"I am so disappointed Ms. Laurent! Running for class valedictorian ka pa naman! Ikaw din ang President ng student council, hindi ba dapat maging magandang ihemplo ka sa mga kapwa mo estudyante? But look what happened? You initiated the fight, dumayo ka pa dito sa college department para makipag basag ulo! Para kayong hindi nag aaral!"
Napayuko nalang si Janna sa mga narinig na panenermon ng school disciplinary head.
"I'm willing to accept the consequences of my actions mam."
Napakagat labi nalang siya sa sinagot ng kapatid niya. Parang gusto niyang sisihin ang sarili sa nangyari. Marahan niyang niyakap at hinalikan ito sa ulo.
"I'm so sorry Joms." Mahinang bulong niya dito.
"Huwag kang mag sorry sa akin ate, she only gets what she deserves!" Jomaila said firmly, na matalim pa ding nakatingin kay Leona.
"Jomaila Maureen Laurent!" asik ng director.
"Baka nakakalimutan mo na pwedeng maapektuhan ang scholarship mo diyan sa inaasal mo! You started the fight kaya mag sorry ka kay Leona! She deserves your apology!"
Halos sabay silang napa tingin sa director. Gustong umalma ni Janna sa sinabi nito. But her sister's scholarship ang at stake dito. Bigla namang tumigas ang anyo ni Jomaila.
"With all due respect Madam, just like what I've said, I am willing to accept all the right punishment for my actions. I'm sorry to disappoint you Mam, but I will never apologize for what I did to her, because she deserve it!" Parang gustong himatayin ni Janna sa mga narinig niya. Namula naman sa galit ang director na halatang may pinapanigan.
"Ipapa alam ko ito kay Madam Diana! Bastos kang bata ka."
---Hindi na kailangan.. "
A very strong and authoritative voice ang biglang umalingaw-ngaw sa buong silid.
"M-madame!" Halos magka buhol buhol ang dila ng head of discipline.
"Alam ko na ang nangyari." Nakaka intimidate ang boses ng Diesels Patriarch. Kasunod nitong pumasok si Travis at Scarlet.
Napangisi naman ang director at pinukol ng masamang tingin ang magkapatid na Laurent, na kasalukuyang binabayo na ng matinding kaba. Alam nilang labas ang pagkakaibigan nila Scar at Joms sa sitwasyong ito. Hindi nila pwedeng panghawakan iyon sa ngayon.
"Mrs. Villafuerte.. I want you to check this post on fb. That might answer all your questions."
Inabot ni Madame Diesels ang cellphone nito sa director.
Halos mawalan naman ng kulay si Leona ng masipat ang pinakita ni Madame sa director. Yun yong eksena ng away nila ni Janna.
"Hindi ko sinasabing tama ang ginawa ni Jomaila Diesels, Pero bilang nakaka tanda.. Dapat alamin muna natin ang puno't dulo ng mga pangyayari before we place our judgement." Anito na naniningkit na ang mga mata.
"Just give them a warning and three days suspension."
She said firmly. Saka tuluyang lumabas ng kwarto kasunod si Scarlet. Naka hinga naman ng maluwag si Janna. Lumapit naman si Travis sa kanilang magkapatid at hinarap ang "empleyado" nila.
"Now that it's all settled, please excuse us." Sabi nito.
"Tara na, Janna.. Jomaila."
Iniwan nilang nakatanga sina Leona at Mrs. Villafuerte.
------------------------------------------------
"Shhh.. Tahan na.. Wag ka ng umiyak." Marahan niyang hinaplos haplos ang likod ni Jomaila. Bigla nalang kasi itong napaiyak pagkalabas nila ng disciplinary office.
BINABASA MO ANG
Boyfriend Snatcher?
عاطفيةJanna is well known as Certified Raketera. Kahit anong raket papasukin niya... Malaki ang nagbago sa buhay niya ng makilala si Travis.. Kasabay nito ang pagbabago ng pinakamamahal niyang image. Paanong nangyare na ang isang simple at responsablen...