2: Forbes

7.3K 180 0
                                    

"Ayos na ba 'tong suot ko?" Tanong ko kay Aloha.


"Susmaryosep ka, Tharia. Kahit ano naman ang isuot mo e. Yaya lang naman ang aaplayan mo ipapaalala ko lang sa 'yo!" Umirap si Aloha.


"Kahit yaya lang, dapat maayos pa rin 'no!" Sipat ko naman.


"Okay na 'yan. Let's go to Forbes!" Sigaw ni Aloha.


Ang bruhang ito, mas excited pa kaysa sa akin.


Nag jeep na kami papuntang Forbes. Muntik ko pa ngang makalimutan ang ID ko e. Kailangan daw iyon sabi ni Aloha. Baka mamaya hindi kami papasukin sa Forbes nito.


"Here we are! Forbes for to go!" Sigaw ni Aloha nang nasa tapat na kami ng gate.


"Hoy, gaga! Ang ingay ingay mo! Baka mamaya paalisin pa tayo dito dahil sa public disturbance!" Hinampas ko ang braso niya.


"Ito naman!" Bunggo niya rin sa akin.


"Para kang tanga diyan e!" Irap ko sa kanya. Tumingin ako sa gate at nakitang may papalapit ang security guard sa amin.


"Ayan, tignan mo! Baka mamaya hampasin tayo ng batuta niyan!" Kinurot ko siya sa balakang.


"Hindi 'yan, maganda tayo 'no!" Sabi ni Aloha at tumawa. Hindi ko na lang siya pinansin dahil nasa harap na namin si kuya secu.


"Ah, Ma'am, pasensiya na po, may problema po ba?" Tanong nung security dahil siguro doon sa pag sigaw ni Aloha kanina. Pahamak 'tong babae na 'to.


"Ah, wala naman po Kuya Secu. Naexcite lang po itong kaibigan ko dahil ngayon lang nakalabas sa preso." Palusot ko kay kuya.


"Hala, Ma'am! Nakakulong siya dati?" Turo ni Kuya kay Aloha. "Hindi po halata, may itsura siya." Bakas ang pagtataka sa mukha niya.


Natawa ako sa sinabi ni kuya. "Naku, hindi po. Biro lang iyon."


Tumawa rin siya sabay kamot sa ulo. "Kayo talaga, Ma'am. Ano nga ho pa lang sadya n'yo rito?" Tanong niya.


"Ah! Mag aaply po sanang yaya, Kuya." Ngumiti ako sa kanya. Si Aloha naman ay nananahimik lang sa tabi ko. Nainis siguro sa akin kanina. Napailing na lang ako.


"Yaya? Seryoso kayo? Ang babata at ang gaganda nyo, ah?" Gulat na tanong ni Kuya.


"Ako lang naman ho, Kuya." sabi ko.


"E, ito hong si Ma'am?" Nginusuan niya si Aloha.


"Ah, hindi po. May trabaho na ho 'yan." Tumingin ako kay Aloha at bahagya pang natawa. Tumingin din siya sa akin at inirapan ako.


"Kanina ho, Ma'am, sumisigaw kayo. Ngayon naman ayaw n'yong magsalita." Napakamot ulit si kuya.


"Naku, Kuya Secu, may saltik ho iyan!" Pang aasar ko pa.


"Tumahimik ka nga!" Sa wakas ay nagsalita na si Aloha.


"Sige na nga ho, Ma'am, pasok na kayo."


"Salamat po!" Maligayang kong sambit.


"Salamat, Kuya." bati naman ni Aloha na parang natalo sa pustahan.


"Ah, Ma'am! Mga ID niyo nga ho pala," Pigil sa amin ni kuya.


"Naku, Kuya, ha! Nagandahan ka ho ata masyado sa amin kaya nakalimutan mo 'yung mga ID namin." Natawa ako.


"Pasensiya na ho, nalibang e." Nagkibit balikat si kuya.


Ibinigay na namin kay kuya ang ID namin at pumasok na sa loob.


Manghang-mangha kami ni Aloha sa mga nag gagandahan at naglalakihang mga bahay dito. Talagang mayayaman lang ang mga nakatira dito. Natatanaw din namin ang mga mamahalin nilang kotse. Ano kaya ang pakiramdam na sumakay sa mga ganoon? Bus, tricycle at jeep lang kasi ang mga nasasakyan ko e. Gusto ko naman sanang sumakay sa mga sasakyang hindi ako mag aamoy usok o ano.


"Saan ba ang bahay na aaplyan ko?" Tanong ko kay Aloha na namamangha pa rin sa paligid.


"Ah, sa mansiyon ng mga Frenielle." Sambit ni Aloha nang hindi ako tinatapunan ng tingin.


"Kinakabahan ako." Biglang kong sambit.


Napalingon sa akin si Aloha.


"Ha? Bakit naman? Ang laki ng sahod mo doon 'no!" Tinapik ni Aloha ang balikat ko.


"Hindi pa nga ako natatanggap, sweldo agad? Bakit 'di mo na lang kasi ako samahan? Parehas tayong magtrabaho ro'n!" Pangungumbinsi ko sa kanya.


"Hindi ba sinabi ko naman sa iyo? Na ayos na ako bilang waitress at escort sa bar? Iyong sweldo mo na 30 thousand kada 15 at 30 ng buwan, pwede ko iyong makuha sa tatlong customer lang!" Bahagyang tumawa si Aloha. Ako naman ay bumuntong hininga lang. Hindi ko naman kasi kaya ang gaanong trabaho. Ayaw ni mama sa ganoon. Malilintikan ako doon 'pag ganoong trabaho ang pinasok ko. Okay ako sa pagiging waitress pero 10k lang ata ang sweldo noon kaya okay na akong sa pagiging yaya na lang. Saka palagay ko'y hindi naman ganoon kabigat ang magiging trabaho ko dahil sa mayaman ako mag tatrabaho. Malilinis naman ang mga iyon. Baka puro pagluluto at pag aalaga lang din ng hayop ang gawin ko kung meron man, saka konting linis.


"Hoy, babaita! Lutang ka? Ito na tayo, oh!" Sigaw ni Aloha sa akin. Nakahinto na pala siya sa malaking gate habang ako'y patuloy pa rin sa paglalakad.


"Ito na pala." Bulong ko sa sarili ko at tumabi kay Aloha.


"Welcome to Frenielle Mansion!" Sigaw ni Aloha at tinaas pa ang kamay niya. As if wini-welcome ako sa sariling niyang bahay.

His MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon