22: Kiss

5.8K 200 54
                                    

This chapter is dedicated to cassnie24 thank u sa mga votes, sobrang all out! Labschu<3



Dirediretso lang ang lakad niya papunta sa akin. Wala rin siyang pakielam sa mga tumatawag sa kan'ya at nakadapo lang ang nagliliyab niyang mata sa akin.


Tumayo siya saglit sa harap ko at inubos ang lamang alak ng baso niya bago padabog na nilagay sa lamesa sa harap ko.


Umupo na siya sa tabi ko at dumi-kwatro. Inilagay niya rin ang dalawa niyang kamay sa hiligan ng couch. Like telling it is his territory.


Umayos naman ako ng upo dahil hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Buti na lang at hanggang tuhod ang dress ko kaya hindi masyadong nakakailang at nakakagalaw ako nang maayos.


"Why are you here?" Pagbasag ni Trevor sa katahimikan. Alam kong nakatingin siya sa akin kaya sa dancefloor lang ang mata ko. Natatakot akong tumingin sa kan'ya.


"M-may kakausapin akong kaibigan..." Nakakainis, nauutal ako. Bakit ba 'ko takot na takot?


Siguro kasi nakainom siya? Mas nakakatakot siya kasi mas seryoso siya ngayon.


Nagkaro'n ako ng lakas ng loob na tumingin sa kanya pero pag tingin ko'y umiwas din ako agad dahil titig na titig siya sa akin na parang ako lang ang tao dito.


"Oh yeah? Sa bar?" Taas kilay niyang tanong.


"O-oo. Dito siya nagtatrabaho," sabi ko. Dahil totoo naman!


Nakita kong tumaas ang gilid ng labi niya. "Really? Or you're seeing someone else?" Tanong iyon pero bakit parang pangbibintang?


Nakaramdam ako ng inis kaya nilingon ko siya. "At sino namang kikitain ko?" Tinaasan ko siya ng kilay.


"Maybe... Chad?" Kumunot ang noo niya.


Napaisimid na lang ako sa sinabi niya. Bakit ba ang init ng dugo niya kay Chad? Wala namang ginagawa 'yung tao sa kan'ya. Ni wala nga rito si Chad kaya bakit ba siya galit na galit?


"Bakit naman ako makikipagkita sa lalaki na 'yon?" Lumukot ang mukha ko.


He shrugged. "Well, baka gusto mo na siya. Mukhang nagkakamabutihan na nga kayo e..." Nag iwas siya ng tingin sa akin.


Napahilot na lang ako sa sentido ko dahil kung ano anong pinagsasasabi niya. Lasing na nga ata siya.


"Ewan ko sa'yo. Ang dami mong problema kay Chad..." Napailing ako.


"Same goes for him." Tumuwid ang labi niya.


"Saka, ano namang paki mo kung sakaling nagkakamabutihan na nga kami?" Tumingin ulit ako sa kanya.


Nilingon niya ako at tinitigan muna bago magsalita.


"Then I will be jealous as fuck if that happens."


Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Hindi ko na lang siya pinansin at tinuon ulit ang atensiyon sa dancefloor.


"Umuwi na tayo," sambit niya bigla saka tumayo at hinawakan ang kamay ko.


Nanatili akong nakaupo at hindi pinansin ang pag aya niya.


"May hinihintay ako, hihintayin ko si Aloha. One ang out niya." Angil ko.


"Sabihin mo na lang na umuwi ka na kasi inaantok ka na. She will understand that,"


Agad akong nailing. "Sabi ko maghihintay ako dito. Saka, malapit ng mag-one. Mauna ka na kung gusto mo!" Saka ko binawi ang kamay ko sa kanya.


His MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon