30: Chase

5.2K 145 6
                                    

Bumaba na rin ako dahil kailangan kong maglinis. Hindi ko pa rin dapat kalimutan kung ano ang trabaho ko rito. Nakakahiya naman kung nakahiga lang ako.


Pagbaba ko ay nakita ko si Ma'am Amina na nagluluto ng Carbonara.


"Ria!" Bati niya sa akin.


"Bakit bumangon ka na?" Tanong pa niya.


Tinawanan ko siya. "Wala naman po akong sakit,"


Umiling siya. "Magpahinga ka. Alam kong hindi ka pa nakakarecover sa mga nangyari."


Ngumiti ako. "Okay na po ako..." I assured her.


She sighed. "You know..." Hinawakan niya ang kamay ko. "I'm a bit guilty. Parang ako kasi ang may kasalanan kaya ka nakidnap."


Umiling ako sa kan'ya. "Huwag n'yo pong sabihin 'yan, hindi po kayo ang may kasalanan."


"I'm sorry,"


Tumango lang ako sa kanya.


"I called Trevor when I started to get a feeling na parang may mali, I just asked you to buy ribs tapos inabot ka ng 5 hours?" Tumawa siya.


"Nagdrive agad siya pauwi rito... He already have a conclusion kung anong nangyari sa'yo pero hindi siya sigurado."


Nakikinig lang ako sa mga kwento niya.



"Ang sabi pa niya, baka raw nagpunta ka sa kaibigan mo kaya pinuntahan niya si Aloha. Wala ka naman doon at pati siya, nagulat. He also asked help on police station nearby pero wala ring nagawa dahil they couldn't consider you as missing daw hangga't wala pang 24 hours."


Tumango ako. "Dito lang po ako nakuha sa loob ng village. Planong plano po talaga dahil sa mismong walang cctv na parte ako kinuha..."


"Dito?" Bahagyang nanlaki ang mata niya.


Tumango ako.


"Hindi rin ako makapaniwala na si Chad ang may pakana nito. I just couldn't imagine." Napailing siya. "Chad is a goood man."


"Ako rin naman po..." Pagsang-ayon ko.


Nagkwentuhan pa kami ni Ma'am Amina pagkatapos ay nagsimula na rin akong maglinis sa living room.


Nasa gitna ako ng paglilinis nang biglang nag vibrate ang cellphone ko.


Inopen ko ang messenger ko at may isang account na hindi pamilyar na  nagsend ng mga pictures sa akin.


Nang pinindot ko ang pictures ay nakita kong si Trevor iyon na nakaupo sa restaurant kasama ang isang babae.


Teka, kilala ko 'to ah.


Si Caren?


Siya ba ang importanteng client ni Trevor?


Tinignan ko pa ang ibang pictures at nakitang may litrato roon na sinusubuan ni Caren si Trevor, 'yung isa naman ay pinupunasan niya sa bibig gamit ang tissue at 'yung huli nama'y magkayakap sila.


Ewan ko ba pero bigla na lang bumigat ang pakiramdam ko. Ito ba ang... trinabaho niya?


Aware ako na may gusto si Caren kay Trevor kaya alam kong may iba pa silang pinag usapan bukod sa 'business'.


Napatingin ako sa tiyan ko at bahagya itong hinawakan.


Ready kaya siya?


O... baka hindi niya talaga ako gusto at ginamit lang.


His MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon