5: Torn

5.9K 157 3
                                    

Alas sais ako nagising at agad na naghilamos at nag toothbrush. Pupunta ako sa garden ngayon dahil malakas ang hangin kagabi, malamang ay puro dahon na naman doon.


Itinali ko ang buhok ko at bahagyang inayos ang damit. Nakasuot lang ako ngayon ng maong shorts at dark blue t-shirt. Hindi na muna siguro ako mag uuniform.


Tinignan ko muna ulit ang sarili ko sa salamin bago lumabas ng kwarto.


Nakita ko si Yaya Del na naglilinis ng tv set sa sala at binati ako. Bumati naman ako pabalik.


Pumunta na ako sa kusina at dumaan ulit sa isang pinto para makarating na sa garden. Nasa likod kasi ito.


Bubuksan ko na sana ang pinto palabas nang napansin iyong polong suot ni Sir Trevor kahapon na nakalagay lang doon sa gilid malapit sa CR. Pinakiramdaman ko naman kung may tao ngunit wala. Siguro'y nakalimutan ito ni Sir Trevor.


Lumapit ako roon sa polo at sinuri ito. Nakita kong puro ito mantsa at nanikit na. Siguro'y kagabi pa ito. Natapunan siguro ito ang soup o ano.


Kumuha ako ng isang planggana at sabon. Lalabhan ko ito para hindi na lalong dumikit ang dumi at amoy.


Lumabas na ako at inayos ang paglalabhan. Binuksan ko ang gripo at pinapapuno ang planggana nang may naisip.


"Ah! Yung fabric conditioner!" Tumayo ako para kumuha ng conditioner para bumango naman iyong damit. Inilapag ko muna ang polo doon sa inupuan ko at pumasok na ulit sa loob.


"Ayon!" Sa wakas ay nakita ko na rin ang hinahanap ko. Maging ang fabric conditioner nila ang mamahalin din.


Kinukuha ko sa cabinet sa taas ang conditioner nang matigil dahil may narinig akong parang asong nakikipag away!


Lumabas agad ako at nakita si Polar (Iyong husky na aso Ma'am Amina) na nginangatngat ang polo ni Sir Trevor! Malamang ay naamoy niya iyong pagkain doon!


"Polar! Hey!" Binulas ko si Polar at agad namang binitawan ang warak warak na polo ni Sir Trevor.


Buti na lang at hindi mahirap sawayin ang aso na 'to at hindi niya rin tinangay ang polo pero... patay. Pa'nl na 'to?


Pinulot ko ang polong punit punit dahil sa ginawa ng aso. Lahat ata ng dugo ko ay umakyat na sa ulo ko dahil sa takot at kaba. What do I do? Pa'no ko ito ipapaliwanag? Pa'no kung makita niyang sira sira ng polo niya—


"What the fuck did you do?!" Anang galit na boses galing sa likod ko.


Unti-unti akong lumingon sa pinanggalingan ng boses at nakita si Sir Trevor na isang kalabit na lang ay parang sasabog na. Lumapit siya sa akin at hinablot ang polo.


"S-Sir Trevor, let me explain firs-"


"Did you rip this off?!" He cut me off. Galit na galit siya sa tanong na binato niya sa akin. Kontrolado pa niya ang boses niya pero alam kong gusto na niya 'kong sigawan.


"Hindi po—"


"Then why the fuck this is torn as fuck?!" Pinutol niya na naman ako.


"Sir, si P-Polar po kasi..."


"And now you're blaming the fucking dog? Just admit you're stupid!" Sigaw niya sa akin.


"Hindi nga po ako ang may gawa niyan!" Sigaw ko pabalik.


Lalong nagsalubong ang kilay niya. His eyes are bloodshot.


Lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabilang braso ko.


"Are you planning to get even with me? Hmm? " Niyugyug niya ang braso ko.


"Ano ba, Sir Trevor, nasasaktan ako!" Totoo iyon dahil ang higpit ng hawak niya sa akin.


"I don't care just fucking answer me!"


"Sabing hindi nga e! Bakit ba kayo galit na galit sa akin?!" Balik ko sa kanya.


Napapikit siya sa sobrang frustration at binitawan ako. "Next time you do any stupid things again, I will kick you out of this house." Banta niya sa'kin bago umalis sa harap ko dala ang polo niya.


May tubig na dumikit sa paa ko kaya't napatingin ako roon at napagtantong kanina pa pala umaapaw yung tubig. Pinatay ko ang gripo at natulala.


Napaupo na lang tuloy ako dahil sa nangyari.


Bakit ba galit na galit siya?


Panigurado namang marami pa siyang polo o kung wala man ay kayang kaya niyang bumili pero bakit kung nakabulyaw siya sa'kin ay wagas? As if naman kayaman yung nasira ko.


Tumingin ako sa magkabila kong braso at nakitang namumula ito. Bahagya pang bumakat ng mga daliri niya rito. Mapaka higpit at ang lakas ng pagkakakapit niya sa akin. Wala ba siyang pakielam kung nakakasakit siya ng ibang tao? Siguro. kaya nga alam niya ang salitang 'I don't care' e.


Mayaman siya at makakabili ang daang-daang polo kung gugustuhin niya. Pero yung reaksiyon niya matapos makita yung sirang polo na iyon ay hindi naman ata acceptable. Siguro'y importante sa kanya iyon. May sentimental value. Baka bigay ng girlfriend? Ewan ko ba. Basta mali pa rin.


Napabuntong hininga na lang ako at nagsimula na lang mag linis ng garden. Baka makalimutan ko ang nangyari ngayon pagkatapos nito. Sana nga. Hindi ko rin alam kung paano siya haharapin.

His MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon