19: Distance

5.5K 149 21
                                    

"Oh," inilahad ko sa kan'ya 'yung necktie dahil nakuha ko na iyon sa cabinet.


Kumunot ang noo niya at pinaglaruan ang dila sa loob ng bibig. Umalis siya sa pagkakasandal at umayos ng tayo. Bahagya siyang lumayo sa akin.


kumunot din ang noo ko dahil sa ginawa niya. Ano na naman 'to?


"Kay Andrew inayos mo 'yung necktie tapos sa akin hindi? Ibibigay mo lang nang ganyan?" Tanong niya.


Napaawang ang labi ko dahil sa sinabi niya. Naaalala niya pa 'yon?


Nag iwas ako ng tingin. "S-syempre, inutos niya sa akin e." Dahilan ko.


"Then put it on me too." Hamon niya.


Hindi ko alam kung lalapit ba 'ko sa kan'ya para isuot ang necktie o ano. Nahihirapan akong huminga 'pag malapit siya.


"Hey woman, the time is running. Mag sisix na," paggising niya sa akin.


Umirap na lang ako at saka tumingkayad at inunat ang braso para maabot ang ulo niya. Ayokong lumapit sa kan'ya. Gusto kong panatilihin ang gan'to kalayong distansiya.


Malapit ko nang maisuot sa kan'ya ang necktie nang hawakan niya ang pulsuhan ko para pigilan iyon.


"Bakit ba ang layo mo?" Kunot noo niyang tanong.


"H-ha?" Patay malisya kong sagot.


Nakatitig lang siya sa akin na para bang hinuhuli niya 'ko.


Ano ba naman 'tong lalaki na 'to. Nagugulat na lang ako sa mga kinikilos niya.


Nakatingin lang ako sa kan'ya habang nakabitin sa ere ang kamay ko. Hawak hawak niya pa rin ang pulsuhan ko.


Tumingin ako sa kamay niyang nakahawak sa akin at tinaasan ko siya ng kilay.


Tinaas niya rin ang kilay niya na para bang nakikipagpaligsahan sa akin! Maya-maya, binitawan niya ang pulsuhan ko saka hinapit ang bewang ko papalapit sa kan'ya. Sa gulat ko'y napahawak ako sa balikat niya.


"Ang sabi ko, bakit ang layo mo?" Ulit niya.


Nakatitig lang siya sa akin habang ako nama'y nanlalambot dito. Masyado siyang malapit.


"K-kasi... ayokong lumapit," sabay iwas ko ng tingin.


"Really? Then how could you put that tie on me when you're in that distance, huh?" Naningkit ang mata niya.


Umirap ako. "E pa'no ko rin 'to masusuot sa'yo kung gan'yan ka kalapit!" Reklamo ko. Sa wakas ay nakatingin na rin ako sa kan'ya.


Nabalot kami ng katahimikan bago niya tuluyang binawi ang hawak sa bewang ko. Agad akong lumayo at iginala ang mata sa kwarto niya para mabawasan ang hiyang nararamdaman. Naramdaman ko ang pag init ng aking pisngi.


I cleared my throat. "Umayos ka na, isusuot ko na sa'yo 'to," sabi ko.


Umismid naman siya. "Nakaayos na 'ko, ikaw lang naman 'tong lumalayo." Balik niya akin at ngumiti.


Naiinis ako pero hindi kami matatapos dito kung mag iinarte ako.


Lumapit na ulit ako sa kan'ya at sinuot ang necktie. Habang inaayos ko iyon ay nararamdaman kong titig na titig siya sa akin. May dumi ba sa mukha ko? Kanina pa siya nakatitig!


"Ah! What the–?" Daing niya nang hinigpitan ko ang necktie niya.


Ngumiwi ako. "Ay, sorry," painosente kong sabi.


His MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon