Chapter Twenty Eight: With You ..

93 3 1
                                    

AN/ sorry po sa sobrang daming errors sa mga last chapters ko 😭 hirap na hirap kase ako mag revise kase imba laggers ang phone ko.. Haiz..

Ps. Putol yung chap nung una kong i publish so.. Inulit ko uli.. Pls wattpad be nice to me now 😭😂

Btw.. Salamat po sa patuloy na pag babasa ng story ko kahit iilan lang kayo.. Sis Rev :-* Mama jack :-* At sa iba pang readers 😘😍💋

This chap is for you @jusaub a.k.a Aubrey Justine V. (Sorry napaka basic ng pag dededicate ko amf! Cp lang kase 😒😶😫 ) Hehehehe! Mwah!

Enjoy reading ;)

"Talagang pinapanindigan mo na ang pangbabakod sa kaibigan ko ah?"

Napakalapad ng ngiti ni Rev habang pinagmamasdan silang dalawa ni Travis habang kumakain sa cafeteria.

Namumula naman ang mukha ni Janna na nag iwas ng tingin sa kaibigan.

"A-ano ka ba bessie? Para kang sira!"

Aniya, natatawa namang nangalumbaba si Rev at pinag igi pa ang pag mamasid sa dalawa lalo na kay Travis.

"Mahirap na Rev, baka maunahan pa ng iba." -Travis

"Pano ka naman mauunahan eh naka bakod ka na?"

Natatawa pa din si Rev, pero hindi maitago sa anyo nito ang kasiyahan na makitang kinikilig at masaya ang kaibigan.

"Hindi ko talaga to titigilan hanggat hindi ako sinasagot."

Lalong nag init ang mukha ni Janna sa narinig, pansin niya kase ang biglang pagiging vocal ni Travis lately, mas naging pursigido ito sa pang liligaw sa kanya, hatid sundo siya araw araw. Lagi silang sabay mag lunch. Madalas din silang mag date. As in most of her time ay kasama na niya ang binata.

Pero kahit na nakakasanayan na niya ang presensya ni Travis, hindi pa din niya maiwasang kiligin at matuwa sa mga simpleng banat nito sa kanya.

"Eh hanggang kelan mo pa ba papahirapan ang sarili mo bessie? Mukhang seryoso naman tong si abno sayo, ano pang hinihintay mo?"

Hindi siya agad nakapag salita sa sinabi ni Rev. Naka ilang lunok muna siya bago salubungin ng tingin ang kaibigan.

"B-basta.. Pag naayos na ang lahat.. Makakapag antay ka pa ba?"

Muli niyang tinapunan ng tingin ang binata na nakangiti lang sa kanya, enough para mapakalma ang puso niya.

"Oo naman, hindi naman ako nagmamadali, just take your time."

"Thank you."

Masuyo niyang hinaplos ang mukha ng binata. Bagay na nakasanayan na niyang gawin tuwing natutuwa siya rito.

"Eh ano pa bang dapat ayusin bessie? Everything is doing well naman.. Hindi naman sa mapilit ako na magka boyfriend ka na ah, everything seems fine na naman diba?"

Boyfriend Snatcher?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon