Chapter Twenty four: Unwanted

69 2 0
                                    

AN/ Sorry po bigla kong pinutol yung last chap.. Nag la-log kase phone ko while typing the chap.. Haiz... Nakailang restart na ko ganun pa din.. So i decided to cut nalang.. Babawi po ako  promiseEnjoy Reading! ;)

"Please Janna.. Just leave!"

"B-baka kase nagugutom ka.. Sige na Law.. Tikman mo tong ginawa kong cupcakes para sayo."

Her hands are shaking, her voice is starting to break again. Ilang beses na ba siyang pinagtabuyan ni Law simula nung nalaman nito ang totoo? Ilang beses na ba siyang nasigawan? Ilang beses na ba siyang ininsulto? Kung ilang beses, hindi na niya mabilang pa.

It's been a week. Araw araw niyang sinusubukang suyuin si Law. Nagbabakasakali na kakausapin manlang siya ng binata. Araw araw siyang umiiyak at nagmamakaawa na patawarin na siya. Nagmamakaawa na pakinggan ang paliwanag niya. Na hindi pag papanggap ang pinakita niyang pakikipagkaibigan dito. Na lahat ay totoo sa puso niya. Hinding hindi siya sumuko.. Hinding hindi napagod. Tinatanggap nalang niya ang lahat ng masasakit na salita mula sa binata... Mga salita na humihiwa sa buong sistema niya.

"Hindi ako gutom! Just leave me alone!" Asik nito na nakapukaw ng atensyon ng mga estudyante sa canteen.

Hindi na niya napigilan pa ang mga luha na nag uunahang magsipatakan sa kanyang mga mata. Dinig na dinig niya ang mga panlilibak ng mga kapwa estudyante. Pero hindi iyon ang dumudurog sa puso niya ngayon. Kundi ang pagtrato sa kanya ni Law. Na sing lamig na ng yelo.
Si Law na kahulihulihang lalake na magpaparamdam sa kanya na she's unwanted.

"A-aalis ako ngayon Law... Pero hindi ibig sabihin non ay susukuan na kita. H-hinding hindi ko susukuan ang kaibigan ko! Hinding hindi kita susukuan kahit kailan!!"

"Leave." He said coldly without even bothering to look at her.

Marahan niyang inilapag sa table nito ang daladala niyang cupcakes saka nagmamadaling umalis sa canteen.

Binilisan niya ang bawat hakbang palayo. Palayo sa lamig ng pagtrato sa kanya ni Law at sa mga mapanglibak na parinig sa kanya ng mga estudyante.

Hanggang sa makarating siya sa favorite spot niya. Ang bench sa ilalim ng puno na laging saksi sa pag iyak niya araw araw. Doon niya pinakawalan lahat ng sakit at luha na kanina pa niya gustong gustong pakawalan.

"I told you to give him enough time."

Hindi na niya tinapunan ng tingin si Travis. Panay pa din ang iyak niya.

"Hey."

Napatda siya ng bigla nalang siyang yakapin ng binata.

"Tahan na please.. Ilang araw ka ng ganyan." Marahang alo sa kanya ng binata.

"Ki-kinakarma na ata ako Travis, sa lahat ng mga masamang ginawa ko.. Kay Law.. At sa ibang mga binasted ko.. Ganito siguro ang naramdaman nila nung nireject ko sila. Ang sakit sakit pala.. Lalo na kung pinagtatabuyan ka ng taong mahalaga sayo."

"Tahan na.. Hindi mo kasalanan Janna, ako ang nagplano nito.. Ako ang may kasalanan so please. Nahihirapan ako pag nagkakaganyan ka."

Damang dama niya ang paghigpit ng yakap nito sa kanya.

"M-mapapatawad pa kaya niya ako?"  Animo'y batang naghihintay ng pangakuan na bibilhan ng candy o dadalhin sa jollibee.

"Oo.. Pero please tigilan mo muna yung pag eeffort mo na lapitan siya.. Parang sugat lang yan eh... It's still fresh.. And it will never heal if you will just keep on scratching it every day. It takes time to heal."

Boyfriend Snatcher?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon