27: Kidnapped

5.4K 135 8
                                    

Unti unti kong dinilat ang mga mata ko sa isang malaking kwarto.


Nakadagan ang braso ni Trevor sa akin at nakadantay naman ng hita niya sa hita ko.


Nakatagilid siya at yakap ako kaya mas kita ko ang mukha niya at mas nadedepina ang mga features dito.


Napakatangos ng ilong niya at talagang makapal ang kilay. Maganda rin ang labi niya, mukha ngang mas maganda pa sa akin e. Walang dudang kaya ang galing niyang humalik. He's a good damn kisser. No wonder maraming babae ang nahuhulog sa kan'ya. At isa na 'ko roon. Ang kaibahan lang, ako ang gusto niya.


I giggled at that thought.


Hinawakan ko ang panga niya papuntang labi. Ang sabi ni Ma'am Amina ay talagang maalaga sa katawan si Trevor. Naglalagay pa raw ito ng vaseline sa labi kaya mapupula ito at parang pang babae.


Inalis ko ang braso ni Trevor sa akin at umalis sa kumot. Naka underwear lang ako at nasa side table ang mga damit. Nakatiklop pa.


Pagbangon ko sa kama ay agad kong naramdaman ang hapdi sa ibaba ko.


Naalala ko ang nangyari sa amin ni Trevor kagabi at kapag bumabalik sa akin kung paano ko siya tawagin ay napapailing na lang ako dahil hindi ko na nakilala ang sariling kong boses.


Nagsuot ako ng damit at bumaba. Mag gagawa ako ng breakfast namin.


Pababa ako ng hagdan at ukopado pa rin ang isip. I can't believe we did something. Kakauwi lang niya tapos may nangyari na agad. Ano ba naman 'yan. Ako itong nagsabing baka katawan lang ang habol niya pero bumigay pa rin ako.


Ako rin e, ginusto ko rin.


Babatukan ako ni Aloha 'pag nalaman 'to.


Dumiretso ako sa kusina at naghanda na ng kakainin.


Naglabas ako ng spam at itlog. Ininit ko na ang pan at nagsimulang maghiwa ng spam.


Kasalukuyan akong nagpiprito ng itlog nang may marinig na kalabog mula sa taas.


Kumunot ang noo ko sa narinig.


"Gising na ba 'yon?" Bulong kong tanong sa sarili.


Nakita kong nagmamadali si Trevor na bumaba ng hagdan at hindi man lang nakapag suot ng damit. Tanging boxers shorts lang ang suot niya.


Huminto siya sa pagmamadali nang makita akong nagluluto at nakatingin sa kan'ya. "Okay, what the fuck." Napakamot siya ulo niya.


Kumunot ang noo ko dahil ayan na naman siya sa mga weird niyang kilos.


"Anong nangyari sa'yo?" Tanong ko. Medyo natatawa.


"I thought... you left." Sabay iwas niya ng tingin.


"Bakit naman ako aalis?"


"Well... I'm worried that you're still thinking that I only want sex and... we did. Baka mas isipin mo na iyon nga lang talaga ang habol ko." He pursed his lips.


Umiling ako. "Hindi, nagluluto lang ako ng breakfast." saka ulit ako tumalikod at hinarap ang niluluto.


Napabigwas ako nang bigla na lang akong niyakap ni Trevor mula sa likod.


"I love you," sabay halik niya sa likod ng tenga ko.


Hindi ako sumagot at nanahimik lang. Napansin niya siguro iyon.


His MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon