11: Story telling

5.5K 145 1
                                    

"Ako 'yung nanggigigil sa tatay mo, Ria, e. Sumusobra na talaga 'yon!"


Reaksiyon ni Aloha pagkatapos kong ikwento ang nangyari sa bahay kanina. Andito ako ngayon sa apartment niya at kumakain kami ng fries habang nanonood.


"Peperahan lang niyan si tita, e! At malamang magbibigay naman si tita! Tanga pa naman 'yon!" Sigaw pa niya. Tinignan ko naman siya nang masama.


"Makatanga ka naman! Ako nga hindi ko siya sinabihan ng ganiyan e!" Saway ko sa kan'ya.


Umirap siya."E bakit nga ba pumayag ka? Baka mamaya, perahan lang no'n si tita tapos ibigay na naman niya sa babae niya!" Asik ni Aloha.


Umismid ako. "Subukan niya lang, pagbubuhulin ko talaga sila ng babae niya!"


"Ewan ko ba sa nanay mo! Napaka martyr!" Napakamot na lang si Aloha sa ulo niya.


Napabuntong hininga na lang ako at nanood na ulit.


"E kumusta ka naman?" Bigla niyang tanong.


"Ayos pa naman," tamad kong sagot. Busy kanonood.


"Magkwento ka naman!" Aya niya. "Ano namang lagay no'ng anak ni madam? Nakwento rin sa akin ni madam Amina na dahil sa panganay niyang anak ay walang tumatagal na yaya doon!" Pag inform niya sa akin.


Napairap ako nang maalala ang mga nangyari sa bahay noong mga nakaraan.


"Kaya naman pala walang tatagal doon, e napakasama ng tabas ng bibig ng lalaki na iyon!" Singhal ko.


Nanlaki ang mata ni Aloha at humarap sa akin. Nakaupo kasi kami sa sofa niya.


Lumunok ako. "Alam mo ba? Noong unang meet namin, nagsungit agad!" Humarap na rin ako sa kan'ya. Itong gaga naman ay nakikinig nang maigi. Chismosa talaga.


"Lalagyan ko 'yung baso niya ng tubig, inilayo ba naman niya bigla! Ang sabi pa, kaya niya raw gawin iyon nang mag-isa!" Pagkekwento ko.


"Ay, ang sungit naman pala ng anak ni madam Amina. Pinaglalagay mo na nga ng tubig, ayaw pa!" Komento niya.


Sunod kong ikinuwento ay iyong tungkol sa aso at sa polo niya.


"Oh? Ano pang mga ganap pagkatapos noon?" Sabi niya noong matapos ako.


Natigilan ako sa tanong niya. Ayokong ikwento 'yung tungkol sa theater room dahil umiinit ang pisngi ko 'pag naaalala iyon.


"Dali na, Tharia! Mag aalas diyes na, oh! Magmo-mall pa tayo!" Pangungulit niya.


"Huwag na! Ayos na 'yon!" Pagpigil ko.


Umirap siya. "Dali na! Gaga naman nito e, binibitin pa 'ko!" Iyugyog niya pa ako.


"Basta." Pagtanggi ko ulit.


"Pangit namang kabonding nito!" Reklamo niya.


"Oo na, ito na!" Suko ko.


"Anyare?" Taas kilay niyang tanong.


Bumuntong hininga muna ako bago magsimula.


"K-kasi.. nag-grocery ako noon," panimula ko. "Tapos pagdating ko sa bahay, inutusan ako ni Nay Delya na dalhin iyong snacks sa theater room.. " tumigil ako.


"Oh? Tapos?" Nakataas ang kilay ni Aloha.


"Parang tanga naman, Aloha, e!" Reklamo ko.


Umirap siya. "Ano nga? Magkekwento tapos hindi mo itutuloy! Ikaw 'yung parang tanga diyan e!" Balik niya sa akin.


"Kasi naman e..." pabulong kong reklamo.


"Dali na! Hindi tayo magsho-shopping, sige ka!" Panakot niya.


Napabuntong hininga na lang ulit ako.


"Tapos sabi niya... andoon daw si Sir Trevor. At may kasamang babae," napangiwi ako pagkatapos sabihin iyon.


"Omg?!" singhal ni Aloha at napatakip sa kan'yang bibig. "Gosh, may babae!" Tumili siya. "Parang alam ko na ang next niyan!" Tumili siya ulit.


"Edi huwag ko nang ikwento, alam mo na pala ang susunod." Humalukipkip ako at pinagpatuloy ang papanood.


Hinila niya ulit ako paharap sa kan'ya. "Parang gaga 'to si Tharia. Joke lang naman e! Tuloy mo na dali!"


Napairap na lang ako at nagpatuloy. "Tapos nakita ko silang... nagkikiss." Iyon lang ang nasabi ko.


"Kiss?! Paanong kiss? Dali, kwento mo naman nang detailed!" She urged.


Umiling ako. "Huwag na! Ayoko nang maalala!" Tinakpan ko ang tenga ko at ipinikit nang mariin ang mata.


"Nako, Tharia! Nakakainis ka naman e!" Ngumuso siya at umirap.


"Oo na! Tutuloy ko na!"


Lumiwanag ang mata niya at nakinig na ulit sa akin.


"Nakakakandong iyong babae, tapos si Sir Trevor, uh, nakahawak sa... "


"Dede?!" Gulat niyang sigaw.


Binatukan ko siya agad. "Gaga naman Aloha e! Ayoko na nga!" Reklamo ko saka humalukipkip.


"Sorry na! Dali! Tatahimik na 'ko. Ano ba kasi?"


Umirap ako at nagpatuloy. "Sa hita kasi!"


"Tssk, hita lang pala e." umirap siya.


"Tinataas niya kasi yung dress nung babae, okay? Tapos iyong babae, pilit tinatanggal 'yung sinturon ni Sir Trevor e hindi naman niya kaya dahil distracted sa halikan. Topless din si Sir Trevor at nagfeflex iyong biceps niya kapag nagbibigay ng pressure at support doon sa babae." Pagkwento ko.


"O.M.G!" Isa isang sambit ni Aloha. "Ang hot! Ang wild niya siguro! Palagay ko magaling siya sa kama!" Tili ni Aloha.


Nakakainis talaga 'tong babae na 'to. Puro kabastusan ang iniisp. "Ewan ko sa 'yo!" Sabi ko at hinampas siya ng unan.


Tumayo na 'ko. "Tara na nga! Mag mall na tayo!" Aya ko sa kan'ya.


Humagikhik naman siya at tumayo na rin.


Habang nasa sasakyan kami, patuloy pa rin ang pagkekwento ko dahil gusto niya pa raw malaman kung ano ang mga ganap sa buhay ko sa loob ng mansion.


"Palagay ko, may gusto sa 'yo 'yang Sir Trevor mo." Sabi ni Aloha nang naglalakad lakad na kami sa loob ng mall.


Agad ko siyang nilingon. "Huh? Paano mo naman nasabi?" Tanong ko.


"E diba? Sabi mo, kinausap ka niya sa kwarto. Tapos sinabi niyang nilalandi mo ang kapatid niya. E kung sakali, ano namang paki niya diba? May sinabi pa siyang mas madaling makuha ang kapatid niya kaya iyon na lang ang lalandiin mo kaysa siya? Parang nagseselos. Ano sa tingin mo?" Konklusiyon niyang nagpakunot sa noo ko.


Umiling ako. Hindi sang ayon. "Hindi naman siguro, malabo! Masyado mong inoover-look ang mga nangyari. Kahit babaero iyon, hindi 'yon papatol sa 'kin, 'no!"


Tumingin siya sa 'kin. "Maganda ka, Tharia! Mukha ka ngang half e! Saka tignan mo, kahit iyong Andrew ay mabilis nakipagpalagayan ng loob sa 'yo kasi nga, mabait at maganda ka!" Dagdag niya.


Umirap na lang ako kay Aloha. "Hindi 'yan. Imposible." Umiling iling ako.


Pumasok na kami sa department store dahil damit daw ang gustong bilhin ni Aloha. Ako rin ay may planong mamili. Kaonti lang ang damit ko. Bibili na lang siguro ako ng mga t-shirts at shorts.


Habang mamimili ng mga damit, hindi maalis sa akin ang mga sinabi ni Aloha. Ang mga sinabi niya, lahat, ay talagang imposible. Paano naman magkakagusto ang tulad ni Sir Trevor sa isang kasambahay lang na tulad ko? Hibang na siya kung gano'n.

His MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon