29: 'Worried'

5.1K 135 0
                                    

Tharia's


Sumilip ako sa bintana at nakita si Trevor na nakapolo pa. Malamang ay dumaretso siya dito.


Nasa labas din si ma'am Amina, si kuya Ogi at nando'n din si Andrew.


"Sasamahan kita." Sabi ni Chad nang bubuksan ko na sana ang pinto


Napalingon ako dahil sa sinabi niya. "Sigurado ka?" Tanong ko. Malamang susugudin siya ni Trevor.


Tumango siya. "I'll face them. Magsosorry ako."


Napabuntong hininga nalang ako at tumango.


Pagbukas palang namin ng gate ay lumakad na ng mabilis si Trevor papunta sa amin.


Hinila niya 'ko at sinuntok si Chad.


"You son of a bitch, you even have the fucking guts to drove her here?!" Galit na usal ni Trevor. He's really mad. You can see it on his eyes.


Teka? Alam niya?


Napaupo si Chad at dumugo ang labi. Pinunasan niya iyon at tumingin kay Trevor.


Dinaluhan na din kami nila ma'am Amina at Andrew.


"Trevor, calm down... " Si ma'am Amina na pinapahinahon ang anak.


"You're fucking insane! A piece of shit! A fucking trash!" Galit na galit si Trevor.


Hinawakan ko ang braso niya at umiling. Tinignan niya naman ako at lumambot ang ekspresyon ng mukha niya.


Hinawakan niya ang kamay ko at niyakap ng mahigpit.


"I'm sorry..." Sambit niya.


Pumasok na kami sa loob at si ma'am Amina na at Andrew ang kumausap kay Chad.


Pinaupo ako ni Trevor sa couch at binigyan ng tubig. Ininom ko iyon at inubos.


Lumuhod si Trevor sa harap ko at tinignan ako. Ako nama'y nakayuko lang.


"Are you okay?" Tanong niya.


Tumango lang ako.


"You sure?" Tanong niya ulit at tumango lang din ako.


"I'll kill him. I will crash him in the most brutal way possible." bulong niya.


Tinignan ko siya hinawakan ang mukha. "Kumalma ka please... "


Nasasabi niya lang iyon dahil galit siya.


"Kakasuhan natin 'yong gago na 'yon,"


Umiling ako. "'Wag na... "


"No way... He deserve it."


"Kaibigan mo–"


"I don't fucking care who is he, ipapakulong ko siya."


"Huwag na nating palakihin, w-wala naman siyang ginawa sa akin."


Pinaningkitan niya 'ko ng mata at tinignan ang damit na suot ko.


Nag iwas ako ng tingin dahil malamang alam niya kung kanino ito.


"Wala ba talaga?" Tanong niya.


Ayokong magsinungaling pero tumango pa din ako.


His MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon