8: Andrew

5.6K 181 8
                                    

Ang sabi ko kay Ma'am Amina ay pupunta muna akong kwarto para ayusin ang mga damit ko. Paniguradong nakakakalat pa ang mga iyon doon kasama ng maleta ko pero laking gulat ko nang makitang nakaayos na ang mga iyon sa dati. O mas maayos pa ngayon? Siguro ay si Nay Delya ang nag ayos noon. Itatanong ko na lang sa kan'ya mamaya at magpapasalamat. Naligo na lang ako at inayos ang sarili. hindi pa rin ako nagsuot ng uniform. Nakasuot lang ulit ako ng maong shorts at white t-shirt.


"How's your flight?" Rinig kong tanong ni Ma'am Amina sa lalaking kaharap niya sa hapag paglabas ko.


Pumunta ako sa dining table at nakitang kumakain na sila roon. Nakatalikod sa akin yung lalaki pero nasisiguro kong iyon si Sir Andrew.


"Oh, hey Tharia, you're here!" Dahil sa sinabi ni Ma'am ay napalingon sa akin si Sir Andrew.


Nagtama agad ang mata namin. At ang gwapo niya! His brows were thick too. Halos hawig sila ni Sir Trevor pero mas soft naman ang features niya. Halos magkasing laki lang din sila ng katawan pero mas well build yung kay Sir Trevor. Mas magaan din ang aura ni Sir Andrew kaysa sa kapatid.


"Come here, I'll introduce you to Andrew..." aya ni Ma'am Amina sa akin.


Nahihiya akong lumapit sa tabi ni Ma'am Amina at tumingin kay Rir Andrew. Nakangiti siya sa akin.


"The rumors are true..." sambit niya.


Tumawa si Ma'am Amina.


Rumors?


"Good afternoon po." Bati ko sa kan'ya at bahagya pang yumuko.


"Same here. I'm Andrew." Saka siya muling ngumiti sa akin at sinuklian ko naman iyon.


"Maganda ka nga, parang hindi yaya. I will obviously accused you of being a Frenielle." Tumawa siya.


"I told you, Andrew." Pag sang-ayon naman ni Ma'am Amina.


"Have a seat," tinapik ni Sir Andrew ang upuan sa tabi niya. He's very friendly.


"Naku, hindi na po. Mamaya na lang po ako kakain." Pagtanggi ko dahil nahihiya. Hindi dapat ako nakikisabay sa kanila.


"No! It's okay!" All smiles si Ma'am Amina.


Hindi na muli ako nakatanggi at naupo na lang.


Napailing si Sir Andrew. "You're very fond of her, Mom."


Tumawa naman si Ma'am Amina. Hindi naitanggi ang akusasyon ng anak. "You know I've always wished to have a daughter."


Tumawa na lang si Sir Andrew at napailing. "Eat, Tharia," Sabay tulak sa akin ni Sir Andrew ng kanin. Napansin niya kasing hindi ako gumagalaw doon.


Tumango lang ako at nagsandok na.


Tahimik akong kumakain ng pagkain nang magsalita si Ma'am Amina.


"You can have your day off tomorrow, iha. Tutal sweldo mo bukas."


15 na pala bukas? Ang bilis ah?


"Hindi na po siguro. Hindi ko naman po kailangan ng break dahil hindi naman po ako masyadong napapagod sa trabaho dito." Pag amin ko.


Umiling siya. "No. Don't you want to spend some time with your Mom?" Tanong niya.


Napaisip ako roon at tumango na lang. Oo nga pala.


"Sige po,"


Pagkatapos naming kumain ay naghugas na ako ng pinggan. Hindi ko pa nakikita si Nay Delya.


His MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon