13: Again

5.2K 154 0
                                    

"Oh? Diba sabi ko sa 'yo, kahit the other day ka na umuwi?" Tanong ni Ma'am Amina noong nakita akong umuwi. Nakaupo siya roon sa sofa at nagbabasa ng magazine. Napatingin din ako sa wall clock at nakitang alas sais pa lang ng hapon.


"Busy din po kasi si Mama kaya umuwi na lang po ako dito..." pagdadahilan ko.


Tumango siya at tumingin sa mga paperbags na hawak ko.


"Ibaba mo muna iyan sa kwarto mo," utos niya sa akin. Tumango naman ako at pumunta na sa kwarto.


Pagbukas ko ng pinto ay naabutan kong nag aayos ng gamit si Nay Delya. Aalis ba siya?


"Saan po kayo pupunta, Nay?" Kunot noo kong tanong. Binaba ko na rin ang paperbags sa kama at nilapitan si Nay Delya.


"Uuwi ako sa probinsya. May sakit ang anak ko, dinala sa ospital kanina lang," pagpapaliwanag niya. Nagmamadali siya kaya hindi ko na rin muna kinausap.


"Tulungan ko na po kayo," alok ko at sinara ang maleta niya.


Lumabas na kaming kwarto. Ako na rin ang nagpresintang magdala ng maleta niya. Naabutan din namin si Ma'am Amina na nakaupo sa upuan katabi ng coffee table at may inaayos na papel.


"Nay Delya, ito po ang tulong ko sa inyo." Sabay abot niya ng cheke. Tinignan ko iyon at may nakasulat na '300,000' check.


Kinuha iyon ni Nay Delya at umiling. "Amina, sobra 'to. Kakahasod ko lang din, hindi ba?" Malumanay na tanong ni Nay Delya.


Umiling din si Ma'am. "Ayos lang 'yan, Nay! Para namang iba ka sa'min, para na rin kitang ina, alam mo 'yan," ngumiti si Ma'am Amina at niyakap si Nay Delya. Ang bait talaga niya.


Pinahid ni Nay Delya ang luha sa pisngi niya. "Salamat. Sige mauna na 'ko," paalam ni Nay Delya sa amin. Hinatid namin siya sa gate at sinakay ko na sa kotse ang bagahe niya.


"Ikaw na ang bahala kay Nay Delya, Ogi! Ingat kayo!" Bilin ni Ma'am Amina sa driver niya.


Tumango lang ito at pinaandar na ang kotse.


Nasa labas pa rin kami ni Ma'am at tinitignan ang kotseng paalis.


"Buti po pala umuwi ako 'no?" Tanong ko habang nakatingin pa rin sa kotseng palayo.


"Kahit naman hindi ka muna umuwi ay okay lang. Gabi naman din kaya wala na masyadong gagawin." Sabi ni Ma'am Amina at nag aya nang pumasok sa loob.


"Saan po bang probinsya si Nay Delya?" Tanong ko habang nagtitimpla ng juice. Kakain kasi si Ma'am Amina kaya pinagtimpla niya ako ng orange juice.


"Sa Cagayan De Oro," Sagot niya.


"Ang layo po pala 'no?" Tanong ko at binigay na ang juice sa kan'ya. Tumango naman siya at nagsimula nang kumain.


Pagkatapos noon ay naghugas na 'ko ng pinggan bago pumasok sa kwarto. Nakatulog din naman ako agad dahil na rin siguro sa pagod.


Nagising ako ng alas singko ng umaga. Siguro ay alam ng katawan ko na wala si Nay Delya kaya maaga niya akong ginising.


Naghilamos ako ng mukha at nagtoothbrush. Dahil maligamgam naman ang tubig ay napagdesisyunan ko na ring maligo.


"Ang fresh mo, ha? Maaga ka pa lang naliligo?" Tanong ni Ma'am Amina nang makasalubong ko sa living room. Ang aga rin ata ni Ma'am?


Natawa ako. "Hindi po. Ngayon lang po ako naligo nang maaga. Maligamgam din po kasi ang tubig. Kayo po? Ang aga n'yo rin ah?" Tanong ko pabalik.


"Yeah, I woke up early kasi may bisita si Trevor. Magbabasketball daw sila ng mga kaibigan niya doon sa court." Sabi ni Ma'am Amina habang busy sa phone.


Oo nga pala at malapit lang ang bahay nila sa basketball court dito sa forbes.


Tumango na lang ako at pumunta sa tv para maglinis


"May kaibigan pala 'yon?.." Bulong ko sa sarili ko habang naglilinis sa tv set.


"Tharia," rinig kong tawag ni Ma'am sa akin. "Mag prepare ka ng mga drinks, ha? Saka kumuha ka ng extra t-shirt for Trevor, also towel pala..." bilin niya.


"Opo," sagot ko at binalik na ang basahan doon sa basket saka pumunta sa taas para kumuha ng white t-shirt para sa anak niya.


Pagbaba ko ay kinuha ko na rin ang cooler at naglagay ng yelo doon. Naglagay ako ng gatorade, pocari sweat, tubig at iba pang drinks. Ang sabi sa akin ni Ma'am Amina ay apat daw ang kasamahan ni Sir Trevor, bali lima sila lahat.


Sinakay ko na sa kotse ang cooler at bag na may lamang towel at damit. Andito pa 'ko at nakatayo sa tabi ng kotse dahil hinihintay ko si Ma'am Amina.


Lumabas na siya ng bahay at kumunot ang noo nung makita akong nakatayo pa rin dito.


"Bakit hindi pa kayo umaalis?" Tanong niya. Kasama ko si kuya Ogi dahil siya ang driver.


"Hindi po ba kayo sasama?" Balik ko naman.


"No, I'll wait here. Magsiswimming ata sila dito mamaya e. You go ahead, Ria." Utos niya.


"Ah, okay po." Tumango na lang ako at sumakay na sa kotse. Ngayon na lang ulit kami magkikita ni Sir Trevor matapos no'ng nangyari sa kwarto.


Hangga't kaya ko, iiwas ako ng usap sa kan'ya. Ayokong magkaroon ng conversation sa kan'ya.

His MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon