Charter Eighteen: Planned..Unplanned.. Unexpected

85 6 1
                                    

AN: As promised eto na po ang next chap :) Enjoy reading!
Warning: Medyo SPG

Pumayag naman agad ang dalawang bruha sa plano ni Law.
Ang totoo ay nag alangan din siya nung umpisa, dahil gusto din naman niyang i consider yung part na baka nga naman sincere talaga si Leona sa paghingi ng tawad. Baka nga naman masyado lang siyang nabubulag ng selos kahit na wala siyang karapatan.

Pero aminado siya sa sarili niya na may gusto siyang patunayan. Pagod na siyang manghula, pagod na siyang mag assume, at higit sa lahat pagod na pagod na siyang masaktan, nakapag pasya na siya.. After this plan, kung ano man ang mangyari ay titigil na siya sa pagmamahal niya kay Travis.

Gaya nga ng napag planuhan, pinauna na nilang pauwiin sina Jomai at Scar, si Eyl na ang nag hatid sa mga bata. Nag join naman si Rev sa table nila.

Mag aalas dos na ng madaling araw, malapit ng matapos ang party, karamihan ng mga bisita ay nagsi uwian na, may mangilan ngilan nalang na nag iinuman.

Dinig na dinig nila ang halakhak ni Leona, halatang lasing na ito. Tahimik lang silang nag iinom. Wine lang ang kay Janna, si Law naman ay beer na ang iniinom pati si Rev.

Konting oras nalang ang hinihintay nila, buti nalang at nag eenjoy si Leona sa pag iinom. Maya maya pa ay nagsi uwian na nga ang mga bisita niya. Tumayo na din silang tatlo, kunwa'y inalalayan ni Janna si Law.

"Bae kaya mo pa bang mag drive?"

Tumango naman ang binata.

"Kuya antayin mo nalang ako dito, sakin ka nalang sumabay ihahatid ko lang si Leona."

Ani Travis, mukhang pauwi na din ang mga ito.

"Wag na tol, kaya ko pang mag drive, sige na mauna na kayo."

"Anong kaya mag drive eh lasing ka na nga, antayin mo nalang ako kina Janna dadaanan kita."

Naka kunot na ang noo ni Travis.

"Oo nga naman bae, sumabay ka na sa kanya lasing ka na kaya."

She made sure that she really sounded like a worried girlfriend.

"Gusto ko kasama ka." Parang batang naglambing si Law.

"Kami nalang ni Janna ang maghahatid sa kanya, I will drive him home nalang." Ani Rev.

"Sige na Travis kami ng bahala sa lasing na to."

She added. Tumango naman ang binata at nagpatiuna na kasama si Leona.

"Sa bahay ka nalang matulog bae." Ani Law.

"Oo na, makulit ka.. Tara na dali."

Parang gusto niyang matawa ng biglang napatingin sa kanila ang dalawa, napatda siya ng mapansin niyang ang sama ng tingin ni Travis sa kanya..

"Ako na ang maghahatid sayo mamaya Janna." Anito na madilim ang anyo. Kulang nalang ay kaladkarin nito si Leona pasakay ng kotse.

Pagka alis ng dalawa ay nagmamadali silang tatlo papunta sa kotse ni Rev ito na din ang nag drive gaya ng plano nila. Binilin nalang nila sa guard ang kotse ni Law.

"Okay na tayo sa plan A, plan B na tayo. Nice job Rev!" Natatawang saad ni Law. Game na game namang nakipag apir ang loka sa binata.

"Ikaw ng bahala sa kaibigan ko ah, uuwi na ko agad pagka hatid ko sa inyo."

At ganon nga ang nangyare, sumibad agad si Rev, baka kase maabutan pa sila ni Travis at mapurnada pa ang plan B nila.

Tahimik lang silang pumasok ng mansion hanggang sa makarating sila sa kwarto ni Law. Sinadya niyang iniwan ang tsinelas sa labas ng kwarto as planned.

Boyfriend Snatcher?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon