Chapter Eight: The Contract

104 11 1
                                    

Hindi na pumasok si Janna on the next day dahil madami siyang inasikaso sa ospital, pinalipat niya din sa mas komportableng kwarto si Lola Amelia.

Si Joms naman ang pinag asikaso niya ng mga deliveries and shipping nila for today at ang pag aasikaso kay Tin-tin. Good thing at laging ready sina Eyl at Rev para tumulong sa kanila, nag reready na din kase sila ng mga gamit nila para sa paglilipat nila sa bagong apartment sana na lilipatan nila. But things suddenly change ng voluntary siyang pumayag sa proposal ni Travis. Kasalukuyan silang nasa restaurant na malapit sa hospital for lunch and "Contract Signing" nila.

"Hindi kaya magtaka ang mommy mo kapag bigla nalang kaming lumipat sa Villas? Pano kung hanapan kame ng mga documents?" Hindi pa din mawala ang pag aagam agam sa kanya, this is just too good to be true for her. He just shrugged.

"Bayad na ang ang fifty percent ng unit Janna, all you have to do is to sign this documents, at sayo nakapangalan ang lahat. Wala ng tanong si mommy dun since its all documented na." Napanganga siya sa narinig. Hindi niya akalain na ganito kabilis ang lahat. Ni hindi siya agad makapag salita.

"Diba gusto mo na pagkalabas ng lola mo ay magkaroon siya ng maayos na matitirahan? So anytime now ay pwede na kayong lumipat sa unit nyo, here are the documents that you need to sign." Halos manginig ang mga kamay niya ng pinasadahan nya ng tingin ang dokumento. Parang pakiramdam niya ngayon ay nananaginip lang siya. She froze ng mabasa niya ang description. One hundred twenty sqm floor area and fully furnished unit.

"T-Travis.. Hindi ba sobra sobra naman ito? I-I mean yung pinaka maliit lang sana ang kukunin namin at kahit hindi fully furnished okay na sa amin."

Lihim siyang nag kwenta sa isip niya, sabihin mang bayad na ang 50% nito, parang gusto niyang malula sa remaining na babayaran nila dahil sa laki ng floor area nito at may mga gamit na. Well para sa mahirap na kagaya niya napaka laking property na yon for her.

"Diba ang sabi ko once na maging successful ang mission mo i fu fully paid ko ang bahay? So stop thinking too much and let's talk about OUR contract.

Ilang beses siyang napalunok bago marahang tumango. May isang papel itong inabot sa kanya.

"I want you to memorize all that have written to this contract Janna, every single details." He said firmly. Inumpisahan na niyang basahin.

Naloka siya sa mga rules na nabasa niya.

" I, Maricah Janna M. Laurent is obliged to steal Lawliet Diesels to his girlfriend  at any cost. I only have three months to do the job or else, I have no choice but to pay the whole contract price of the house and lot in New Villas." Nanlaki ang mga mata niya sa nabasa.

"Hey!  Parang ang unfair naman ng part na to, diba usapan naten kapag pumayag ako bayad na ang 50%? Bakit may gantong factor pa?" Nagkibit balikat lang ito, he crossed his arm and looked a her sternly.

"Nilagay ko talaga yan for you to oblige yourself na gawin ng maayos ang trabaho mo, you have to be serious on this Janna."

"But I am serious, sana wala nalang ganito sa contact." Napasimangot siya.

"Hey relax, I know kaya mo yan.. Don't worry about that part." Napangiwi siya sa sinabi nito.

"Eh parang temporary lang pala ang pagpapatira mo samin don sa bahay." Naiinis na siya.

"Look Janna, nagsisigurado din naman ako dito, and ayan na nga mga documents diba? Nasa pangalan mo na so stop complaining and just read the contract!" Padaskol niyang pinasadahan muli ang kontrata.
This contract is highly confidential, this deal must remain secret for both party. Pag may nakaalam na ibang tao, the contract will be automatically be forfeited. Napataas ang kilay niya dito.

Boyfriend Snatcher?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon