6: Lock

5.8K 158 0
                                    

Hindi ko alam pero mabuti at maganda ang gising ko ngayong umaga. Pag dilat ng mga mata ko, yung nangyari agad kahapon yung naisip ko.


Bumangon ako at hindi pa rin nag suot ng uniform. Saka ko na lang muna 'to isusuot. Talagang komportable lang ako sa shorts at T-shirt.


Pagbaba ko ay nakita ko agad na nagluluto na si Nanay Delya.


"Aga niyo, Nay, ah? Alas singko pa lang?" Bati ko.

"Ah, oo. Maaga akong natulog kagabi e." Sagot niya sa akin habang hinihiwa yung sibuyas.


"Ano po bang 'ulam of the day'?" Sabay tawa ko.


"Sweet and sour pork. Ito kasi ang gustong ipaluto ni Amina sa akin e."


"Favourite niya po?" Tanong ko sabay lapit.


"Hindi, nung anak niya." Sagot niya sabay halo sa niluluto.


Tumango na lang ako at hindi na nagsalita pa.


Pumunta na ako sa lamesa at nagsimula nang maghain.


"Si Amina lang ang kakain," pigil ni Nay Delya nang makitang dalawa ang kinukuha kong pinggan.


"Ah, okay po." Sabay alis ko ng isa pang pinggan sa table.


Binalik ko ang pinggan sa plate stand. Babalik na sana ko pero may sinabi pa si Nanay Delya na ikinatigil ko.


"Si Trevor, badtrip na naman kahapon! Tinanong ko kung may problema sa kompanya nila, wala naman daw. Hindi ko talaga mabasa ang isip ng batang iyon!"


"Lagi naman po ata siyang badtrip e," iyon lang ang nasagot ko dahil palagay ko'y kaya siya gano'n ay dahil doon sa polo shirt niya.


Nanay Delya sighed. "Ewan ko ba sa bata na iyon. Laging nakabusangot! Pinaglihi ata sa sama ng loob!" Sabi ni Nay Delya na ikinatawa ko.


"Pero nakita ko kahapon yung polo niya, sira sira! Ayon nakakalat lang sa kwarto niya. Kaya siguro medyo badtrip nga. Tinanong ko siya kung napano iyon, ang sabi... nakawit daw sa bakal pero mukhang hindi naman." Natigil ako sa pagtawa nang marinig iyon.


"B-baka nga po nakawit lang. Saka polo lang naman po iyon ah? Kaya niyang palitan," nagkibit ako ng balikat.


"Naku naku, kahit bumili pa siya ng sampu, hinding hindi matutumbasan non ang sentimental value na meron ang polo na 'yon!" Sabi ni Nay Delya na pinagtaka ko naman.


"Anong po bang meron sa polo na iyon?" Kuryoso kong tanong.


Nagtuyo si Nay Delya ng kamay niya saka nagsimulang magkwento. "Bigay kasi iyon ng girlfriend niya, bali ex na pala. Nakipaghiwalay na iyon sa kanya e, pero ayaw niyang pakawalan. No'ng araw na nag usap sila para sa closure, ayon! Namatay si Ma'am Portia pagkatapos. Car accident!" Pagkekwento ni Nay Delya.


Napaawang ang labi ko at napatango. Kaya rin siguro may pagkabitter ang ugali no'n ay dahil sa pagkamatay nung Portia na sinasabi ni Nay Delya.


"Kawawa po siguro si Sir Trevor no'n 'no?"


"Aba oo! Sinabi mo pa! Ilang buwang nagluluksa. Si Ma'am Portia lang kasi ang minahal niyang babae e,"


Tumango na lang ako kay Nay Delya at bumalik sa ginagawa. Ang tragic naman ng story nila.


Pagkatapoas ng breakfast ay naghugas na "ko at naglinis sa kusina. Pagkatapos no'n ay inubos ko lang ang oras ko sa garden pagkatapos ay nag grocery ako.


Isang oras din ang paggogrocery ko saka umuwi.


Tinulungan ako ni kuya Ogi sa pagpapasok ng groceries sa loob at naabutan si Nay Delya na nag aayos ng snacks.


"Oh, Tharia, nandiyan ka na pala. Ikaw na lang magdala nito sa Theater room at ako na ang mag aayos niyan." Utos niya at sumang -ayon naman ako. Hindi ko pa rin naman alam kung pa'no ayusin ang mga gamit dito sa bahay.


Kinuha ko na ang tray na may lamang isang bote ng wine, dalawang wine glass at isang bowl ng nachos.


"Nay, sino po ba ang nando'n sa Theater room?" Tanong ko.


"Sila Sir Trevor mo. Nagulat nga ako at may kasama siyang babae e."


Bahagyang akong nagulat sa sinabi niya. May babaeng kasama?


"Sige na, dalhin mo na doon 'yan, kanina pa sila naghihintay!" Panunulak niya sa akin.


Wala na akong nagawa at nagsimula na lang maglakad papuntang second floor ng bahay.


Okay, Tharia, you can do this.

"Next time you do any stupid things again, I will kick you out of this house."


"Argh!" I groaned when I remembered his words.


Ano ba 'yan! Nakakainis! lalo akong kinakabahan sa mga salita at banta niya. Basta't hanggat wala akong ginagawang kahit anong 'katangahan'... Okay kami ni Sir Trevor.


Huminga ako nang malalim nang nasa harap na ako ng theater room. Inilagay ko muna sa isang kamay ko ang tray bago buksan ang pinto.


Akala ko'y si Sir Trevor at ang babaeng kasama niya raw ay maaabutan kong nakaupo at nanonood ng palabas pero pagbukas ko ng pinto ay bumungad agad sa akin ang walang damit pang itaas na si Sir Trevor na nakaupo sa theater chair at may kahalikang babae.


Nakakandong ito sa kanya paharap at pilit na tinatanggal ang sinturon ni Sir Trevor kahit hindi niya kaya dahil nakapikit silang pareho at sarap na sarap sa labi ng isa't isa. Ang kamay naman ni Trevor ay nasa hita ng babae at hinihimas ito at tinataas ang kanyang pulang dress habang ang isang kamay naman niya ay nasa beywang ng babae bilang suporta. Para silang magkasintahan na nagkakaroon ng matikabong eksena sa isang palabas.


Rinig na rinig ko ang mga pagdaing nila at tunog ng halikan!


Hindi ko na nakayaan ang nakita ko kaya nabitawan ko ang tray at nabasag ang baso at bote roon.


Sabay silang napalingon sa akin dahil sa narinig na ingay.


Agad na bahagyang itinulak ni Sir Trevor iyong babae at gulat na may halong inis na tingin ang iginawad niya sa akin.


Nang tumayo si Trevor at lumakad papalapit sa akin ay doon na talaga ako kinabahan.


Nang papalapit na siya sa akin ay agad akong lumabas ng pinto at tumakbo pababa.


Ano nang gagawin ko ngayon?!


Oh, please my innocent eyes and ears! How to unsee and unhear!


Ang problema ko ngayon ay kung paano ko haharapin ni Sir Trevor na ngayo'y paniguradong galit na galit! Naririnig ko na ang yapak niya mula rito sa sala!


Ano ang sasabihin niya sa akin? Bastos? Mapanghimasok? Panira? Wala na 'kong ibang naririnig kun'di ang pagtibok ang puso ko!

His MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon