23: Text

5.5K 153 19
                                    


Pagpasok ko sa kwarto ay agad akong napasabunot sa sarili ko.


Parang sasabog ang puso ko at kakawala sa loob ng dibdib ko.


Hindi niya pinagsisihan? So he really mean it? Hinalikan niya talaga ako on his own will? Argh!


Dumaretso na lang ako sa banyo sa loob ng kwarto ko at agad binuksan ang shower. Hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang labi niya sa labi ko.


Para na 'kong mababaliw dito! Bumibilis ang tibok ng puso ko sa tuwing naaalala ang mga mata ni Sir Trevor na nakatitig sa akin.


Normal pa ba 'to?


Tinuloy ko lang ang paliligo at nagbihis. Umupo ako sa harap ng salamin at sinuklay ang buhok. Napahinto ako nang maalala na naman ang nangyari kanina!


Padabog akong humiga sa kama ko. Pilit mang patulugin ang sarili, hindi ko magawa! That scene just kept flashing in my mind.


"Matulog ka na, Tharia!" Saway ko sa sarili.


Hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog pero alas siyete ako ng umaga nagising.


Bumaba ako at nakita si Ma'am Amina na nag kakape.


"Uh... sana po ginising n'yo ko," napakamot ako sa ulo.


Umiling siya."I know you were tired. Saka diba sabi mo, pinuntahan mo pa 'yung kaibigan mo?"


Oo nga pala at ang tinext ko sa kan'ya kagabi ay makikipagkita ako sa kaibigan ko, na totoo naman.


"I also heard na sabay kayong umuwi ni Trevor kagabi?"


Bahagya akong nagulat sa sinabi niya.


"O-opo, nagkita po kami sa bar." Nag iwas ako ng tingin.


"Oh... really." ngumisi siya.


Tumango lang ako at pumunta na sa kusina. Tinawag pa nga ako ni Ma'am Amina para ipakuha 'yung cellphone niya sa taas.


Hindi ko alam kung bakit tumatambol ang puso ko. Baka kasi makita ko si Sir Trevor. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung sakali.


Dahan dahan ang paghakbang ko hanggang sa makarating sa kwarto ni Ma'am Amina at laking pasasalamat ko na wala akong Trevor na nakita.


Nabunutan ako ng tinik sa dibdib nang tuluyang makababa. "Ito na po," sabay abot ko kay Ma'am Amina ng phone.


"Thank you. Uh, Tharia, maghain ka na tuloy. I want to eat some veggies. Mag steam ka ng broccoli."


Tumango ako. "Okay po,"


Pumunta na 'ko sa kusina at naghanda ng pagkain.


Naghain na rin ako para sa dalawang tao para kung sakaling kakain din si Sir Trevor.


Kumunot ang noo ni Ma'am Amina nang makitang dalawa ang binaba kong pinggan. "Bakit dalawang pinggan, Tharia? Sasabay ka ba sa akin?" Tanong niya.


Kumunot din ang noo ko. "Bakit po? Hindi po ba kakain si Sir Trevor?"


Nagsalubong ang kilay niya. "Huh? He's not here." 


Napahinto ako at bahagyang nanlaki ang mata. "N-nasa'n po?"


Ma'am Amina chuckled. "Iha, you forgot ata na si Trevor na ang CEO, so he's really busy. Nasa Manila na siya, sa company namin. Besides, mahaba na rin ang bakasyon niya dito. Ilang months ba siya dito? Almost two months ata. I told you na halos sabay lang kayong napunta dito sa bahay right?" Tinaasan niya 'ko ng kilay.


His MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon