7:Slap

5.8K 155 0
                                    

"Didn't I told you not to do stupid things again?!" Bungad niya sa akin.


"H-hindi ko naman po sinasadyang makita iyon," nakayuko kong sabi.


"Did your mother not teach you a good manner? Knock first before you fucking enter!" Sigaw niya sa akin. Napapapikit naman ako.


Pinagdadasal kong marinig kami ni Nay Delya pero wala ata siya dito. Si Ma'am Amina naman ay malamang nasa office niya o nasa company.


"I-Im sorry," nanginginig kong sambit.


"Pack your things or I will do it myself." He said seriously.


Napaangat ako ng tingin dahil sa sinabi niya.


"Teka lang naman po, hindi ko naman po sinasadyang makita 'yon, e kung may gagawin po pala kayong malisya, edi sana nag lock kayo ng pinto!" Balik ko sa kan'ya.


He scoffed. "So it's my fault now? Okay then," Saka siya naglakad at papunta iyon sa kwarto ko! Nasa baba lang kasi ang maid's quarter.


"Sir Trevor!" Tawag ko sa kanya at sumunod.


"Wait lang naman po!" Sigaw ko ulit.


Pumasok na siya sa kwarto ko at agad na hinila ang maleta ko at naglakad papalapit sa closet. Kinuha niya ang mga damit ko doon at padabog na inilagay sa maleta ko. Talaga pa lang siya ang mag-iimpake para sa akin!


"Sir!" I called.


Humarap naman siya sa akin na may galit ang mga mata. "Don't let me see your face ever again or I will punish you," usal niya habang nilalagay pa rin ang mga damit ko. Alam kong hindi ko siya mapipigilan kaya hinila ko na lang ang braso niya paharap ulit sa akin.


"Wala kayong karapatang paalisin ako rito dahil hindi rin kayo ang naghire sa akin!" Sigaw ko sa kan'ya. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob na sabihin 'yon. Basta, hindi ko kayang mawalan ng trabaho. Wala pa 'kong nabibigay kay Mama.


Tumaas ang kilay niya dahil sa sinabi ko.


"Walang karapatan, huh?" He mocked me. "Baka nakakalimutan mong anak ako ng amo mo, or should I say amo mo rin ako kaya papaalisin kita kahit kailan ko—"


Naputol ang sinabi niya dahil sa isang malakas na sampal na dumapo sa mukha niya.


"Who told you to treat her like that?" Masungit na tanong ni Ma'am Amina.


Maging ako ay napahinto at nagulat. Hindi ako makapaniwalang kaya niyang sampalin ang anak niya nang ganoon.


"Hinding hindi mo na ulit magagawa ang dati mong ginagawa, Trevor, don't you dare!" Tinuro pa niya si Trevor na hindi pa rin makaget over sa sampal ng kanyang ina.


"Kung kaya mong gawin sa iba ang mga ginagawa mo, well not in Tharia. I won't let you do that. Ako lang ang makakapagsabi kung kailan siya aalis, understood?!" Masungit na tanong ni Ma'am Amina na ikinatango naman ni Trevor. Mukhang natakot siya rito. Kahit ako rin naman e, dahil hindi ko inexpect na magagalit siya nang ganoon.


"Let's go, Tharia..." saka ako hinila ni Ma'am Amina palabas.


Hawak niya pa rin ang kamay ko nang pataas na kami. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero nagulat ako at iginaya niya ako sa kwarto niya at pinaupo sa upuan kaharap ng salamin. Kinuha niya ang suklay at sinuklay ang buhok ko.


She looked at me. "I'm sorry for the attitude of Trevor..." she sighed. "Ewan ko ba sa batang iyon, but ever since Portia died.. naging ganoon siya. Pagpasensiyahan mo na..." pang hihingi niya sa akin ng tawad.


Ngumiti ako. "Okay lang po, medyo may misunderstanding lang po talaga. Saka kasalanan ko rin naman po e," pagdepensa ko.


"I heard Trevor shouting kaya pumasok kaagad ako sa loob then natanaw ko kayo sa kwarto mo. Nang nakita kong may maleta at galit siya, nag init talaga ang mga mata ko at nasampal siya." pagpapaliwanag niya.


Ngumiwi ako. "Hindi nyo naman po kailangang gawin iyon..."


"I need to, para marealize niya na hindi niya pwedeng gawin ang lahat ng gusto niya. I never stopped him from firing our maids, at hindi niya rin naman ako pinipigilang mag hire ulit, pero kung ikaw ang papaalisin niya, no... I'll never let him..."


Ngumiti lang ako sa kan'ya habang sinusuklay pa rin niya ang buhok ko. Para akong inaantok sa gaan ng kamay niya.


She sighed. "You know... I always wish to have a beautiful daughter like you, puro kasi lalaki ang mga anak ko. Your parents are lucky to have you..." puri niya


"Parent lang po..." pagtatama ko.


"Why? Wala kang?"


"Tatay po..."


I saw her mouth form to 'o'


"Is he dead?" Maingat niyang tanong.


"How I wish... " Napailing ako. "Sumakabilang bahay lang po." Saka ako tumawa.


"Oh..." Iyon lang nasabi ni Ma'am.


"Kaya nga po ako nagtatrabaho para po sa mama ko. Actually ayaw pa nga po niyang mag paiwan kay Papa dahil hindi raw po kami mabubuhay, e kahit naman po kasama namin siya ay hindi pa rin naman kami nakakaraos. Minsan 'pag nagkaka-pera siya, pinambibili niya lang ng sigarilyo o kaya binibigay sa babae..." pagkekwento ko.


"Your dad is such a bastard.."


"Opo," I agreed.


"Pero, bakit maid? Madaming tatanggap sa'yo riyan dahil maganda ka... saka matalino rin?"


"Undergrad po... saka ayos din po ang sahod dito."


"Sabagay, saka I really really want you here," sambit niya na tumawa namin.


Sumagi ulit sa isip ko ang sinabi niya kanina.


"Puro mga lalaki po ang mga anak nyo? Kala ko po only child si Sir Trevor?" Tanong ko.


"No, meron akong bunso, si Andrew. Actually, he's on his way here. I'll introduce you to him later." Sambit niya na ikinaexcite ko.


"How is he like po ba?" Kuryoso kong tanong.


"Well... he's definitely better than Trevor. Mas matanda lang si Trevor ng 2 years, 21 pa lang si Andrew e,"


"Oh wow, kasing edad ko po!"


"Yeah,"


Kumunot ang noo ko. "Bakit wala po siya doon sa frame sa office nyo?" Tanong ko.


"He hates camera..." tumawa siya.


Wala na kaming naging usap matapos no'n at tahimik na lang na tinutuloy ni Ma'am Amina ang pagsusuklay niya sa akin.


"Ayan, okay na." sambit niya at tumigil sa pagsusuklay ng buhok ko.


Nginitian ko lang siya at sinuri ko ang itsura ko.


"Salamat po," sabi ko.


"Okay lang. I like your hair."


Magsasalita pa sana ako nang may marinig.


"Amina, andiyan na si Andrew..." Napatingin kami kay Nay Delya matapos niyang buksan ang pinto.


Siguro sinundo niya yung Andrew kanina kaya wala siya rito.


Tumango si Ma'am. "Sige, bababa na kami," sabi ni Ma'am Amina. "Let's go, Tharia." Saka niya ulit hinawakan ang kamay ko.


Nagpatianod naman ako at nagsimulang isipin ang itsura ng anak niya. I hope he really is better than Trevor.

His MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon