enough para mapigilan ang pag bagsak niya. Her eyes snap open. At parang gustong tumalon ng puso niya. Bakit ba kasi ganito nalang ang pagwawala ng puso niya sa lalakeng ito, dati naman wala siyang paki kahit na magkasalubong pa sila nito. But this time, ilang pulgada lang ang pagitan ng mga mukha nila. Parang may rigudon sa puso niya.

Boyfriend Snatcher?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon