Chapter ThirtyFive: L Overload!😂😍

25 2 0
                                    

AN/ Konti nalang matatapos na😂
Enjoy Reading!

"O ayan, edi balik alindog ka na uli ate!"

Palatak ni Jomai matapos nitong i retouch ang make up niya. Nasisiyahan pa siya nitong pinasadahan ng tingin.

"Ikaw kaya ang pinaka magandang nakita ko dito sa party ate."

She jokingly rolled her eyes.

"Bolera! Sira ka! Akala mo lang yon! Pero promise.. Mas maganda ka sa akin Joms, plus usong uso ngayon ang mga chinita beauty kaya wag kang gumanyan!"

Napahagikhik naman ang dalagita.

"Alam ko namang maganda ako no! Swerte ko nga nakuha ko ang beauty ni mama eh! Oh tara na, nag i speech na yung byenan mo."

Tuluyan na ngang gumanda ang mood niya, thanks kay Jomai na nagpapalakas ng loob niya. At kay Travis na hindi siya laging nasa tabi niya para umalalay sa kanya.

Muli silang bumalik sa table kasama sina Rev at ang iba pa nilang mga kaibigan. Namataan niya pa din si Gustav at ang babae nito pero hindi nalang niya pinansin. Tinuon nalang niya ang atensyon sa mag asawang Diesels na nasa stage.

More on pagpapasalamat sa mga dumalo sa party, maraming na mention na mga pangalan, mga kilalang business tycoon, batchmates at kung sino sino pa.

Formal din na na announce ang pagpapa take over kay Law at Travis ng iba nilang mga negosyo.

Construction firm at Real Estate ang mapupunta kay Travis, samantalang corporate naman ang kay Law. Kasabay ng pormal na pagpapakilala sa tatlong tagapag mana ng mga Diesels.

Sigurado si Janna na mas lalo pang lalawak ang negosyo ng mga ito, dahil narririnig niya na madami sa mga bisita ang gustong makipag tie up sa kanila.

Isa isa ding nag speech ang mag kakapatid, nauna si Law na napaka pormal at business like ang tono.

Sumunod naman ang bunso nilang si Scarlet.

"Hello everyone, Since I'm still young, I'm asking my parents to spare me to any types of business thingy because I honestly don't have any idea how it works."

Natawa ang lahat sa sinabi ng dalagita.

"But it doesn't mean that I am not interested, I am here, studying very hard and preparing myself to become a workaholic like my parents."

Tawanan pero sinalubong naman ng palakpakan ang speech ni Joms.

Huli namang inintroduce si Travis. Ang lakas ng hiyawan nila. Lalo na sina Carl at Darius.

Ewan ba ni Janna kung bakit,  pero kinikilig talaga siya sa kagwapuhan ng boy friend niya na confident na nag sasalita sa harapan. Kagaya din ni Law ay napaka pormal din nito at tungkol din sa negosyo ang takbo ng speech nito.

Nag niningning ang mga mata niyang naka tutok sa gwapong nobyo na nasa stage.

"I'm not bragging about anything,    i know that i still have a lot of things to learn specially in this firm that my parents intrusted me, i am confident that i will make it someday, by my own skills and with the help of my ninongs that I'm pretty sure that will guide me all the way."

Kumindat pa ito sa gawi ng mga ninong nitong business tycoon. Ang lakas naman ng palakpak ng mga ito.

"I got your back inaanak!"

Natuwa naman ang lahat kay Mr. Montero na kilalang halimaw sa larangan ng construction firm sa bansa.

"Someday, i will be successful like my parents."

Boyfriend Snatcher?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon