Chapter Ten: Round Two?!

117 11 3
                                    

"Here, magbihis ka muna." Agad naman niyang tinanggap ang T-shirt na inabot nito. Mabilis siyang pumasok ng cr at nagbihis. Inayos niya din ang nagulo niyang buhok at matiim na inenspeksyon ang sarili kung may naging galos ba siya. Nakahinga siya ng maluwag dahil wala siyang ni isang gurlis sa mukha, though medyo nanakit ang anit niya dahil sa higpit ng pagkakasabunot sa kanya kanina.

Hindi pa din siya nakaka recover sa nangyari. Parang paulit ulit na rumirihistro sa utak niya ang lahat ng nangyari. But this time, hindi wasak ang puso niya. Nalagasan man siya ng maraming buhok. Pero sino ba talaga ang naging talunan sa kanila?

"Parang ganito lang din ang nangyari noon.. But this time.. Hindi na ako ang nasaktan." Muling nabalik sa isipan niya ang nangyari three years ago. Hindi man dapat pero nakaramdam siya ng kung ano mang kagaanan ng loob. Pakiramdam niya nakaganti siya. Sa mga taong umapi sa kanya. Hindi man eksakto pero nahahawig ang pangyayari kanina. But this time, may isang taong tumulong sa kanya, may isang taong nag malasakit sa kanya. Wala sa loob na hinaplos niya ang suot suot niyang T-shirt. She felt secured.

Inayos niya muna ang mga gamit niya bago tuluyang lumabas ng cr.

"May masakit ba sayo? Gusto mo dalhin kita sa clinic?"

"Wala naman Law, I'm good. Salamat sa shirt." Nginitian niya ito.

"Janna I'm so sorry kanina, nabigla din ako sa bilis ng pangyayari, hindi ko agad naawat si Leona." Tila hirap na saad nito.

"Okay lang Law, saka wag ka ng mag sorry, hindi mo naman kasalanan, sana lang wala akong maging record dito sa school, ayokong maapektuhan ang scholarship ko." Aniya.

"Don't worry about that matter akong bahala don, Nahihiya talaga ako sayo sa nangyari. Ikaw na nga ang tumutulong sa akin, ikaw pa ang napasama. I'm so sorry."

"Kumo quota ka na sa sorry ah, okay na nga diba?" Mahina niyang tinapik ang balikat nito.

Hindi na din siya tumanggi ng hawakan siya nito sa kamay at igiya palabas ng school.

"Let's go somewhere, we need some fresh air." Dinala siya nito sa parking area at iginiya na sumakay sa kotse nito.

Tahimik lang sila habang nasa byahe, minsan nahuhuli niyang sinusulyapan siya ni Law na tila chini check kung okay lang ba siya talaga.

"Hey, wag mo kong tingnan ng ganyan. I'm good. Ikaw nga dapat ang tanungin ko kung okay ka lang ba? Nabigla ka ata sa naging desisyon mo kanina kase galit ka." Napansin niyang medyo dumiin ang pagkaka hawak nito sa manibela.

"No, hindi ako nabigla. Ayoko na talaga, Bigla akong natauhan kanina, when I saw her face and heard the things that she said.. Parang nawala na lahat ng pagmamahal ko sa kanya. Hindi ko akalain na ganon pala siya."

"She just got blinded of her jealousy Law, kase nga mahal ka niya." He laughed bitterly.

"Hindi pagmamahal yon, I won't buy that idea anymore. Ilang beses na niyang ginawa yan, ganon nalang ba lagi? Kapag nagkakaroon ako ng kaibigang babae aawayin niya? Sasaktan niya? Ayoko na talaga." Marahan niyang tinapik ang braso nito.

"Hey, chill lang.. Galit ka lang kaya ka ganyan. Magiging okay din kayo.. Mag usap lang kayo ng maayos. Kalma lang."

She heard a deep sighs from him.

"I am calm, I'm sorry Janna but there is no way para mapatawad ko siya, it's not about you alone, para na din sa iba ko pang kaibigan na tuluyan ng lumayo sakin dahil sa kanya." He said firmly. Hindi nalang siya umimik pa.

They ended up sa isang magandang restaurant along macapagal area.

"Mag food trip nalang tayo." Naupo sila sa pinaka magandang spot ng resto, napaka ganda ng ambiance ng lugar, maraming mga hanging plants and lanterns na lalong nakapag dagdag ng coziness dito. Idagdag pa ang preskong hangin na nagmumula sa labas. Everything is refreshing sa mata, may mga billionaires vine along the area at maraming mga puno. Tamang tama sa mga taong gustong mag relax.

Boyfriend Snatcher?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon